one my laziest months this year. dami lang nangyayari sa buhay ko lately. stress sa work, problem sa family, worry sa lease, health issues.. tapos lumalamig na, parang gusto ko nalang magpaka tamad, maging homebody, at mag overthink, very wrong i know, hirap lang talaga pag shorter days at cooler weather.
tried the famous mont blanc from good measure π§‘
daming tao sa cafe and medyo may konting wait before we were able to have a seat. had a good chat with carmie, nakakamiss din sila sa previous work ko. sana mas maging regular yung pag catch up namin!
got my parents a car π₯Ήπ₯Ήπ₯Ή ok, gastos siya pero yung reaksyon, yung saya, at yung pasasalamat nila yung maganda sa feeling at pinaka reason bakit gusto ko at kakayanin ko gawin for them.
at nag terno pa nga talaga sila ng suot sa pag pick up hahahays.
we were supposed to do the lerderderg gorge hike on easter pero mukhang mahirap daw sabi ni cris. i really wanna do that so hopefully sa next long weekend.
for now, we did mt cannibal. mabilis lang siya and madali lang, medyo hindi ako na-satisfy pero pwede na, at least we went out!
nakakapagod din mag adjust palagi. tinatry ko ilagay palagi yung sarili ko sa sitwasyon ng ibang tao para mas maintindihan ko why they act the way they do, pero taena paano naman ako? wala bang iintindi sa akin naman?
23 march - 29 march - hindi naman busy, wala lang hindi lang din ako nakapag log ng daily highlights. may something sa week na to at parang ang tamad ko sa ibang bagay. madami nangyari but wala lang talaga ako energy i-revisit ulit lol it's okay, minsan ganun talaga π
16 march - worked out first thing in the morning! πͺπ»βοΈβ¨ went at 7am, got it out of the way, dont need to think about it in the afternoon! tingin ko mas okay, basta maaga matulog. ang sarap din sa pakiramdam kasi parang ang haba nung araw ko. hopefully maging consistent, pa-winter pa naman na baka mahirapan bumangon...
17 march - three years in au!!! π¦πΊ ang bilis lang ng oras, tatlong taon na agad yun.. nanood and laro nalang ako, wala na ako masyadong ginawa dahil tomorrow is work again! kinakabahan na excited.
18 march - first day at my new job!!!!! super new ito sa akin because first work ko na walang pinoy, so i really have to communicate in english and i'm not depending on someone else. kinda like going out of my comfot zone, which i think is good for personal growth too. we had team lunch which was nice. mukhang okay yung mismong work and the people i'll be workig with pero i don't wanna jinx anything π€π»π€π»π€π»
19 march - we're not yet very busy, most of our time was just trying to prepare and set up thing for opening. comfortable na ako dun sa isang pharmacist, sana maging close kami. she's really nice and i like her personality, super magaan siya kasama. we also got our team shirts. again, early out kasi nothing to do really. also!!! i got the first journal for our sisterhood of the travelling journal and i'm soooo excited!
20 march - no work today! nagkaroon kasi ng power interruption sa work since yesterday, also, wala pa masyado gagawin dahil inaantay pa yung license to trade kaya ayuuun, additional day off! π
aaaandddd, this message put a smile on my face! π₯Ή
21 march - did a 7km morning walk, medyo malamig na so hindi na masyadong pawis. pero talagang nangagati yung legs ko after!! as in super kati wtf. nakikita ko online parang yung iba naeexperience din yun e so idk ano normal ba, tiisin nalang?! :(
22 march - nag bronze 2 na ko sa valo! hahahahaha nabuhat lang naman. naaadik nanaman ako dito, ang tagal na nung huling labas namin na hike or kahit ano na malayo.
ito nanaman, parang lalambot nanaman ako. nag pm lang sakin parang nakalimutan ko na ulit lahat nung reklamo ko sa taong ito π€¦π»ββοΈ nakakainis kasi e, shempre itong version niya ang maaalala ko dahil ito ang last encounter.
update (15:34) si toly naman nag message. medyo close kami, may fridays na kaming dalawa lang maiiwan and nakakapag usap kami about iba ibang bagay. sobrang bait din niya and siya yung iniisip ko na sana nasabihan ko last friday kaso nag dalawang isip ako. i wish more people are like him.
09 march - public holiday today, no work! π₯³ ang saya talaga ng 3 days na weekend, sana ito nalang ang default.. nag stay lang sa bahay today, rest & play & prepare for the week.
10 march - accepted the job offer β¨ sa wakas at makaka-move na rin ako ng work, sana mas okay ang mga mangyayari. sana mas maging masaya din ako.
