The best defense is a good offence

oozey mess
TVSTRANGERTHINGS
Xuebing Du
YOU ARE THE REASON
Three Goblin Art

if i look back, i am lost
Mike Driver

pixel skylines

❣ Chile in a Photography ❣
No title available
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
ojovivo
NASA
official daine visual archive
Not today Justin
Fai_Ryy
will byers stan first human second
Cosimo Galluzzi
art blog(derogatory)
we're not kids anymore.
seen from Oman
seen from United States
seen from Brazil
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Brazil

seen from Brazil
seen from Indonesia

seen from Egypt
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
@ordinarynomore
The best defense is a good offence
One of the characteristics of people who are unbalanced emotionally is unrealistic expectations.
David J. Haight | Keys to maximizing your Harvest
"There are three things that can change your future: -the books you read -the people you associate with -the seeds you sow"
"You must keep any roots of bitterness out of your heart, because that's where the fruit is produced, deep down in the roots."
KUNG BAKIT NASA HULI ANG PAGSISISI
Nasa huli ang pagsisisi, siguro para may time ka pa na gawin yung ginugusto mo, na kahit pag sabihan ka pa ng isang milyong beses ay balewala sayo. Itatapon mo sa hangin, kakalimutan na lang kasi wala ka pang paki-alam (sa ngayon) kasi akala mo mahaba pa ang panahon.
Nagsasaya. Naghaharot. Paikot ikot. Walang saysay. Walang katuturan. Pero basta, basta may araw at gabi pa na kung ituring mo ay parang walang tapos. Hanggang sa nauubos na pala.
Ang panahon, hindi mo yan masasabi kung kinabukasan may bago pa. Kaya may pag asa ka pa kung meron kang ngayon. Kaya mag-isip ka ng mabuti, kung ang iyong ginagawa ay may katuturan para sa bukas.
Coffee addict.
Yung akala mo may iinumin ka pa tapos pag tingin mo sa cup, bakit ubos na? Bakit nung maubos yung kape eh ganun ganun na lang? Nakakapagtaka.
Courage is not something that you already have that makes you brave when the tough time starts. Courage is what you can earn when you've been through the tough times and you discover they aren't so tough after all.
- Malcolm Gladwell | David and Goliath
Kung Minsan Nga Naman
Umpisahan natin ito sa salitang “minsan.”
Minsan kang may sasabihin, pero sa pagtagal ng panahon bigla mo na lang itong lilimutin. Paanong nagbago ang isip? Paanong nag-iba yung paniniwala? Paanong nababasag ang mga pinangako? Paanong parang bula, bigla na lng nawala ang ano mang sinalita?
Bakit ang salitang “minsan” ay nananatiling “minsan?” Yung “minsan” na akala natin ay walang katapusan. Yun pala… … … … ang lahat ay tinatapos ng salitang “minsan.”
…kung minsan.
Kung alam mo na ngang walang kwenta ang boyfriend, hindi na dapat pinagtutuunan ng panahon at pansin. Kasi kung talagang mahal ka, hindi ka sasaktan, hindi ka papaasahin, hindi ka bastang iiwan sa ere na wala man lang sinabing dahilan para sa paghihiwalay. Yung hindi ka na sisiputin para mag usap kayo sa huling sandali. Sorry for the term, pero, “ANG TANGA” lang. Oo, andun na tayo sa hindi magandang pakiramdam na ikaw yung iniwan, ikaw yung niloko, ikaw yung nasasaktan, ikaw yung parang kawawa. Pero still in the end katangahan talaga. Kaya ka nasasaktan kasi dahil dun sa term na yan. Ayaw nating masabihan pero yun ang ginagawa natin eh. Bakit ka mag uubos ng panahon sa pagkatanga? Sino ba namang tao, ang sobrang naging masaya kasi ang tanga nya? Sige sabihin mo sa akin, “ang sakit mo naman magsalita, wala ka naman sa sitwasyon ko.” At sasabihin ko sayo, oo wala ako dyan sa sitwasyon mo dahil di ko naman boyfriend ang boyfriend mo, pero ang lakas ko sabihin sayo ito kasi minsan na rin akong nabaliw, nagpakatanga sa maling pag ibig. At isa pang OO, oo mali yang pag ibig mo sa tao na yan.
