The importance of consent: a narrative.
No title available
Monterey Bay Aquarium

Andulka
🩵 avery cochrane 🩵

roma★
No title available
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

Origami Around

Jar Jar Binks Fan Club
The Bowery Presents
taylor price

tannertan36
todays bird
Cosmic Funnies
Not today Justin

@theartofmadeline
KIROKAZE
Sade Olutola

bliss lane

ellievsbear

seen from Türkiye
seen from France

seen from Switzerland
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Canada
seen from Türkiye
seen from Ireland
seen from United States

seen from Spain
seen from Bangladesh

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Türkiye

seen from United States
seen from Ireland
seen from France

seen from United States

seen from Australia
@randombaqui
The importance of consent: a narrative.
silence is the only song, this muted underwater melody
How to Explain White Supremacy to a White Supremacist by Guante
accurate
And before I love someone else, I've got to love myself ♫
Save Myself by Ed Sheeran
We could change this whole world with a piano.
What Do I Know by Ed Sheeran ♫
I feel like I can conquer the world with one hand when you're holding the other one.
(?)
Uminom kami last week tas nakatatlong bucket ako
Una, bucket nya ako iniwan? Pangalawa, bucket ganto kasakit? Pangatlo, bucket ako nahihirapan ng ganto?
Pagtapos nung pangatlong bucket, umuwi na ako. Di ko na kaya e. Sakit e.
It’s not about the cards you’re dealt, but how you play the hand.
Randy Pausch
You are so brave and quiet I forget you are suffering.
Ernest Hemingway (via quotemadness)
Luck is what happens when preparation meets opportunity
Seneca
You only live once, but if you do it right, once is enough.
Mae West
It's what's in here that matters. Your ideas and your thoughts are what can inspire people. So take the tools, take your ideas and create something that can inspire the world
Zach King: The storyteller in all of us | TEDxPortland
kung kaya kong maniwala sa mga bagay na walang basehan katulad ng mga 'to bakit ako hindi maniniwala sa'yo, sa atin, sa tayo?
Naniniwala Ako by Juan Miguel Severo
Always remember that even if something doesn’t last forever, it doesn’t mean that it’s not worth your time.
https://brightside.me/inspiration-relationships/10-little-stories-about-the-true-power-of-love-277710/
they were buying red roses while I bought myself stationery
LCBaquiran
Ang Huling Tula na Isusulat Ko Para Sa’yo
ni Juan Miguel Severo
Ito na ang huling tula na isusulat ko
para sa’yo;
Pangako yan.
At totoo, hindi ko alam kung magiging gaano kahaba,
O kung kasya ba sa isang piyesa;
Ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba — itatagal nito.
Posibleng di ‘ko agad makabisado, pero pangako yan.
Ito na ang huling tula na isusulat ko
para sa’yo.
Itaga mo ‘to sa bato.
Abutin man ako ng umaga dito,
hindi ko ipipikit ang mga matang ito.
Uubusin ko ang lahat ng ng salita
na posibleng tugma
ng pangalan mo o anumang tawag ko sa’yo.
Mahal, Sinta, Irog, Pangga,
Babe, B.B.Q., Bae, Beb, Asawa Ko, Mine,
Kulit, Kapal, Kupal, Hayop, P*ta, P*king Ina Ka,
ano pa ba?
Wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito
pero di ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito
kaya pangako, ito na ang huling tula na isusulat ko para sa’yo.
Magsisimula ako sa umpisa.
Sa kung paanong nginitian mo ko at tinanong kung saan ako nakatira.
Hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding.
Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita
Pero hindi mo lang tiningnan ang mga libro na nakahiga sa tabi ng kama ko —
Natutulog din, at tangi ko noong kapiling.
Magsisimula ako sa umpisa.
Sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sa ‘yong mahal kita;
Sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi ng, “Mahalaga ka.”
At ako naman tong si Tanga,
tuwang-tuwa dahil hindi pa nalilinawan na ayaw ko na maging mahalaga.
Ayaw ko na maging mahalaga —
Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag-aari,
Na tinitingnan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka.
Ayaw ko na maging mahalaga —
Hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa kapag kailangan mo ng solusyon
sa kung ano mang kawalan mo ng koneksyon
sa mundo mong masyado nang malawak para bigyang atensyon ka pa.
Ayaw ko na maging mahalaga —
Hindi ako kwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon,
Kapag merong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa,
Para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na,
o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador, sa takot na manakaw ako ng iba.
Ayaw ko na maging mahalaga.
Ang gusto ko ay mahalin. Ang kailangan ko ay mahalin.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga:
Tanggap ang tamis at pait, kailangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina:
Kabisado kung para saan ang ano; kabisado kung saan nakatago ang alin,
Kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim.
Patalim. Silbi. Dumi. Lihim.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi:
Niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit mainit, binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip.
Ayaw ko na maging mahalaga; ang gusto ko ay mahalin.
Ang kailangan ko ay mahalin.
At nagsulat ako noon para lang mahalin mo.
Kaya patawad pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo.
Patawad, pero magsusulat ako para patawarin mo.
Dahil minsan may nakapagsabi sa’kin
Na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi nakapagsusulat.
Kaya Mahal, sa pagkakataong ito—
Sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sa’yo,
Gumawa tayo ng kasunduan:
Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ‘ko sa hindi ko pagtahan
at patatawarin kita sa hindi mo pagluha.
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik
at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita.
Patawarin mo ako sa hindo ko pag-alis
at patatawarin kita sa hindi mo pananatili.
Patawarin mo ako sa hindi ko sa’yo paglimot
at patatawarin kita sa hindi mo sa’kin pagpili.
Mahal, gumawa tayo ng kasunduan:
patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ‘ko sa hindi ko pagbitiw
at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo
at patatawarin kita hindi mo paglapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko
at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal.
At patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sa’yo
at patatawarin kita sa hindi mo sa’kin pagmahal.
Mahal, gumawa tayo ng kasunduan:
patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado nang matagal na nakatira dito
At patawad kung magiging masyadong mahaba,
Kung marami masyadong boladas, pero pangako:
Huli na ‘to. Huli na ‘to. Huli na ‘to. Huli na ‘to.
Magsisimula ako uli sa umpisa sa kung paanong nginitian mo ko at tinanong kung saan ako nakatira.
Magsisimula ako uli sa umpisa sa kung paanong nginitian mo ko.
Magsisimula ako uli sa umpisa.
Magsisimula ako uli.
Magsisimula ako.
Ito na ang huling tula na isusulat ko para sa’yo — mali.
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sa’yo:
“Iniibig kita,
At ubos na ubos na ako.”
(transcribed by Francis Terrado, from https://www.facebook.com/UPPsychologySociety/videos/954233454616576/)