11 march - nag resign na ako, sabi ko hanggang friday nalang then i-cover nalang ng leave ko yung next week. buti pumayag si amo kasi pinag sstart na ako dun sa new work on wednesday, so para may pahinga ako konti (kahit puro pahinga na ako for the last two weeks π )
12 march - kinausap ako in person ni amo about sa pag alis, pero di naman nag pigil, di ako pipigilan nun dahil pabor pa sa kanya na umalis ako dahil overstaffed kami haha. nag tsismis lang, kunwari nalang lilipat kami sa malayo. pero yeah, sa wakas nakahinga na ako and hindi kinakabahan.
13 march - last day sa current work. masaya kasi FINALLY!!!!! mula ata nung nag start doon, gusto ko na umalis e haha so ngayon eto na. pero tbh, medyo sad din.. nakaclose ko na din kasi yung iba doon. ganun lang talaga, move on na, overall kasi toxic pa din at nanganganib mag sara hahaha.
14 march - ang uneasy ng feeling ko, mainly dahil sa work na pinag resignan ko. hindi naman sa nag reregret, pero parang naiisip ko na mamimiss ko din doon. ang weird kasi doon sa una kong work dito, di naman ganito yung feeling ko nung umalis, excited pa nga ako..
15 march - medyo naffeel ko na na hindi balanced yung hatian ng household chores namin. si cris kasi ang nag luluto talaga, lalo before e 100% wfh siya so mas may time siya makapag prepare. ok lang sakin, ako na sa linis at ibang chores. naging ganun na set-up namin mula pa noon.
kaso parang ang daya, minsan kasi sa weekend lulutuin na niya lahat, so sa weekdays mag iinit nalang kami. tapos pagkakain ako maghuhugas, ako mag lilinis nung pinag kalatan sa kitchen. ako lang din nag vvaccuum, naglalaba, nagtutupi, nagpupunas ng furniture, nagdidilig ng halaman, nag lilinis ng toliet. basta yung mga maliliit na bagay, ako lang nakakapansin. ang contribution niya ay mag tapon ng basura tapos magluto. ang katwiran niya, ang hirap din naman daw mag isip ng lulutuin at kakainin. naiintindihan ko naman, pero kung pag sama samahin lahat yun, ang dami kong iniintidi, na pag hindi ko ginawa, hindi na magagawa at all.
nung nagkasakit nga ako, hindi ako nakapaglaba nung damit kasi nga masama pakiramdam ko. hindi man nag kusa na siya muna, naipon na yung labada. basta ang dami pa. napag usapan naman na namin, sabi niya mas mag ttry daw siya. ewan, tignan natin.
mag sstart na ako sa new job ko next week wednesday. masaya naman ako, kasi nakalaya din ako dun sa trabaho ko before na ang tagal tagal ko na gusto umalis. tapos new environment and tumaas konti yung sahod.
pero may feeling na ang lungkot din pala. di ko nga alam e.
siguro dahil yung last encounter ko sa amo ko is maganda? nung kinausap niya ako about sa pag alis ko, ang bait niya e. tinanong niya saan kami lilipat (kasi kunwari malayo na ako kaya aalis na sa work haha) and if gusto ko daw ba i-refer niya ako. ang gaan niya kausap, first time yon sa buong time na enployed ako doon. yun siguro yung image niya na naiwan sa utak ko, na ang bait niya. pero hindi totoo. ang dami kong pinag daanan sa kanya lalo nung nag sisimula pa lang ako, tsaka palagi akong naka ingat mode dahil baka may mangyari at sumabog siya, delikado. yun yung inalisan ko, so dapat masaya ako.
or baka din dahil hindi ako nakapag paalam nang maayos dun sa isang pharmacist na medyo naka-close ko naman. shempre di naman na kami mag kikita ulit, di ko siya nasabihan na last day ko na nung friday kahit kaming dalawa nalang natira. sana pala sinabi ko kahit nung pauwi na ako, kahit mabilis lang.
and pwede, siguro ang bilis masyado nung mga pangyayari. last week, may job offer ako. then tuesday inaccept ko ang pirma ang contract. wednesday nag sabi na ako na mag rresign, friday last day ko. hindi ko nabigyan ng time yung sarili ko na i-live yung last moments ko with them.
pero ganun talaga e. baka kinakabahan lang din ako sa change sa routine ko. sana naman maging masaya na talaga ako sa next job.
nung nakaraang araw dumaan itong video sa fyp ko. ang tinanong ko is, magiging masaya ba ako sa next job ko? tapos yan yung sagot. sakto siya e kaya maniniwala ako hahahaha! in tiktok we trust β¨π
si mommy paulit ulit nalang nag paparinig na kailan daw kaya sila ulit makakabalik sa australia. sabi ko naman nung una antay lang kasi nag iipon nga muna. kaso lagi nalang, parang basta may chance lagi niyang sinisingit, nakakainis na minsan.
