Kaycee Speaks: Random personal moments r/t esports
“I should totally make a list ng mga naranasan ko dahil sa lol esports madness ko.”
Late 2013 to early 2014 yung simula ng pagkahumaling ko sa esports scene ng LoL. Medyo slow yung yung start ko pero at least tuloy-tuloy. Nagsimula lang siya mag accelerate nung All-Star 2014 Paris at simula dun, tinapon ko yung sarili ko sa mundo ng esports. At heto ang compilation ko ng mga random moments na naranasan ko ddahil sa LoL at LoL esports. Malaki yung chance na madalas ko itong maedit kasi makakalimutin ako. :’))
1. Nalock kami sa labas ng bahay dahil umuwi ng late ng dahil sa GPL Spring Finals
-Eto yung moment na hinding hindi ko makakalimutan. Madalas namin itong napag-uusapan ng pinsan ko at sabi ko nga if magkakaroon ng survey or questionnaire ang Garena about sa experiences mo sa mga inorganize nilang gatherings, eto yung lagi kong #1 sa listahan. Hindi ko alam kung stupidity sa part namin or stupidity sa part ng tita namin kung bakit ito nangyari. So GPL Finals. April 16. Sunday iyon. Maaga kaming umalis (ako, younger brother ko at cousin ko) sa bahay kasi dadaan pa kami sa Garena para kunin yung ticket (I have a free ticket kasi AEX!) ko. Minessage ako ng tita ko during our commute to Garena na yung 1 kong tita ay g na g dahil nga umalis daw kami so sinabi ko na sa SM Aura kami pupunta then during GPL, inuulan ako ng message na umuwi na daw kami kasi di daw kami nagpaalam. So I was confused kasi bakit hindi sinabi ng tita ko sa isa kong tita kung nasaan kami. Di ba niya pwede sabihin yun? Then nung natapos na yung GPL, dumiretso uwi kami and took a taxi para mas mabilis and nakarating kami sa bahay before 8PM just to find out na nilock yung pinto at gate. Then nung nakapasok na kami, napagalitan kami kasi apparently di daw kami umuwi and inaantay daw kami. UHHHH?????? So yeah. Suwail kaming mga bata (if you can still call legal adults bata).
2. Nagka zombie horde nung Rampage 2017
-Rampage 2017 was the WORST Rampage ever. Like the WORST. AS IN SOBRANG WORST. 8 hours na nasa pila kahit nasa unahan kami banda (hello sa mga sumingit!) and hello sa hindi maayos na sistema nila. Long story short, bandang 10am (nasa labas parin kami! 5 am kami pumila!) biglang nawala yung harang ng mga bouncer dahil sa kakatulak ng mga tao at ng mga sumisingit and like a true zombie horde, nagtakbuhan sila sa entrance ng WTC. Like literally, nakatayo kami sa may field tapos nakita na lang namin may tumatakbo papalapit sa amin at nilagpasan kami. Dude as in umikot sa pwesto ko at na-witness ko na parang mga zombie yung mga tao at desperado silang makapasok sa loob. Natatawang naiinis ako pag naaalala ko yun kasi nasunburn ako dahil dun.
3. I met AEX nung Rampage 2016
-Rampage 2016. Ah. Medyo malapit na siya sa Rampage 2017 bilang the worst Rampage ever pero nawawala lang siya dun sa list na yun kasi nanalo yung AEX at nakita ko sila. Legit na nakita ko sila. Nakaakyat ako sa stage (EXTRA KASI AKO) at may picture ako kasama nila at napirmahan nila banner ko. Medj high ako dahil sa adrenaline nung mga panahon na yun. I had dinner with them. I managed to ask questions about the team and it was one of the best nights ever. As in sobra.
4. Nagkaroon ako ng kaaway sa Twitter dahil kay Hai
-Nagkaroon ng issue si Hai for bashing BTS and natawa ako sa tweet niya pero may stupid baby bra warrior who took it personally and inaway ako. LMAO bitch nauna pa akong maging ARMY kesa sayo. :’)))
5. Peanut greeting me a happy birthday
-Nasa NaJin pa lang si Peanut, fan na ako. Nasa Azubu pa lang siya nagstream, pinapanood ko na siya and tbh napaka sweet niyang bata. Hindi daw siya ganun ka runong mag english pero he tries. He usually relies sa google translate and everytime we ask him questions ang bilis niyang mag alt tab just to type in yung sinabi namin sa google translate. Ang cute pa nung binati nia ako nung birthday ko. Patulog na sana ako nun at hindi pa siya tapos mag stream (kasi usually inaabot sila ni Rapper!DJ!Support!Watch ng madaling araw) pero nakahabol siya before akoo mag log out and nabati niya ako. He’s the sweetest ever. >~<
6. Umiyak ako ng dahil sa paglipat ni Peter sa TSM.
-Legit umiyak ako. As in iyak talaga. Di lang hikbi or anything. Full on iyak siya.










