This Boy
Let's talk about this Boy. I met him a couple of years back in a gathering that i definitely did not regret attending. Di ako nagkamali na lapitan at kausapin sya bilang isang pala kaibigan na tao. At sino bang hindi gugustuhin makipag kaibigan sakanya eh ang gwapo nya. Di ko na inisip ang sasabihin ng mga kaibigan ko. Ang importante saken nun, makilala ko sya. Mahirap kunin ang loob nya dahil di sya pala salita nung una at alam mong hindi sya sanay makihalubilo sa mga strangers. Pero bilang makulit ako at gusto ko talaga (sya) makilala sya. Di ko sya nilubayan at naging matagumpay naman ako. Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan, muntik na abutin ng isang taon bago kame nagkita ulet. Hindi nagbago kahit kapiraso ang pagtingin ko sakanya. Yun nga lang, di naman nag iba ang level ng pagkakaibigan namen. Nung nagkasama kame ulet, dun ko nasiguro na gusto ko talaga sya at ang tanging gusto ko lang eh ang makita syang masaya. Kaso, di ko pa pala sya kilalang lubusan. Madame ang humusga sa pagkatao nya. At madaming beses ko din syang ipinagtanggol. Pinapaniwala ang mga tao na nagdududa sa bagay na pinapaniwalaan ko kahit meron akong rason at dahilan para magduda. Ganun ata talaga. Sinubukan kong kalimutan ang tungkol sa nararamdaman ko dahil sigurado ako na wala naman patutunguhan yun kaya ako na rin ang "lumayo". Di naglaon ay unti unti kong natanggap na wala na talagang pag asa at dapat ko na lang tanggapin na hanggang magkaibigan lang talaga kame. Fast forward to today. Ilang araw lang mula ngayon ang nakalipas. Sa pamamagitan ng facebook, may nalaman akong di ko alam kung paano tanggapin. Di ko alam kung ano mararamdaman ko nung panahon na yun. Pero ang sigurado, para akong tinanggalan ng isang braso at dila dahil di ako halos nakagalaw at nakasalita. Dahil sa nalaman ko, nasaktan ako. Masakit pag nalaman mong hindi pala totoo ang pinaniniwalaan mo. Di naman ako pwede magalit dahil hindi ko din nan sya tinanong. Ang ending, masaya ako na malaya sya at nasa mabuti syang kalagayan. Gusto ko sya ulet makita. Makausap. Bilang sya. Yung totoong sya. Hindi yung akala kong sya. ----wala naman kayong naintindihan sa kwento. Pero sana naintindihan nyo yung naramdaman ko----













