Longing For Sweet Success
Hi, I am Mary Ann. Anak ng Karpentero(Carpenter) at Labandera (LaundryWoman) pero nagsusumikap makapagtapos ng pag aaral.
Bakit parang ang hirap para sakin ang maabot  ang mga pangarap ko? Sobra naman akong nagsusumikap, nagttyaga, nagtitiis. Bakit ang unfair ng pagkakataon? Kung sino pa gusto makapag aral, makapagtapos kami yong dumadanas ng ganito?
Naranasan mo na bang lakadin yong halos isang kilometrong lakadin para makapasok at makauwi mula sa paaralan?Naranasan mo na bang gumamit ng isang pares lang ng sapatos sa buong high school mo?(kadalasan tsinelas para wag mapudpud agad ang swelas) actually hanggang ngayon college na ako ganon pa din, apat na taon na isang sapatos lamang ang ginagamit ko.Â
Naranasan mo na bang maging labandera?Ako?OO. Every weekends instead of doing assignment, projects, or any school related matters, nasa mga kapitbahay ako sa aming baryo para makipaglabahan, maghapon yon ng sabado at linggo,yong kalyo ng kamay ko makapal na, yong pagod, minsan nilalagnat na lang ako sa sobrang kapagodan.
Naranasan mo na bang mangatulong?Yong maglilinis ka ng bahay ng may bahay? Yong kikiskisin mo ang mabahong banyo at bowl, yong maiiyak ka na lang kasi sobrang hirap.
Naranasan mo ng mag gamas ng damo/magtabas?Yong sumasakit na ulo mo sa sobrang init pero kailangan mong tiisin.
Minsan kapag maayos naman ang pag kakagawa mo, mumurahin ka pa nong may pinapagawa. Oo binibigyan nila ako ng pera pero pinagpagudan ko yon.Pero wala eh, ganon kataas tingin nila sa mga sarili nila. Akala nila hindi mapagod eh.
Para saan ko ginagawa?Para tulungan ang Nanay ko, hindi ko maatim na nasa bahay ako nakahilata tapos yong nanay ko nagpapakamatay sa paglalaba. Para may maipamasahe ako papapuntang skwelahan dahil hindi ko na pwedeng lakadin ngayon ang pagpasok sa unibersidad.Kasi gusto ko makapagtapos, gusto kong magkadiploma.Gusto ko silang maialis sa kinalalgyan namin ngayon.I want them to give the life that they deserve.
Madalas umiiyak ako, puno ng hesistation , worries, doubt. Kasi kahit mga magulang ko minsan nawawalan na ng pag asa, yong ayaw na ako pag aralin, pero hindi ko binibitawan pangarap ko. At hinding hindi ako bibitaw.
Alam ko God is waling with me. All through out the fight alam ko hindi nya ako papabayaan. Sa lahat ng pinagdadaanan ko kapag sobrang bigat na nagdadasal lang ako, ipinauubaya ko sa kanya ang lahat. Hindi naman nya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi naman natin kakayanin, Di ba?Kaya tiwala lang at paniniwala. Makakagraduate din ako, Dadaating din yong araw ng wala na kaming iisipin sa pagsikat at paglubog ng araw.Â















