Mga simpleng bagay na ginagawa sa’kin ng asawa ko na sobrang naa-appreciate ko araw-araw. 💗
• Pinagsasandukan niya ako ng pagkain.
• Inaabutan niya ako ng tubig kahit hindi ko pa hinihingi.
• Inaasikaso niya ako kapag may sakit ako.
• Sya ang naglalaba ng mga damit namin. Ako sa tupi.
• Tinatandaan niya ang mga maliliit na bagay na gusto ko.
• Pinapakinggan niya ako kahit paulit-ulit na akong nagkukuwento.
• Siya ang unang nag-aalok ng tulong kapag may kailangan ako.
• Pinagluluto nya ko palagi or binibilban tuwing may cravings ako.
• Pinaprioritize niya ang oras namin kahit marami siyang ginagawa.
• Siya pa madalas ang naghuhugas ng pinagkainan namin.
• Kinukumusta niya ako sa buong araw kahit busy siya.
• Hinihilot niya ako kapag may masakit sakin.
• Sobrang spoiled niya ako sa maliliit at malalaking paraan.
• Palagi niya akong binibigyan ng bulaklak.
• Sinusundo at hinahatid niya ako palagi.
• Sinasama niya ako sa lahat ng family gatherings at gala.
• Pag maglalaro madalas sya mag aaya kasi ako forever kaduo nya.
• Pinaparamdam niya na kakampi ko siya sa lahat ng sitwasyon.
• Ipinagmamalaki niya ako sa pamilya at mga kaibigan niya.
• Pinapatawa niya ako kapag malungkot ako.
• Palagi nya ako pini-picturan.
• Hinahawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
• Lagi akong nasa safe side tuwing tumatawid.
• Pinapaalala niya sa akin kung gaano ako kaganda kahit bagong gising at magulo ang buhok.
• Lagi niyang sinasabi na proud siya sa akin.
• Pinaghahandaan niya ang mga espesyal na araw namin kahit simpleng celebration lang.
• Tinutulungan ako sa bizz kahit puyat na basta sabay kami dapat matulog.
• Siya ang unang tumatakbo kapag may problema ako.
• Hindi niya ako pinapatulog nang may sama ng loob.
• Tinutulungan niya ako sa mga gawaing bahay nang hindi ko na kailangang sabihin.
• Araw-araw niya akong sinasabihan ng “Mahal na mahal kita.”
• Lagi niya akong pinipili, araw-araw.
Hindi man perpekto ang pagsasama namin, pero araw-araw niyang pinaparamdam na mahalaga ako, mahal niya ako, at hindi ako nag-iisa sa buhay. Hays thank you Lord talaga. 🥺 Kahit minsan sumasakit ulo ko sa kanya, mas madaming bagay naman akong dapat ipagpasalamat.
At syempre, mahal na mahal ko din ang asawa ko na yarn.