Marvel Stan
Hi daddy. Nandiyan na din si Stan Lee. In case magkita kayo, mga usap na kayo hahahaha malamang dami kang tanong. Miss ko na bond natin sa Movies :( di nga ako nanonood ng kahit ano ngayon kasi after ko manood wala ako kakwentuhan. Kabisado ko na nga lahat ng Favorite Mo panoorin tulad niyang Marvel tapos Lord of the Rings tapos Bourne movies tapos Indiana Jones tapos kung Fu Panda tapos fave mo romantic movie is ghost tapos crush mo si Elizabeth Taylor tapos madami ka pa fave movies secret na lang natin pati Dialogue mo pag nag kakwentuhan. Tayo kabisado ko pa. Tapos Last na cartoon na napanood mo Before ka mahospital is Up huhu sinamahan mo ako sabi ko pa sayo fave ko yun kasi kamukha mo yung matanda parehas pa kayo grumpy hahahaha. And dad wala akong plano na manood ng Avengers 4 kasi di ka na naman kasama tapos pag uwi ko kung sakali manood ako, di ako excited kasi wala ako MA kuwentuhan. Ayaw ko na nga din manood ng Star Wars at umattend sa comic con, ayaw ko na umalis na bahay kasi di ako excited umuwi. And remember nung sinabi ko sayo pupunta si Stan Lee dito gusto ko siya makita ayun di siya nakapunta pala Late na ako sa balita. Kamusta na Dad? May free meet and greet ka na kay Stan Lee tanong mo na mga tanong mo sakin na di ko masagot saka kwento mo yung paborito mo pag nag aaway si Hulk at Thor saka yung fave mo na Spider man si Tobey maguire (tama ba spelling ko) plus yung mga cameos niya inaabangan mo palagi tuwang tuwa ka pa tapos kwento din ilang beses mo napapanood yung mga Marvel films Lol minsan nagtatlo pa tayo gaya ng Avengers Age of ultron sabi mo dalawang beses mo pa lang napanood eh lagpas limang beses na Lol kasi tuwing nanonood ka mapa Tv or phone nahuhuli kita . And Dad kung market mo nga siya, kwento mo ko hahahahaha. Ag lungkot nga eh nagm-mpirn din ako kasi alam mo naman malambot puso ko sa mga matatanda :( but maybe it s really his time and happy naman siguro siya na makakapunta na siya di yan i mean gusto na din niya kaya it s okay although heartbreaking huhu. If may free time ka, sana dumalaw ka sa panaginip ko ulit tapos kwento ka naman. Ako din, sobrang daming kwento. Love u.












