Ang Huling El Bimbo - a short story
This is a repeating scenario in my head when I listened to AHEB for like straight 4 days straight, I wrote this I think a month ago? I actually suck writing in Tagalog but I gave it a try!
I didn’t changed the original character names cause fuck it
https://open.spotify.com/track/135ggzbjOogZ75IQ0LQi8r
Magkatabing nakaupo sa gitna ng field, walang imik ang dalawa, nanunuod lang sa mga estudyanteng tunay na nagkakasiyahan sa kalagitnaan ng event. Musikamalayan na naman, lagi itong nagaganap kada taon, at ito ang unang taon ni Emmet na maranasan ito, isa ito sa pinakaabangan niya, bilang isang taong alipin rin ng musika.
“Sino gusto mo sa mga nagperform?” Itinanong ni Rhoe sa kasama, biglaan siyang napatingin sakanya at ilang segundong napaisip ng isasagot.
“Hindi pa ko sigurado sa ngayon,” sagot niya sakanya, “pero after ng intermission na ‘to, sasabihin na kung sino nanalo, ‘no?”
“Oo.”
Alam na niya kung sino ang tutugtog para sa intermission, dahil tropa niya ang tutugtog, at sinabihan na rin siya nito kung ano ang kantang tutugtugin.
“Tyansa mo na ‘to, Rhoe. Ikaw na bahala kung papadaanin mo lang o gagawa ka ng paraan.” Sabi nito sakanya kinagabihan ng event.
Binalot ulit sila ng katahimikan, may gusto sabihin si Rhoe pero hindi siya sigurado kung dapat pa bai to sabihin kay Emmet, magiisang taon na rin naman nung sila ay naghiwalay, ngunit hindi mo lagi mararanasan ito, hindi laging may mga gantong pagkakataon, at ‘yon ang ayaw niyang palagpasin sa mga oras na ‘to.
“Emmet,” nagsimula siya, kinakabahan. “may hihilingin sana ako sa’yo.”
“Rhoe.” Tinawag rin niya ang pangalan niya, ngumiti, at iniharap ang buong sarili niya sa direksyon niya. “Ano yon?”
“Pwede ba, kahit ngayong gabi lang, pag tumugtog na Ang Huling El Bimbo,” sabi niya, ang mga mata’y nakatingin lamang sa mga kamay na nanginginig. “Isayaw mo ‘ko, hindi bilang kaibigan mo, kundi bilang isang taong iniibig mo,” tinuloy niya, at ngayon ay tiningnan siya, mata sa mata. “pwede bang magkunyari ka na mahal mo ‘ko, kahit ngayong gabi lang?”
Binalot sila ng katahimikan. Nawala ang ngiti ni Emmet, tumingin siya sa paligid niya at pinagmasdan ang mga nasa paligid niya, mga taong nagsasaya, mga taong naguusap, mga taong nasa kanya kanya nilang mundo. Pinagiisipan mabuti ang susunod na gagawin.
Kada segundo, pakiramdam ni Rhoe na lumiliit siya, paulit ulit na iniisip sa sarili na sana hindi nalang siya nagsalita, iniisip na sinira niya ang sana’y magandang gabi ng dalawang magkaibigan.
“Sige.” Sumagot rin siya matapos ang ilang minuto. Nabigla si Rhoe at napatingin sakanya, ngunit bago pa man magtagpo ang kanilang mga mata, tumingin ulit siya sa mga kamay na nanginginig pa rin.
“Kailan tutugtog yung Ang Huling El Bimbo?”
Sakto pagkatapos niya banggitin yon ay nagsigawan ang mga tao. Lahat ng atensyon at napunta sa stage.
“Magandang gabi, mga estudyante ng Malayan Colleges Laguna!” Bati ni Jam, “ngayong gabi ay tutugtugan namin kayo, habang naghihintay ng resulta. Tumayo kayong lahat, ‘wag pigilan ang mga sarili kung gusto niyong makikanta o sumayaw sa classic na to.”
“Panigurado ay alam na alam niyo ang kantang tutugtugin namin.” Sumingit si Gezie, at lalong nagingay ang mga tao sa paligid. Nagsimula siyang tumugtog sa kanyang gitara, at sinabayan ng mga iba niyang kamiyembro.
Doon napagtanto ni Emmet na ang kanta ay Ang Huling El Bimbo.
“Tara na.” Niyaya niya ang kasama.
“Ha?”
“Isasayaw kita, diba?” Sabi niya at nginitian siya. “Halika na.”
Inialok niya ang kanyang kamay. Nagdalawang isip pa si Rhoe, tumawa si Emmet at siya na mismo kumuha ng kamay niya at tumakbo ng medyo malapit sa stage. Nakita ni Jam ang papalapit na kaibigan at ngumiti, tinapik niya ni Gezie sa braso at itinuro ang dalawa. Tyaka kumanta,
Kamukha mo si Paraluman Nu'ng tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-boogie man o cha-cha
Si Emmet na mismo ang naglagay ng mga kamay niya sa kanyang balikat, at tyaka nilagay ang mga kamay niya sa kanyang baywang.
Ngunit ang paborito Ay pagsayaw mo ng El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig-balahibo
“Marunong ka ba sumayaw?”
“Hindi.” Natatawang sagot ni Rhoe sa kasayaw.
“Ah, oo nga pala, sinabi mo sakin dati.” Natawa sila pareho. “Sige, ako na bahala sa’yo.”
Pagkagaling sa 'skwela Ay didiretso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
“Mahal mo nga pala Eraserheads ‘no? Paborito mong banda nung bata ka?”
