HINDI TOTOONG MAPAPA-ENGLISH KA NA LANG KAPAG GALIT ver. 2.0
Mood: Naglalatag ng sariling red carpet tapos binuhusan ang sarili ng rainbow colored confetti while doing Fetty Wap Challenge.
Dahil ito na ata ang pinakamakasaysayang araw at pinakainaabangang ‘Achievement Unlocked’ ng buhay ko. Antagal ko ‘tong kinimkim sa puso ko. Antagal kong nagtimpi pero sa wakas nagawa ko din. Para akong umutot ng sobrang baho saloob ng elevator ng walang kahit anong pagsisisi. Yung kahit madaming nakaamoy, proud na proud pa ako kase tangina nilang lahat with feelings!
Inaway ko lang naman yung isa kong katrabaho. At sobrang saya ko bes.
Sa trabaho ko kase ako yung ipinakabata, pinaka-less experience at pinakabago. Isama ko na din yung pinakamaalindog. At ako lang yung Pinoy. The rest puro ibang lahi na. Halos lahat naman sila kaibigan ko. Pero may iilan pa rin na sobrang aabusuhin ang kabaitan mo. Level of abuse: laspag levels. Ganyan. Porket hindi ka nagagalit at palagi ka lang nakangiti feeling nila okay lang sa’yo lahat. Kung tratuhin ka parang napakahina mo.
So eto nga. Meron akong isang katrabahong Pakistani na hindi naman kami close pero kung makapag-joke kala mo mag-bes kami. Kinukuha yung gamit ko ng walang paalam. Ipinamimigay ang inorder kong pagkain sa iba na parang may pa-charity works. Tapos siya pa yung barubal. Tagal na siyang ganyan sa’kin pero pinapalampas ko lang kase ang palaging mindset ko, “Magpakabait ka lang kahit hindi sila mabait sa’yo. Ang mahalaga malambot ang unan mo at nakakatulog ka ng mahimbing sa gabi.” Iniisip ko na lang,
“Siguro nakulangan sa chicken curry at biryani.”
O kaya, “Siguro hindi pinagbigyan ng asawa kagabi kase amoy nakaraan.”
O di naman kaya, “Siguro crush niya ‘ko. Naaalindugan kaya papansin.”
Tagal ko ag gumagawa ng excuse para hindi magalit sa kanya pero talagang sinusubok ang pasensya ko. Hanggang sa nitong huli, hindi na naman siya nagpaalam nung kinuha niya yung ‘gas defender’ ko. Hanap ako ng hanap buong araw kung nasaan pero nasa kanya lang pala. Ok lang naman yun sakin. Sanay na. Pero nung ibalik niya, siya pa yung may ganang itapon na lang basta sa harap ko. Napakabastos. Tapos nakangiti pa ang hayup, itim itim naman ng gilagid. Tumaas ang hi-blood ko bes. Eh di bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at tiningnan siya ng masama sabay bagsak ko yung hard hat sa harap. Ramdam ko yung pagkakaisa ng mga atay, balunbalunan at buong kalamnan ko habang chinicheer nila ako ng, “Go bes. Labaannnn!!”
“Hoy! What’s your problem tangina ka?! Pareho lang tayo ng trabaho dito kaya wala kang karapatang ganyanin ako ha. Hindi mo ako pinapalamon!”
Nakatingin lang siya. Tapos nakalimutan ko, nag-tagalog pala ako kaya hindi niya naintindihan. Ewan ko ba. Sabi kase kapag galit na galit ka bigla ka na lang mapapa-English pero bakit parang hindi naman tumalab sa’ken! So inulit ko yung sinabi ko pero in English na.
“You’re nothing…But a second rate…Trying hard…Copycat!!!” Pero sa halip na tapunan ko ng tubig sa mukha, dinuraan ko na lang. Para classic.
Pero siyempre charot lang.
Pero ganito talaga yung sinabi ko akshwally.
“Hey ( sinabi ko buong pangalan), I don’t owe you anything. I don’t care if I lose my job or what. But next time you insult and disrespect me again in that way, babalatan kita ng buhay at ibibilad kita sa likod ng ref namin!” basta ganyan. Hindi ko na din naintindihan yung mga pinagsasabi ko pero feeling ko na-gets naman niya. Nagwalk-out eh. Struggle yung English ko nun ampota pero nairaos ko yung gusto kong sabihin kahit mautal-utal na ako. Hindi makapaniwala yung mga kasama ko na nagawa ko yun kase nasanay sila na tahimik lang ako palagi. Pero seriously, sobrang malaking accomplishment na yan para sa tulad kong palaging takot maka-offend ng ibang tao. That time, wapakels na ako to the max. No regrets, just pakingshets.
Ang sa’kin lang, hindi naman talaga kelangang paabutin lagi sa ganito. Nagpakabalahura lang ako kase, dami kong time. Pero kase, kapag hinayaan mo na lang na palagi kang hamakin ng isa, kayang-kaya din yang gawin sa’yo ng iba. Ng kahit sino. Know your worth. Kapag alam mong sobrang mali na, gawin mo yung alam mong tama na hindi kelangang macompromise yung pagkatao mo. Dahil kapag palagi mo na lang pinalampas, anong pinagkaiba mo sa aparador at sandok at kaldero sa bahay niyo? Hindi ka naman gamit. Walang magtatanggol sa sarili mo kundi ikaw lang mismo. At the end of the day, mga 11:59 P.M, sarili mo lang ang meron ka. Kung di mo alam ang sukat ng halaga mo, sino pang makakaalam ng worth mo? Ang pride hindi kelangang palaging nilulunok. Isinasantabi yan sa gilid ng lalamunan para kung sakaling may mang-agrabyado sa’yo, nakareserba yung pride mo para idura sa mukha niya, yung tagos!