
roma★
Alisa U Zemlji Chuda
styofa doing anything

tannertan36

ellievsbear

Discoholic 🪩

Andulka
trying on a metaphor
Claire Keane

PR's Tumblrdome
dirt enthusiast

pixel skylines
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
No title available
One Nice Bug Per Day

Kiana Khansmith

@theartofmadeline
AnasAbdin
I'd rather be in outer space 🛸
i don't do bad sauce passes
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Italy

seen from Germany
seen from Türkiye

seen from Italy
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from Austria

seen from United States

seen from United States
seen from Uruguay
seen from Italy

seen from Switzerland

seen from United States

seen from Switzerland
seen from Singapore
@sharfam
Dear You,
Hi! Nais kong ipakilala ang aking sarili sa iyo. Ako nga pala yung tipong tahimik lang sa una. Pero sa pangalawa, ganun pa rin siguro. Joke! Marunong din naman ako magbiro. Medyo seryoso lang talaga kung titingnan mo ang mukha ko. Ngunit pag nakilala mo ako, malamang malalaman mo na kalog din naman ‘to. Kung sa ugali naman, masasabi kong ako’y pasensyoso. Kaya ko mag-intay ng tamang pagkakataon, panahon o kahit si the one pa yan. Pero di naman palagi ganoon. Minsan napapagod din ako. Kung ang computer nagha-hibernate, ako naman kailangan din magpahinga, matulog. Madali kasi ako mapagod. So yun, parang battery ako na kelangan din i-charge paminsan.
Sabi nga pala ng mga kaibigan ko napakabait ko daw. Siguro dahil hindi ako masyado nagrereact sa mga bagay-bagay. Di ko nga rin maalala kung nagkaroon ba ako ng kaaway. Marahil isa yung dahilan kung bakit nila nasabi iyon. Sa sobrang bait ko nga daw ay masarap ako hampasin. Ano kayang konek nun? Hayy, hindi ko pa rin alam ang kahulugan nun hanggang ngayon.
Isang bagay pa nga pala ang gusto kong malaman ninyo. Bilang tao, talaga namang di tayo perpekto. Ngunit sa pisikal na anyo, masasabi kong espesyal ang paa ko. Hindi ako pilay, di rin naman ako lumpo. Ngunit tabingi ang mga ito. Sabi ng magulang ko “clubbed foot” daw ang tawag dito. Parang nagpaparty no? club pa more yeaa. Pero dahil nga pala sa paa ko, madalas mapuna ako ng mga tao. Minsan kinaka-awaan, minsan naman pinagtatawanan. Nung una medyo, nakaka-irita kung iisipin. Ngunit sinabi ko sa sarili ko, kelangan lang yang isnobbin. Ang importante normal din ako. Nakakalakad tulad mo.
Balik tayo sa usapan tungkol sa mga kaibigan. Kung ako ay magiging parte ng buhay mo, naku maghanda ka sa mahaba-haba kong kwento. Sa mga payo naman, medyo di ako henyo. Ngunit pag kailangan mo ng masasandalan, promise andito lang ako. Mahilig ako makinig sa mga drama ng ibang tao. Para sa akin importante ang mga ito. Di naman kasi palaging masaya lang tayo. Kaya minsan ayos lang na ihinga mo ito sa taong pinagkakatiwalaan mo. Oh eto sasabihin ko, magaling ako magtago ng mga sikreto. Ano, magkaibigan na din ba tayo?
Sa kwentong pag-ibig naman, di naman nagmamadali ang ate niyo. Bente-uno ngunit di pa nagkakajowa ito. Sabi nga nila, “love comes when you don’t expect it”. Siguro timing lang talaga. Hirap din kasi ako magkatime para dito. Lalo na estudyante ako at napakaraming proyekto. Ako pa naman yung tipong pag gumawa ng isang bagay, yun muna ang uunahin ko. Nakafocus lang kumbaga. Kaya sorry, ngayon ay medyo hopeless romantic pa yata ako.
May gusto pa akong ikwento, tungkol naman sa pamilya ko. Dalawa lang kaming magkapatid. Bunso yung isa kaya malamang panganay ako. Ang tatay ko? retirado na dahil medyo may edad na kaya siya ang palaging tao sa bahay namin. Taga-linis ng bahay at taga-luto ng mga gulay. Oh, diba sipag niyang tatay. Ang nanay ko naman ay isang guro. Nagtuturo sa umaga kaya malamang pagod sa gabi. Pero syempre, di siya yung tipong tutulog na agad. Dahil may oras pa din siya sa para amin. Di lang, kakwentuhan, natutulungan pa niya ang kapatid ko sa mga proyekto sa paaralan. Para sa akin, isa siyang super nanay. Di perpekto ang pamilya naming ito, ngunit syempre masaya ako na buo at sama-sama kami sa tuwina.
Ito na talaga ang huli. Magpapakilala na ako sa inyo. Maaaring tawagin ninyo ako sa pangalang Mae, Shar, Moi o Sharice man. Inaasahan kong mabasa ninyo itong mensahe ko. Nang sa ganoon ay magkakilala pa tayo. Yun lamang at maraming salamat po.
All About Me 🌻🌻🌻
I wonder, why I really Love the Sky <3
College Friends.Awesome Life 😉😉😉
My Family gives me strength as always. They’re the one who lights up my day. They inspire me to do more and worry less
#allaboutme#famfam#loveofmalife#fantasticfour#familypic#lovedones#inspirationseed
Ang buhay ay parang daan, minsan traffic at minsan naman napakagaan lang. Kaya kailangan natin maging patient. Wag tayo magpadalos-dalos Chill lang kumbaga
-me as a student
#streetphotography#photooftheday#lights#city#urbanph#colorful#longexposure
Mga bulaklak sa paligid, lalong nakabibighani kapag lumalapit.
#Photography#MyImages#CapturingSmallthings#Simple#Flowers#Mykindofphotography
I love capturing the skies, it makes me feel calm and at peace <3
Before this year ends... I just wanna say thank you to all of the people who's always there for me and never made me feel left out. Though i'm really timid and quiet, i'm still blessed and lucky enough to have all the people that made me grow and learn the things i've never known to myself. I have expectations and disappointments but those are the ones that gave me realizations that not everything I want will always be granted. Thanks fam, friends and relatives! May we all have a more prosperous new year and may we shine brighter than ever this coming 2018 😘😘😁🎉🎉
Appreciation Post 💖 #Sky #Scenery #Sunset #fleurXcards
City Lights 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . #neon #colors #photography
PHOTOSHOOT w/ ma prends :3 #VSCOPH #CandidMoments #WackyShots
BFF goals 😊 #rippedjeans #camlyf #friendsincechildhood
S.I.L.H.O.U.E.T.T.E #Photoshoot #Fwendships
Corpo Day ♥ #CorpoAttire #Solo #ModelngHalamananxD
Still can't get enough of yesterday's band and their songs 🎶 #EchoesV #TJMonterde #Hilera #Sandwhich #Hale #DJAce #Moonstar88 #ThisWeekHappenings