“Oh thanks God tapos narin ang lesson plan ko”
Pasado alas 6 na ng makalabas ako sa aking Classroom, I am a Fresh Graduate with a degree of Secondary Education major in Ecology at ito ang una kong trabaho kaya naman pinagsusumikapan ko talaga na pagbutihin ang aking gawain,
Hindi na nakapagtataka na kakaunti na lang ang guro at estudyante ang nakikita ko pag ganitong oras, ang lahat kasi ay laging nag mamadaling maka uwi bago pa lamunin ng dilim ang buong eskwelahan. Ayon sa mga sabi sabi may multo daw na gumagala dito at di na ngingiming mag paramdam sa mga tao, marami nang nag papatunay dito ngunit sa loob ng tatlong buwan na pag tuturo ko ay wala pa naman akong nakikita at nararamdaman
Dumaan muna ako sa office para ipasa ang lesson plan na ginawa ko bago umuwi, pag pasok ko sa office ay wala ng tao hanggang 5 lang kasi ang pasok ng mga staff dito kaya nilagay ko na lang sa lamesa ng principal yung lesson plan ko para mabilis na makita ni Ma’am yung pinasa ko pag pasok nya bukas, palabas na ko ng office ng makarinig ako ng pag bagsak nang lumingon ako nasa lapag na yung lesson plan ko at sa pag kaka alala ko sa gitna ko nilapag yung lesson plan kaya paanong mahuhulog yun sa lapag? Wala namang hangin at kung meron man hindi sapat iyon para liparin yung lesson plan, pinulot ko nalang yung lesson plan at inilapag ulit sa lamesa,
Habang nag lalakad sa pasilyo may nakita akong Estudyante Lalake na nasa loob pa ng Library nakaupo ito sa pinaka unahan ng mga nakahilerang upuan at may hawak na libro, nasipat ko na ang Libro na hawak nya kulay asul at medyo malaki sa pangkaraniwang libro,
“masipag na bata malayo ang mararating nito balang araw” Ang na wika ko, bihira na kasi akong makakita ng estudyante na tumatambay sa library para mag aral, ang iba kasi puro gimmik lang ang alam, sa palagay ko Fourth year ang estudyanteng iyon, dahil pulang lace na suot nito, students on my school can recognize by the color of their lace Red for Senior, Blue for Junior, Yellow for Sophomore and green for Freshmen
Tiningnan ko ang orasan at pasdo 6:30 na kaya tinawag ko yung estudyante
“Bata mag sasarado na tama na yang pag aaral magiging Valedictorian ka nyan” Tumingin lang sya sa aking at bumalik na sa pag babasa
tinawag ko ulit ito ngunit di na nya ko tinapunan ng tingin. Kaya napag disisyunan ko na dumaretso na sa paglalakad,
Sa ikalawang classroom bigla akong pinagpawisan ng malamig, pakiramdam ko na parang lumalaki ang ulo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko at gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil nahagip ng aking paningin yung bata, nasa kabilang classroom na ito, ganun pa rin ang ayos, may hawak na libro at patuloy na nag babasa, unti unting bumabalot ang kilabot sa katawan ko, kumpirmadong di ordinaryong estudyante ang kinausap ko kanina at nang tingnan ko yung yung pinto nakandado ito,
Muling akong naglakad , kinukumbinsi ang sarili na imahinasyon lang ang aking nakikita, bunga ng pagod, subalit tuluyan ng nawasak ang aking pangungumbinsi ng mapadaan ako sa ikatlong classroom, naroon na ang bata at nag babasa pa rin, dahil sa takot binilisan ko na ang lakad pinipilit na wag pansinin ang nakikita, 12 pang classroom ang kaylangan kong daanan bago makapunta sa gate at sa bawat clasroom na nalalagpasan ay nakikita ko parin yung bata. Sa ika walong classroom sinimulan ko ng tumakbo dahil nakita kong tumayo yung estudyante at nag lakad papalapit sa bintana, 9, 10, Dalawang claroom na lang, sa ikalabing isang classroom di ko na nakita yung estudyante medyo nakahinga na ko ng maluwag, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, kahit hinihingal di ako huminto sa pag lalakad dahil baka bumalik yung multo, nakraos ako, nalagpasan ko yung pang huling classroom, naiiyak ako dahil sa takot dahil sa nangyari sa akin dahil sa buong buhay ko ito yung first time na nakakita ako ng multo, akala ko dati gi no goodtime lang ako ng mga co teacher pero totoo pala ang sinasabi nila.
