April 25, 2013 Biyernes. Sinabi ni mama na pumunta kami ni Tati sa kaibigan niya para sa interview. Sa Panay Ave. Kaso sa Miyerkules na raw kami pumunta.
April 30 Miyerkules. 12pm na kami dumating ni Tati. Nagpasa kami ng resume at ininterview. 9-7 ang oras ng pasok at walang pasok tuwing Sabado at Linggo. 1 week daw ang training at sa Lunes na raw kami magsisimula.
May 5 Lunes. Maaga kaming dumating na Tati, 5 mins. bago mag-9. Tinuro sa kin kung pa’no i-operate ang indoor printer at, wala na akong maalala. Pagkatapos akong tinuruan, wala na akong ginawa. Graphic artist ako at Marketing Consultant si Tati. Walang nagpapa-layout kaya wala akong ginagawa hanggang sa dumating ang isang maingay na tao, may pinagawa siya para sa birthday ng anak ng kakilala niya. Happy sweet 16 sa 4x3 na Tarp. Mabilis kong nagawa dahil may pinaggayahan. Pagsapit ng alas kwatro, pina-uwi na kami ng boss. Wala na kasi kaming gaanong ginagawa ni Tati.
May 6 Martes. Late na kami ni Tati. 9:30 kami dumating. Yong pag-operate naman ng outdoor printer ang tinuro sa akin, at wala na ulit akong maalala. May pinagawa sa akin yong dati nang graphic artist don, sabi niya gawaan ko raw ng revision yong invitation na ginawa niya para may mapagpilian yong kliyente. Okay na sana kasi may gagawin na ako, kaso may gumagamit ng computer na may internet connection kaya hindi ako makapagdownload ng pink castle. Wala na naman akong ginawa pati si Tati, kaya pina-uwi na naman kami ng boss bago mag-alas singko.
May 7, Miyerkules. Late ulit kami ni Tati, 10am na kami dumating. No’ng magse-search na ako ng pink castle, wala namang connection. Buti dala ko tab ko at may wifi, nakapagdownload ako. Gumawa ako at naging busy ng ilang oras, pero natapos ko agad ang dalawang design kaya wala na naman akong ginawa bago mag-alas kwatro. Mabuti at maraming piniprint, kaya tinuruan ulit ako mag-operate ng outdoor printer, tumulong na akong mag-operate. Tumulong na rin si Tati, kasi wala yong boss, wala siyang ginagawa at sobrang naiinip na siya. Tinuruan naman siya kaya kahit papano may nalaman siya nong araw na yon. Absent si boss kaya 7pm kami naka-uwi, walang nagpa-uwi sa amin ng maaga.
May 8 Huwebes. Late ulit kami, 10am kami dumating. Pero dahil pumasok na ang talagang operator non matapos umabsent ng dalawang araw wala na naman akong ginawa. Nag-tab lang ako maghapon. At pina-uwi bago mag alas singko.
May 9 Biyernes. Pinagawa ako ng wedding banner at nag-enjoy ako sa ginagawa ko kaya hindi na ako kumain ng lunch. Buong araw yon lang ang ginagawa ko at nagpa-gawa pa ng happy fiesta banner si Sir Jokie. Pero dahil nandon ulit si boss, pina-uwi na naman kami ng maaga.
May 12, Lunes. 10:15am kami dumating ni Tati. Ginawa ko agad ang banner na happy fiesta at inayos ko na yong sa wedding para sa printing na. Nag-eenjoy ako sa ginagawa kong pagle-layout ko. Kumain na ako ng lunch at tinapos ko na ang banner bago mag alas kwatro saka kami pina-uwi.
May 13, Martes. Hindi kami pumasok ni Tati.
May 14, Miyerkules. Hindi na naman kami pumasok.
May 15, Huwebes. Nagtext na ako na hindi na ako papasok dahil aayusin ko muna yong sa school ko. (napaka-unprofessional)
Ako yong taong maraming ayaw sa buhay pero hindi alam kung ano talaga ang gusto. Ako yong taong ayaw makulong sa isang lugar sa loob ng pitong oras na may mga kasamang hindi ko kaibigan o kapamilya. Ako yong taong kahit naghihirap hindi ipagpapalit sa pera ang oras sa bagay na hindi ko gustong ginagawa. Ako yong taong hindi gugustuhin maging bahagi ng mga kumpanyang gustong lumago.