Babae ka. Alam mo dapat ang halaga mo. Ginawa si Eba kasi “KAILANGAN” sya ni Adan. Walang naisulat sa Bibliya na si Adan, humiling sa Lord para gawan sya ng isang Eba. Pero gumawa si Lord ng Eba kasi nga “KAILANGAN” So, kung hindi ka pinahahalagahan, sabihin ko sayo, kahit ikaw naman…
ang magpahalaga sa sarili mo.
You know what the greatest tragedy is in the whole world?… It’s all the people who never find out what it is they really want to do or what it is they’re really good at. It’s all the sons who become blacksmiths because their fathers were blacksmiths. It’s all the people who could be really fantastic flute players who grow old and die without ever seeing a musical instrument, so they become bad plowmen instead. It’s all the people with talents who never even find out. Maybe they are never even born in a time when it’s even possible to find out. It’s all the people who never get to know what it is that they can really be. It’s all the wasted chances.
Moving Pictures, Terry Pratchett. (via the-library-and-step-on-it)
"Mahal ko na siya."
Iba na yata ang tingin ng mga kabataan ngayon sa konseptong pag-ibig. Tila hayok sila na maranasan ito; iniisip na ang pagmamahal ay tungkol sa panliligaw, pagbibigay ng atensyon, pagiging sobrang malambing, at iba pang makamunduhang bagay na binuhay ng mga istoryang pag-ibig na naglipana sa mga internet at libro. Ang pagmamahal ng mga magulang, kaibigan, at ng Diyos ay hindi na nakabase sa “pagmamahal” na gustong makamit ng isang indibidwal dahil laguyo ang uri ng pagmamahal na nais nito. Pansin na pansin ang uhaw ng iilan na magkaroon ng karelasyon dahil doon daw nila nahahanap ang kanilang kasiyahan at ang kanilang sarili. Ito na lang ba ang natatanging solusyon sa “problema” na ‘yan?
Unti-unting kinakain ng “sistema” na ito ang kasalukuyang henerasyon dahilan upang lumaganap ang liberalidad sa mumunting isip nila. Sa panahon ngayon, salitang-ugat yata ng 'pag-ibig’ ang salitang 'libido’ kung saan kali-kaliwa ang pagtatalo sa dalawang bagay na ito kung magkaugnay nga ba ito. Ito ba ang henerasyong gusto mong mapabilang?
Sa halip na pag-aaral ang atupagin, monthsary, anniversary, surprise, at lover’s quarrel ang pinoproblema ng ilan. Mas inuna pa yata iyon kaysa tambak na mga aralin at proyekto. Ito ba ang magpapaangat sa mga grado mo?
Pero subukan nating tignan ang panig ng kabila. Kapag may karelasyon ka, masaya, punong-puno ng inspirasyon ang bawat isa, alam mong may tumatanggap sa'yo anuman ang ugali mo, at ramdam mong di ka nag-iisa. Ito nga siguro ang ilan sa mga dahilan kung bakit mala-domino effect ang pag-ibig sa paraang pag nakabasa ang isang indibidwal ng isang romantikong babasahin ay iikot na ang imahinasyon nito at ilalagay ang sarili niya sa sapatos ng mga karakter sa libro.