medyo huminto muna ako ng ilang sigundo para habulin ang aking hininga bago naglakad ulit, malapit na ko sa gate, pagliko sa kaliwa ay naroon na ko sa gate lalakad lang ako ng konte at makakalabas na ko, pagliko ko sa kaliwa. Kung kanina habang tumatakbo ako ay na naluluha ako, ngayon IYAK TAWA naman ako, gusto ko ng sumigaw, gusto kong mag mura, bakit? Dahil yung Estudyante, nasa harap ko at nakaharang sa dadaanan ko, napansin ko na medyo madumi yung Suot nyang uniporme at bakas sa kanyang mata ang hirap na pinagdaanan nya, di ko alam kung anong gagawin ko, babalik ba ko sa loob o lalagpasan sya, nakatitig lang sya sa akin at maya maya ay nagsimula ng maglakad papalapit sakin, tatakbo sana ako pabalik sa loob pero ayaw sumunod ang mga paa ko, ilang hakbang na lang ang pagitan namin ay pumikit ako, hinihintay ko na lamang na sapian nya ko o kaya patayin, mga ilang sigundo rin akong nakapikit pero wala naman akong nararamdaman, nakiramdam muna ako bago nagpasyang dumilat ng makita kong wala na yung estudyante sa harap ko ay kumaripas na ko ng takbo papuntang gate, habang tumatakbo nakarinig ako ng isang sigaw
“Teacher yung libro, yung libro po , pakibigay po, sulat paki bigay” napahinto ako sa pagtakbo at kahit takot na takot ay lumingon ako, wala na yung estudyante, lumabas na ko sa school at dumaretso sa simbahan
Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil nilagnat talaga ako, halos tatlong araw ako naratay bago naka recover, pag pasok ko ay agad akong pumunta sa office at naghanap ng Grad Photo nag research ako, pero di ko nakita yung estudyante, sumunod ko namang ginawa ay nagtanong sa mga co teacher ko kung may estudyante bang namatay dito oh na murder , wala naman daw ang sagot nila, nag tataka sila kung bakit ko tinatanong sinasabi ko lamang ay kaylangan ko lang para sa actvity ko, ang huli kong pinuntahan ay kung saan ko unang nakita yung estudyante sa Library, habang nag iikot ikot tinanong ko yung librarian kung may libro bang mas malaki sa iba na ang kulay ay blue dinescribe ko yung hawak nung bata kaya lang wala daw ganoong libro, tuluyan na kong sumuko, nag pasalamat ako sa librarian at umalis dahil may klase na ko, nakalabas na ko ng library ng marinig kong sumigaw yung librarian.
Pag balik ko nakita kong nakakalat na yung mga libro
“Bumigay yung shed sir, medyo luma na kasi yan eh”
Tinulungan ko yung librarian sa pag aayos ng tawagin nya ko.
“Sir baka eto yung hinahanap nyo”
Nang lingunin ko yung librarian naka dama ako ng takot at saya
Matapos tulungan yung librarian hiniram ko yung libro at dumaretso sa Faculty
Isang Libro ng discovery ang hawak ko at lahat ay patungkol sa Human Organisms, inangat ko yung libro at naramdaman ko na man nahulog sa hita ko, isang sulat, nang tingnan ko nakasilyado pa ito at nakapangalan sa isang Sonnyboy Mariano, walang nakasulat kung kanino galling, agad kong ni research yung pangalan at nalaman ko na 2 taon ng Graduate yung nasabing estudyante, kinahapunan pagkatapos ng klase agad kong pinuntahan sa address na nakita ko sa file
lumabas ang isang matandang babae mga nasa edad 48
“Ano pong maipaglilikod ko sa inyo?”
“Dito po ba nakatira si Sonnyboy Mariano?”