Nuong Miyerkules, pagtayo mula sa higaan, sinabi ko, “C’mon Lord! Lez do diz!” pero natapos ang araw na hindi umaalis ng bahay. Unang araw pa lang kasi, hindi ko na talaga gusto ang kinalalagyan ko. Hindi ko talaga gustong maging graphic artist, ayoko lalo sa opisina at palipasin ang sampung oras sa apat ng sulok ng lugar na malayo sa bahay at ba-byahe pa ng higit isang oras. Ayoko sa routine. Ayokong may kasama na kakilala na hindi ko kaibigan. Ayokong kaibigan ni mama ang may-ari ng pinagtatrabahuan ko. Born Again Christian din ang boss ko at wala talagang problema sa kanya at sa trabaho. Sa madali’t sabi, ako ang may problema dahil—oo—maarte ako. Ginawa ko ang lahat ng ‘yon at umabot ako ng anim na araw dahil pakiramdam ko will ni Lord na mapunta ako don dahil doon ko makikita ang gusto niyang makita ko sa season na ‘to. Yon lang ang iniisip ko.
Parang sampung taon para sa ‘kin ang anim na araw na ‘yon sa sobrang bagal ng usad ng oras at araw. Tingin ko naging ganon kabagal ang araw dahil hindi ko talaga gusto ang ginagawa ko at labag sa loob ko ang lahat. Pero para mapagaan ang lahat I tweeted, “I have to remind myself everyday that it’s not about me anymore.” Nakatulong naman ng 5% kahit papano, pati ang pagpilit ko sa sariling ngumiti.
Gayunpaman, nakikita ko ang sarili ko non kapag gumigising sa umaga na katulad ng isang mandirigmang hinahanda ang sarili na lumusob sa isang matinding labanan. At ang pagsusuot ko ng #ootd ay katulad ng pagsusuot niya ng baluti. Ganon ka-exaggerated dahil yon mismo ang nararamdaman ko. Mabigat at hindi talaga ako makaramdam ng excitement. Naalala ko pa, mula nong pumasok ako tuwing bago ako matulog pinag-iisipan ko kung papasok pa ba ako kinabukasan. Ironically, no’ng Miyerkules buo ang loob kong pumasok hanggang sa sabihin ni Tati na mag-apply na lang kami sa iba, kaya hindi na kami pumasok.
Ngayon na nakapagpaalam na ako sa boss namin, isa na ngayong kuwento ang nagdaang anim na araw dahil nakita ko na ang gustong ipakita ni Lord, tingin ko.
Summer last year pa ako kinukulit ng mga taong concern sa akin—sila mama, mga kapatid ko lalo na si kuya at mga kaibigan na malapit nang magsawa sa panlilibre sa kin—na maghanap ako ng trabaho. Ako lang ang nagpipilit na magnenegosyo ako dahil tingin ko hindi talaga ako efficient sa workplace ng 9-5. May mga taong dinisenyo para mag-function sa ganong siste, unfortunately, hindi ako ang taong yon. I always think it’s a lame thing FOR ME to do, kaya sa maraming interviews na pinag-aapplyan ko, kung saan wala sa linya ng pinag-aralan ko at hindi ko talaga gusto, (nag-aaply ako out of insistence) bumabagsak ako dahil hindi ko binebenta ang sarili ko at lagi akong honest. Oo marami akong nasasayang na pera, pagod at oras, worst, aware na ako bago pa mangyari pero para lang makita nila na sinusubukan ko at nang makita nila hindi talaga nila pwedeng ipilit ang gusto nila para sa akin, HINAHAYAAN KONG MANGYARI lahat ng iyon. At ngayon, oras na para tumigil sa pagsasayang ng lahat.
Mula no’n hanggang sa bago ako mapunta sa 6days, lagi kong naiisip na I’m stupid because I can’t land on a job where I can use my skills and not earning money like my friends and classmates. Sumapit ako sa desperasyon na magkatrabaho at magkapera, kaya pati call center inaapplyan ko, kung saan bumagsak ako sa interview. Marami pa akong inaapplyan na bumagsak ako at yong isa, hindi ko na pinasukan. Wala akong naalala na naging excited ako sa balitang may interview ako o may trabaho na ako. Lahat ng yan nangyari dahil ang motibo ko ay: para kumita lang ng pera. Hindi ko masabing mukha akong pera kasi hindi ko kayang ipagpalit ang maraming bagay sa pera. May pangyayari pa na may ginawa akong trabaho sa pinasukan namin ni Angelique dati pero hindi ko na kinuha yong bayad kasi tinamad na akong bumalik sa bahay nila, tsaka nahihiya na akong kunin yong pera, kahit bayad yon sa ginawa ko. Kaya ayoko rin gumawa ng artworks para ibenta dahil ayokong binabayaran ng pera ang gawa ko. Hindi ko alam, kung hindi ako sanay sa realidad na ganon kahalaga ang pera sa mundo o nababaliw lang ako. Alam kong unreasonable ako pagdating paniniwala ko na ‘to pero mas napapalagay ako kapag thank you lahat ng ginagawa ko. May nai-ambag ako that was made with love, kasi walang kapalit. Mas nakakahinga ako. Pero hindi naman ako mabubuhay sa ganon. Ang gustong gusto kong trabaho na may bayad ay yong pinapagawa sa kin ni mama, o kung sino man sa pamilya lang namin, tapos nanininggil ako ng mahal. Siguro kaya may ganyan rin akong perspective sa pera dahil sa pagpapalaki sa kin.