“Ah, oo.” Sagot niya.
Nakatingin lamang siya sa dibdib ng kausap, habang nagalaw ang mga katawan nila sa kanta.
Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay
Parehas sila tumingin sa mga katropa na tumutugtog sa stage, nagkatinginan si Rhoe at Gezie at kumaway ito sakanya. Nagbigay ng thumbs up at kindat si Gezie kay Rhoe na naging rason para maging pula ang kanyang mga pisngi.
“Okay lang ba si Gezie?” Tanong ni Emmet kay Rhoe at lalong nahiya ang dalaga.
“Baliw lang ‘yan, wag mo nalang pansinin.”
Natawa si Emmet.
Naninigas ang aking katawan 'Pag umikot na ang plaka Patay sa kembot ng beywang mo At pungay ng 'yong mga mata
“Grabe, third year na pala tayo sa susunod na taon,” Biglang imik ni Emmet at napatingin saglit si Rhoe sa kanya at agad na itinuon ang mga mata sa mga kamay nilang magkahawak.
“Gagraduate na tayo.” Sagot ni Rhoe sakanya.
“Magtatatlong taon na rin nung nakilala kita.” Dagdag niya.
Lumiliwanag ang buhay Habang tayo'y magkaakbay At dahan-dahang dumudulas Ang kamay ko sa makinis mong braso, hoo
“Hindi mo man lang ba ‘ko titingnan?” Bulong ni Emmet sakanya.
“Kailangan ba talaga yon?” Sagot ni Rhoe, matawa tawa.
“Syempre, paano natin madadama yung kanta diba?”
Kung maririnig lang niya ang puso ni Rhoe ngayon.
Ngunit alam niya ang katotohanan na ginagawa lamang ito ni Emmet kasi nagtanong siya, hindi naman talaga dahil gusto niya.
Sinabi niya nalang sa sarili na, ‘don’t expect, he’s just doing you a favor.’
“Dami mong alam.” Ayon nalang ang isinagot niya sa kausap.
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
“Pero natandaan ko lang, diba pinangarap mo na isayaw kita sa isang music event sa school?” Nagsalita ulit siya. “Ang sweet lang.”
Di nalang umimik ang dalaga.
Hindi alam ni Rhoe mararamdaman niya.
Dapat ba siyang kiligin?
Dapat ba siyang maniwala?
Dapat ba siyang matuwa?
Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay
Hinigit ni Emmet papalapit si Rhoe sakanya, na tunay na ikinagulat ng dalaga. Nung mga oras na yon, unang nagtagpo ang mga mata nila habang magkasayaw sa dilim.
La la la la, la la, la la, la la la
Naramdaman niya ulit ang mga paru-paro, nagkakagulo na naman sila, hindi na naman siya makahinga. Kinikilig na naman siya parang dati lang.
Pero napagtanto niya rin agad ng mga oras na ‘yon, na hindi na sila nakatira sa nakaraan. Iba na ang mga bagay ngayon.
Hindi na sila.
Wala ng sila.
Lumipas ang maraming taon 'Di na tayo nagkita Balita ko'y may anak ka na Ngunit walang asawa
“Nakamove on ka na ba?” Hindi mapigilan ni Rhoe itanong sa kasama.
Pagkabigkas niya ng mga salitang yon ay agad rin niyang pinagsisihan dahil hindi siya handa marinig ang sagot niya.
Taga-hugas ka raw ng pinggan sa may Ermita At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskinita
“Nakamove on na ko Rhoe, magdadalawang taon na rin naman nung naghiwalay tayo.” Sagot niya, dama mo ang lungkot sa boses niya, dahil alam niya na masasaktan siya, at kaya naman rin siya umalis sa buhay niya nung una palang, kasi ayaw niya na siya saktan.
Masakit rin ito para sakanya.
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
“Edi panaginip nga lang ‘to ‘no? Nananginip ako ng gising.” Ngumiti si Rhoe sa sarili. “Mamaya ko na nga iisipin yon, ieenjoy ko nalang ‘tong kantang to, ‘tong gabing to, na kasama ka.”
Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay
Sumayaw sila sa musika, pilit na ngumingiti ni Rhoe, pero kitang kitang ni Emmet kung gaano kapeke ang mga ngiting ‘yon.
Niyakap nalang ni Emmet ang kaibigan ng sobrang higpit, nagulat si Rhoe pero di niya nalang namalayan na naiyak na siya, kahit sabihin niya na hindi masakit, hindi niya maiwasang ‘di umiyak.
Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay
“Sorry talaga, Rhoe. Sorry.” Bulong niya sakanya, nakayakap pa rin. Nakapikit lang si Rhoe at dinadama ang lamig ng hangin, at ang init ng katawan ng kayakap niya sa dilim.
Umiling nalang siya bilang sagot sa mga sorry niya.
La la la la, la la, la la, la la la
Kahit naman hindi na tayo, mahal pa rin kita, palagi pa rin kitang mamahalin, hindi na mawawala ‘yon, hindi na magbabago ‘yon. Kahit ilang taon pa ang lumipas, ikaw at ikaw pa rin.
La la la la, la la, la la, la la la
Syempre, hindi niya na sinabi ‘yon kay Emmet, maliit na parte palang ‘yon ng mga emosyon niya at mga salitang hinding hindi niya na masasabi sakanya.
Tapos na eh, matagal ng tapos na ang storya nila.
Parang isang kanta na pinatugtog at natapos, parang oras na dumaan na hindi na maibabalik pa.