“Ayy opo bakit po mag ginawa nanaman po bang katarantaduahan yung anak ko?”
“Naku wala po may I aabot lang po sana ako”
pinapasok nya ko sa kanilang bahay at pinaghintay sa sala bago umakayat sa ikalawang palapag marahil nandoon si Sonny
“Sino ba iyan ma? istorbo naman”
“Abay malay ko, akala ko nga gumawa ka nanaman ng katarantaduhan hala tayo at asikasuhin mo ang bisita mo pupunta muna ako sa palenge”
narinig ko ang pag uusap nila, bumababa yung babae ay nagpaalam sa akin at lumabas na, mamaya pa ay bumaba ang isang lalake halatang bagong gising at ng makita nya ko ay halata ang pag tataka sa kanyang mukha
“Ano po ang sa atin, may problema po ba?”
“wala naman may ibibigay lang sana ako”
Inabot ko sa kanya yung sulat, sinipat sipat nya yung sulat bago tumingin sakin
“Hindi ko alam sayo kasi nakapangalan eh”
Binuksan nya na yung sulat at inumpisahang basahin, yung una nakakunot noo sya, maya maya ay nakita kong tumatawa sya, yung tawa nya palakas ng palakas hanggang nauwi sa hagulgol, umiiyak na sya, pinupunasan nya yung luha nya sa pamamagitan ng kamay nya, patuloy parin ang pag babasa nya at patuloy rin ang pagdaloy ng luha nya,
nang matapos mag basa niyakap nya yung sula at umiyak lang sya ng umiyak, kahit wala akong alam sa nangyayari ramdam ko ang sakit at hapdi na matagal nya ng kinikimkim na ngayon nya lang na ilabas,.
pagkatapos ikinuwento nya sakin ang buong pangyayari,
yung sulat daw ay galling daw sa kanyang bestfried na si jhone-pol, 3 taon ang nakakalipas ng ma diagnose na may sakit na brain cancer ang bestfriend nya, Stage 3 na ito at sa istado ng buhay ni jhone-pol ay di kayang tustusan ang pampagamot, tinaningan na rin sya ng doctor na 4 hanggang 5 buwan na lang ang itatagal nya, kahit na mahirap tinanggap ni jhonepol ang kalagayan nya, tuwing uwian lagging pumupunta si Sonnyboy sa ospital para bisitahin at kwentuhan si JP sa pangyayari sa kanya, halos 3 buwan walang palya ang pag punta nya kaya lang sa mga sumunod na buwan ay naging bihira na ang pagdalaw nya dahil may nagustuhan syang babae at lagi nya itong hinahatid kaya di nya na napagtapunan ng pansin si JP hangang isang araw nabalitaan nya na lang na lumisan na ang bestfriend nya at bago daw ito mamatay ay naki usap itong pumunta sa school para puntahan at makasama nya si Sonny boy sa mga huling sandali, gusto daw syang Makita at makasama, tumambay daw doon si JP sa library kung saan doon sila unang nagka kilala, parehas kasi sila ng pangarap, ang maging Doktor pero dahil sa kanyang ka tangahan ay di nya nagawang samhanan ito hanggang sa mga huling sandali na labis nyang pinagsisihan
Nang basahin ko yung sulat kahit ako hindi ko napigilang lumuha, nakasulat kasi ditto ang pasasalamat nya sa lahat ng bagay na ginawa ni Sonny Boy, ang paghingi ng tawad sa mga kasalanang kanyang ginawa, sinabi pa nya na ipagpatuloy ni Sonny boy ang pangarap nila at kapag namatay na sya hihilingin nya sa Diyos na suportahan at ingatan sya, at anu mang mangyari lagi nyang iisipin na nawala lang sya sa katawan pero ang espirito nya ay laging gagabay sa kanya
Nagpaalam na rin ako kay Sonny Boy at lubos lubos naman ang pasasalamat nya sa akin, hinatid nya ko sa labas ng kanilang gate at pumara ng jeep, muli nag paalam at nag sya sa akin na may ngiti sa mga labi, habang umaandar napakurap ako pero maya maya ay lumapad ang ngiti ko dahil nakita ko sa side mirror si Sonny na kumakaway kasama si JP