Kung ang klase ng pag-ibig na tinutukoy mo ay romantiko, gawin mo itong sagrado,seryoso, tapat, at mas mapapabuti ang iyong sarili. Hindi solusyon ang pag-ibig para masabi mong, “Nahanap ko ang sarili ko sa kanya dahil tanggap niya ako,” dahil hindi mo pa siguro hinalughog ang bodega niyo.
reblogging...
About Cool Off...
Ang relasyon sa Panginoon, hindi pwedeng may "cool off"
Hindi pwede na sa ngayon feeling ayaw mo... at pagkatapos mamaya ay gugustuhin mong muli.
Ang Pag-ibig sa Panginoon walang rest day, walang pause, walang space-space. Walang kuwit. Hindi pahinto-hinto.
hindi yung para kang sininok. hindi yung para kang nasamid. hindi yung kapag naalala mo.... saka na lang ulit.
Ang Pag-ibig ng Panginoon sa atin ay pang habang-buhay. Ang relasyon natin sa Panginoon ay hindi humuhumpay.
Kung ma-"realize" mo at muli maranasan mo ang pag-ibig Niya, wag ka ng hihinto pa.
Love is waiting... waiting for the perfect timing. Most of the time, you already found this person, bearing the same love, a mutual understanding. But one is not yet prepared; not yet ready. One is not available. One makes it complicated. One hopes. One expects. One hesitates. Both... Parted ways. Both has unanswered questions. But both are "in-loved" One waited. One seeked. Both found. Both has become ready; Both are "in-loved" ...still. Both agreed that "true love waits."
As the saying goes like: "Chase your Dreams. And when you have it, Live on it." And in worst scenarios, "If its kinda' hard for you to have it, please make a way to #motivate yourself to pursue it!" Thrive and persevere on it.
#Candid shot. AR➕CnC ft. Pretty Ms.Gina #PrimerAGT #foreverforward #30yearsyoung
Sino Siyang kaaway ko?
Ipapakilala ko sainyo kung sino ang mortal na kaaway ko.
Hindi ko maalala kung paano kami nagkaganito. Kung bakit isang araw, ayaw nya na sakin. Hindi na nya gusto ang lahat sa akin. Bigla na lang isang araw, sinisiraan na nya ko. Gusto nya hadlangan lahat ng mga pangarap ko.
Punong puno sya ng "insecurities". Madalas nya kong ikumpara sa iba. Madalas pinipigilan nya ko sa paghakbang ko sa kinabukasan.
Kung minsan, kinukulong nya ko. Sinubukan kong lumaban, pero mamaya lang, andyan na ulit sya. Uutuin ako. Sasabihan ng mga bagay na sa pandinig ko eh parang totoong totoo.
Sabay kaming lumaki. Sabay kami sa pagtuklas. Sabay kami sa katuwaan at pati na rin sa kalungkutan. Sabay kaming tumawa, natakot, kinilig, umiyak, at marami pang iba. Noong una, pareho kami ng gusto, pareho kami ng layunin, pareho kami ng pangarap. Pareho naming nakikita ang napakagandang hinaharap.
Ngunit noong kami ay nagsimulang magkaroon ng pangangatwiran; natutunang magdahilan; natutunan ang pumili at, magsalita sa mga sarili naming pinaglalaban... Bigla, kaming naging magkaiba. Naging magkaiba ng gusto; magkaiba ng layunin; magkaiba ng pangarap.
Hindi nya ko gusto. Hindi nya ko gustong lumago. Hindi nya ko gustong lumaya. Hindi nya ko gustong yumaman. Hindi nya ko gustong makitang masaya. Hindi nya ko gustong makita na makamit ang aking buhay na inaasam.
Gusto nya kong makitang nahihirapan. Gusto nya kong makitang miserable.
Hindi ko alam kung paano na lng syang naging ganito? Eh sya naman ay parte na ng buhay ko. Siya naman ay minsan na ring ako; At ako naman ay minsan na ring siya.
Oo nga pala, Siya ay Ako. At Ako naman ay Siya.
Kaaway kong mortal, Oo nga pala, walang iba kundi... ang "sarili ko."
(inspired by source: Your old self must die)
just a thought: "why do people have to fake it?"