Maybe, to those who read my previous posts, alam nyo kung gaano ako naanxious about board exam. Dahil di pa ako makatulog sa sobrang saya, mag kwento na lang ako haha
April 2018, undecided pa rin ako kung magtetake ako ng board exam. Bakit? Natatakot ako. Takot akong bumagsak. Takot akong di mameet ang expectations ng iba, lalo na ang expectations ko sa sarili ko lalo na at yung ate ko, first taker din sya ng nursing exam and she made it, kaya lalo akong natakot, but, I stilk chose to take the board exam and mag review.
May 2018, nagstart na ang review season. And guess what? Wala akong kaalam alam kahit na basic sa stats hahaha. Ang hindi ko makakalimutan is hindi ko alam ang KR20, which is basic lang pala yun sa stats hahahahaha. So to shorten the story, may-oct 2018, nagreview ako sa RGO QC every sat-sun and ang hirap bes lalo na pag saturday, sobrang haba ng pila sa bus pauwi at sobrang siksikan. During these months, nagbebreakdown ako, naiiyak ako sa takot, sa pagod karereview. Tipong gumigising na lang ako para magreview, at matutulog na ang iniisip eh yung rereviewhin nya kinabukasan, tipong di na halos ako umaalis ng bahay kasi nakakaguilty na may isang araw ka na dapat pinagreview mo na lang pero gumala ka. I've read 4-5 books na tig 600+ pages, iba pa yung drills and handouts from RGO, sobrang challenging para sa akin ang magbasa, kasi hindi ako avid fan ng pagbabasa, wala akong libro na natatapos hahaha pero dahil sa board, napilitan ako, and di ako nagsisi kasi may natutunan ako hahaha. From may or june yata, I started to go to National Shrine of St Jude once a month, para mag novena or dumaan saglit para makapagdasal. My friends and I also went to other churches like St. claire in QC and Our Lady of Manaoag in Pangasinan. But other than these, nakapagsimba na rin ako sa Antipolo nung May haha. Before board daming rituals, nagpatasa na rin ako sa top 5 nung 2017 para sure pass hahahahahahaha. But I know that these are not enough, kailangan pa rin ng sikap at prayers.
October 28, day before the board, ang saya ko, kain dito, kain doon, may video pa nga ako na kumakanta sa videoke sa condo na mukhang nasiraan na hahahahahaha at nung gabi, di ko expected na makakatulog agad ako, pero I did hahahaha.
October 29, 1st day ng exam. Mag isa lang ako na naassign sa Holy Trinity sa aming sampu na magkakasama sa condo, but luckily, kasama ko pa rin si ate martha hahaha. 1st subject, TOP, gosh, nagulantang buong pagkatao ko, di ko ineexpect na ganon kahirap kasi sabi madali lang daw top, but mind you, sobrang hirap, as in. Natulala ako, parang maiiyak ako. Natawag ko lahat ng santo, pati yung lolo ko na namatay na, naistorbo ko pa hahahaha. After ng 1st subject, di ko kinakaya, maluha luha ako pero pinipigilan ko, sobrang nakakatulala, parang nagdadalawang isip na akong ituloy, sabay text sa nanay ko na wag na silang mag expect, pero tinuloy ko pa rin. I took the 2nd subject on the 1st day which is yung major subject talaga. Habang nasa grab pauwi, tulala ako mga te, di maipinta mukha ko, tipong tinatawagan ako ng jowa ko di ko sinasagot kasi ayokong maiyak sa sasakyan hahaha. Kaya nung pag uwi, nagmamadali agad akong pumasok sa condo sabay tawag kay bryan habang umiiyak hahaha.
October 30, 2018 2nd day, 2 subjects left and guess what mahirap pa rin hahahaha pero atleast may alam na kahit papano hahaha pero tipong di pa rin sapat para umabot sa 75 hahaha. Pero pag uwi ko, wala na akong maramdaman hahaha kasi parang nacondition na utak ko na baka di talaga kayanin. Kaya uminom na lang kami after, nag food trip at nag netflix hahahaha saya di ba, binagyo pa kami non hahahaha
And ito na, nov 9, 2018, lumabas resulta. And I passed it!!!! Sobrang sulit lahat ng pagod, ng luha at ng pagtaba. Thank you sa guidance Lord, st. Jude, st. Joseph of Cupertino, st. Claire, padre pio, our lady of manaoag, our lady of antipolo at sa lahat ng mga santo na natawag ko. Thank you din kay mommy, ate, daddy, ninang, nanay, sa mga tito at tita ko, kay Bryan na lagi kong kasa kasama tuwing nagsisimba at sa napaka habang pasensya hahaha at kay tatay na nasa langit na, inistorbo ko pa hahaha. Pati na rin sa mga kaibigan ko, at sa mga nagdasal na makapasa ako, na pinagdasal buong pangalan ko hahaha alam nyo na kung sino sino kayo hahaha thank youuu!!!!
Graciela Roma V. Legados, RPm