Migrasyon
Ang migrasyon ay ang pagtungo sa ibang lugar ng ibat ibang mamamayan mulansa isang rehiyon, lalawigan, at bayan, Ito ay maaring maging permanente o pansamantala lamang.
Mayroong 3 uri ng Migrasyon.
Ang una ay Labour Migration o ang penomena nang pag-alis ng manggagawa sa kanilang lugar upang humanap ng oportunidad at trabaho sa ibang lugar.
Ang pangalawa naman ay ang Refugees Migration o malakihang paglipat ng mga tanong nangangailangan ng internasyunal na proteksyon mula sa isang bansa o pamahalaan dahil sa panganib na nakaabang sa kanila sa bansang pinanggalingan.
Ang panghuling uri ng migrasyon ay ang Permanent Migration o ang penomena ng tuluyang paglipat ng isang indibidwal, grupo o pamilya sa ibang lugar.
Mayroong dalawang (2) klase ng Migrasyon:
1. Migrasyong Panloob
Ito ay ang paglipat ng isang tao o pamilya sa ibang bayan, lalawigan, o kaya ay rehiyon ng kanilang bansa.
2. Migrasyong Panlabas
Ito ay ang paglipat ng isang tao o pamilya sa ibang bansa upang doon na tuluyang manirahan.
Ang kalakasan ng migrasyon ay ang maraming benepisyong makukuha tulad na lamang ng pagbibigay ng kita sa bansa at gobyerno ng imigrante. Halimbawa nalang nito ay nagpapasok sila ng dolyar sa bansa. Ito ay may malaki ring dulot sa bansang lilipatan ng imigrante dahil ang mga imigrante ay nagbibigay ng mga ideya, inobasyon at mga kasanayan na may benepisyo sa pagpapasigla ng ekonomiya. Dahil dito marami ring oportunidad ang papasok sa mga tao. Ang mga dahilan ng paglipat ng bansa ng mga immigrante ay dahil sa magandang pasahod at dagdag karanasan na magagamit sa maraming oportunidad. Ito ay makakapagbigay sa kanila ng mas mataas na antas na pamumuhay. Nakakatulong din ito sa pagpapayaman ng komunikasyon at koneksyon ng iba't ibang kultura. Bukod sa nakakapagbigay ito ng trabaho, ito ay may potensyal na punan ang mga bakanteng trabaho sa isang bansa na nakakapagbigay ng produktubidad sa mga negosyo.
Ang mga kahinaan ng migrasyon ay ang paglilipat ng mga trabaho, kawalan ng trabaho, at limitadong pag-access sa mga mapagkukunan. Ang mga ito ay maaari ring humantong sa mas mataas na antas ng krimen dahil sa mga taong walang trabaho at kailangang tustusan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pamilya. Ang paglipat ay maaari ring humantong sa sobrang populasyon dahil ang mga tao ay itinaboy sa kanilang orihinal na tinubuang-bayan. Ito ay hahantong din sa pagbabago ng klima dahil magkakaroon ng mas maraming polusyon, basura, kasikipan, at init.
Karanasan ng migrant:
"Naaalala mo pa ba yung naramdaman mo nung unang beses mo malaman na kailangan mo magmigrate sa US?
Oo, May 13, 2014. Masaya ako dahil mabubuo na kaming pamilya. Di na kailangan maghiwalay and mag antay ng uuwi mula sa US. Malungkot dahil 23 taon ako sa pilipinas. Nasanay na ko sa buhay dito at nakakatakot dahil di ko alam kung ano meron sa US."