May nagtanong sa akin kung ano raw ba ng trabaho na gusto ko. Ang sinagot ko ganito:
Gusto ko nagpupunta ako sa iba’t-ibang lugar
Ang sinagot niya sa kin, “ano bang trabaho yon? Isa lang ang naiisip kong nandon lahat ng binanggit mo, blogger.” Napa-face palm ako. Oo nga no? Hindi ko naisip yon. Kung titingnan, kaya ko naman dahil may laptop ako, may dslr, at kaya ko naman magsulat kahit papano. Ang problema lang: PERA pang travel; guts mag-travel, kumausap ng tao, (sobrang takot ako makipag-usap sa tao, feeling ko end of the world na pag makipag-usap sa stranger—kahit magtanong lang) diskarte para mapansin ang blogsite ko at hamunin ang lahat ng tao sa world wide web sa paraan ng pagsusulat ko. Yong mga yon ang wala ako, na ayokong magkaroon sa ngayon. Oo may problema ako sa isip. Pati, pag sinabi ko sa pamilya kong yon ang gusto kong maging source of income pagkakamalan nila akong komedyante at tatawanan ako. Unwise yong idea para sa sitwasyon ko. Pero hindi rin naman ako ganon ka-seryosong “magiging blogger para magka-pera.” Saka ko na-realize na kailangan ko rin ma-expose sa corporate world kahit sa maikling panahon.
Nang maging open ako sa idea na yon, dumating ang trabahong 6days na hindi ko naman hinanap. Naisip ko nuong una na baka handa na nga siguro ako kaya nagbukas na ang pinto. Yong mga nauna kasi pinilit ko lang kaya walang nangyari. Kaso hindi naman nagtagal dahil may mali pa nga sa akin at don ko nakita na hindi tungkol sa magiging sahod (pera) ang pagtatrabaho. Ang tingin ko nga lang kasi ay: trabaho = pera. Pero hindi pala ganon, kasi sa trabaho maraming unexpected metaphysical forces: paggising ng umaga, paghahanda ng baon, mahabang byahe, pakikisama sa mga katrabaho, mga demand ng kliyente, mabait na boss, amoy ng office, trabahong dapat tapusin na kailangan din pag-iisipan, at uwian, tapos mahabang byahe ulit, at maraming maraming pagod. Lahat ng ‘yon nangyayari sa loob lamang ng isang araw. Bago ang PERA, mayroon munang labinlimang araw, at ang nangyayari sa akin ang isang araw na yon ay katumbas ng 75 years sa sobrang bagal ng oras. Hindi naman sa mamatay ako sa ganon, may choice kasi ako e, na kapag hindi ko ginamit sa tamang oras at pagkakataon e baka mas marami pang mapahamak, (it’s not how harmful it is to me, it’s how harmful I will become to others) kasi hindi na big deal sa ‘kin ngayon kung mamatay ako sa disisyong gagawin ko. At ang huli kong gagawin sa mundong ito ay kalimutan ang purpose ko para lang sa pera.
Naisip ko rin na pwedeng mali ang tingin ko ngayon at hindi naman talaga ‘yon ang pinapakita ni Lord sa season ko na ‘to. Pwedeng impulsive na naman ako kaya nagiging stupid na naman ako sa paggawa ng disisyon, pero perfect kasi yong nangyari na wala na akong pamasahe at nalaman kong sa May 19 na ang enrollment ng 4th year sa school. Pati pinag-isipan ko talaga kung kakayanin ko bang maging working student e hindi ko naman kayang mag-multi task so I ended up deciding to be a full time student this coming school year.
This season, I fully comprehend why I spent most of my time knowing what I hate most. It’s just amazing to know how reliable God is in giving me hint on the incoming battles I will be facing. Because I know He uses undesirable situation to his people to for them to grow spiritually and for their character to be polished so they will be worthy in the kingdom.
Wala na akong trabaho at wala akong pera ngayon. Ang marami lang ako ‘pag-asa’ na darating ang para sa akin sa tamang panahon, kung saan ma-eexcite na ako, hindi ako maiinip sa paghihintay sa 15 at 30, hindi ko maiisip na hindi pumasok kinabukasan, ma-cha-challenge ako, mag-e-excel ako, ma-stretch pati ang faith ko at higit sa lahat ma-honor ko si Lord sa mga gagawin ko. ‘Yong hindi lang ako magtatrabaho for the sake of earning great amount of money. Alam kong darating ‘yon sa takdang panahon, kapag handang handa na talaga ako physically, mentally and spiritually.