kaso pag naiisip ko na naiinis ako, bigla din ako naaawa. kasi alam ko naman na gusto niya lang sumaya ganyan, tsaka wala na din kasi sila ginagawa sa pinas. tapos maaalala ko lahat nung pinagdaanan niya at ginawa sa kanya nung kapatid niya, lalo na ko maaawa kasi ayun nga, alam ko naman na masaya lang siya at proud kasi nga yung anak niya nakapunta sa australia.
kaso nga lang, wala pa budget. pag pinilit ko, ako nanaman masshort sa pera. tsaka paano naman ako, gusto ko din mag bakasyon sa ibang bansa, binabalak pa namin mag japan. maiisip ko din, ano ba naiintindihan ba niya talaga ako? miss niya ba talaga ako? o gusto lang niya mag yabang pag nag bakasyon na siya sa australia ulit?
sisterhood of the travelling journal: finally done and ready to post! π
i joined a group of six girls around australia to do the sisterhood of the travelling journal. matagal ko na gusto sumali wala lang ako mahanap na group. then nung nagkaroon na kami ng gc, nung una medyo tinamad ako, pero wala din naman ako ginagawa and if tatamarin ako, kailan pa ba ako sisipagin sumali sa mga ganito?
i got inspo from several tiktok vids and the whole process of completing this journal was very β¨therapeuticβ¨ yung utak ko naka creative mode lang, walang ibang problemang iniisip, masaya lang.
we decided to post journals to each other every three weeks. if everything goes according to plan, i will have my journal back in roughly 4-5 months! nakaka-excite kasi may iniintay ka and surprise siya pag balik sa akin. i'm excited to see the spreads they're gonna add to my journal and how they would contribute to the pages i initially made.
excited din ako to see their journals and add a piece of me in theirs. it's one way of connecting with other people who enjoy the same hobby.
march 02 - back to woooork! ineexpect ko busy dahil first monday of the month, pero hindi naman masyado. back to the gym din. ang bilis nawala nung araw, mula nung nag march, gloomy na.. buh-bye summer πβοΈ
march 03 - at nagkasakit pa nga. gustong gusto ko mag half day kahapon kaso nahihiya ako kasi nga kaka-leave ko lang last week (pero three days unpaid naman yun!). na-survive ko naman ang buong araw na nasa work pero hirap na hirap ako.
march 04 - ayun, sickie, tapos totoo π₯² sobrang pangit ng pakiramdam ko. tapos lumalamig na nga ngayon kaya parang mas sinasakit pa ko?? may halong katam haha. nag movie marathon lang ako, mga pinoy comedy movies para comforting. finished the ang tanging ina trilogy βοΈ
march 05 - nag sickie ako ulit.... ohhhh my days. nung umaga parang kaya ko naman na e, kaso sabi ni cris ipahinga ko nalang daw, e mabilis lang naman ako kausap kaya ayon hahahaha. at dahil better na ako today, i continued my journal for the sisterhood of the travelling journal group i joined (i'm almost done), and i did some coloring!
march 06 - was able to go to work today!! and buti nalang talaga tunog may sakit parin yung boses ko, at least alam nila na totoo π
alsoooooo, i finally got a job offer!!!! π hindi siya from the one i've been waiting for since december (i know, oa na sa tagal at idk if worth it mag wait pa ba). itong nag offer is na-interview ako last week lang. start up sila so di ko sure kung ok ba yun para sakin or what. na-negotiate ko yung starting salary and nag align naman. maganda ang location at parang magaan naman kausap yung boss. nung una parang ayoko, di ko nga masyado sineryoso din, pero ngayon na-eexcite na ako. lalo sa thought na makakaalis na ko sa current job ko (although kinakabahan pa ako paano ako mag rresign).
march 07 - bumili lang saglit sa highpoint ng kailangan then umuwi na, medyo hindi pa din ako okay.. may konting sama ng pakiramdam pa.
march 08 - bumuo na ng pc si cris, sa wakas! salitan pa kasi kami sa laptop ko so di kami makapag sabay mag laro. eto ngayon oh, magdamagan hahahaha. feeling ko lang nasayang ang long weekend kasi di kami lumabas (hiking dapat e kaso nagkasakit ako tapos baka mabigla likod niya). pero may weekends naman kasi na sa bahay lang isspend and that's okay π
andddd, i cooked today. shempre nakita ko lang sa tiktok, creamy pesto beef ravioli. masarap naman and madali pa lutuin.
itong past two weeks puro push day lang ang naitaguyod namin sa gym π kasi nga nung nakaraan, sumakit likod ni cris nung tuesday hanggang friday so pinahinga muna. tapos itong week naman ay ako ang nagkaroon ng cold & flu na tuesday din nag simula. namimiss ko na mag gym!!!! iba pala talaga sa feeling pag nasanay na. sana makabalik na sa routine next week.