
Product Placement
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
todays bird
hello vonnie
DEAR READER
h
šŖ¼
Peter Solarz
Aqua Utopiaļ½ęµ·ć®åŗć§čØę¶ćē“”ć
AnasAbdin
wallacepolsom
No title available

Kiana Khansmith
Three Goblin Art

ellievsbear
taylor price
Cosimo Galluzzi
No title available
Mike Driver
i don't do bad sauce passes
seen from Singapore
seen from Brazil
seen from Ecuador
seen from United States

seen from United States
seen from Spain
seen from Spain
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Vietnam
seen from United States
seen from United States
seen from Finland
seen from Saudi Arabia
seen from United States
seen from United States

seen from Italy
seen from Netherlands
@silidsikreto
panimula
Ang alikabok ay maaaring indikasyon ng dumi sa isang bagay. Hindi man kaagad natatanaw kung hindi lalapitan, mas mararamdaman lang ito sa paglapat ng gaspang sa balat. Kung minsan, tinatawag itong gabok.
Sa pang-araw-araw, nasa paligid lang natin lagi ang alikabok. Maaaring nasa kisameng hindi natin naaabot, o kaya naman sa lumang cd player na hindi na tumutugtog. Maaaring nasisinghot rin natin ito nang hindi namamalayanāo namamalayan, at kaya nauuwi ito sa isang hatsing. Nasa paligid lang natin ito, kinakailangan lamang minsan ng masinsinang pagsipat sa mga gamit na lagi nating nakikitaāparang tula at ang proseso ng pagsulat nito. Sa mainam na pagtingin sa paligid, saka natin nakikita ang alikabok, na patuloy ang buhay kahit may mga bagay tayong napapabayaan. At kapag napabayaan at naipon na ang alikabok, saka natin matatanto na matagal na pala noong muling winalis ang gilid ng mga dingding, na may mga problema palang hindi naabot ng ating paningin.
Kabaligtaran ng pinaniniwalaan ng karamihan, hindi pangmayamang gawain ang pagtula, o siguro maaariāmayaman sa oras na salansaning maigi ang mga salita at ang koneksyon nito sa buhay, ang pagtingin sa paligid sa kabila ng patuloy na pagtakbo ng oras. Pero hindi lamang ito tumatalakay sa pagromantisa ng buhay, sakop ng tula ang buhay: ang araw at mga bulaklak, ang ulan at putik na dala, at sana pati na rin ang mga dumi at alikabok na hindi kalimitang napapansin. Pero nariyan sila, nasa paligid lang rin natin. Nasa maliliit na detalye ang mga bagay bumubuo sa atin, at madalas nasa pinakapayak nitong hugis at porma. Ngunit tayo lang ang may kapangyarihang makapansin sa mga ito, at makapagbigay saysay mula sa sarili nating perspektiba.
Tulad ng paniniwalang āmula sa abo, pabalik sa abo,ā lahat ng bagay ay may pinagmulan at babalikan. Ang alikabok na nagpapaikot ikot sa elisi ng bentelador ay parang paglalakbay ng buhay ng tao, at sa kung saan man makapunta o nais marating. Sana sa paglalakbay na ito, mabigyang oras ang hindi kalimitang isinasawika, hindi madalas nakikita, pero tulad ng alikabok at minsan ng pag ibig, alam nating nariyan at ating nararamdaman. Komplikado ang konsepto ng oras at buhayāmaaring mahaba itoāt puno ng pag-asa, maaaring maikli ito sa mga nais sulitin ang oras. Pero habang hindi pa tayo nababalutan ng alikabok, nawaāy makapagsiyasat sa paligid nang maigi, mapansin ang mga bahagi ng buhay natin na hindi inaalintana, at makapaglaan sa mga detalyeng kaagad na winawalis ng mga may kapangyarihan.Ā
Kahit isa lamang manunulat na nasa sulok ng silid, at kalaunaāy babalik muli sa pagiging alikabok at sinulid.
______________________________________________________
Ukol sa akda Sa atakeng tulang hugis, ang piyesang ito ay hango sa larong pambata na tagu-taguan. Inihugis ang mga salita sa korteng mga mata na nagsusubok maghanap at bilang dagdag ay iniayon ang kulay sa dilim para makahalili sa pandama kapag ang isa'y nakapikit. Ito ay nirebisa ayon sa suhestyon ng propesor, mas nakita na maaaring maikonekta pa ito sa mga tunay na hinahanap ng lipunan, mapa sila man mismo o ang hustisya para sa kanila--ang mga desaparecido.
Unang bersyon pagbilang ng sampu nakatago na kayo isa, dalawa, tatlo apat, lima, anim pito, siyam
mananayaw ng dilim
sa pagpatay ng ilaw, 'wag ka sanang matakot
sa gabi lang sila nakakalayang lubos
magtatanghal ang multo't magtatanggal ng saplot
matapos mapagod sa mundong pasikot-sikot
daig pang buhay, araw-araw tinutubos
sa pagpatay ng ilaw, wala kang dapat ikatakot
mas malaya ang lipad kung walang nakabalot
na iniayon sa sabi-sabi na nagiging gapos
sa isang multong nanghihingi ng saplot
sa kahit sinong makakita, kahit anong iabot
makalimos lamang ng atensyong kapos
sa pagpatay ng ilaw, niyapos muli ng takot
magbigay sa iba, masaid, at maubos
bakit ang palabas na ito'y 'di matapos-tapos?
sa pagpatay ng ilaw, hindi ka ba natatakot
na isa ka lang ring multong may magarang saplot?
______________________________________________________
Ukol sa akda Ang akdang ito ay isang villanelle na tumatalakay sa identidad ng mga tao, ang pagiging tao ng bawat tao. Sa maghapong nakikihalubilo sa kapwa at nagpapanggap ng kung anumang ninanais nating maging sa harap ng iba, laging nananatili sa aking isip ang pagiging mas malaya kapag mag-isa na lamang ako sa silid. Tila isang multong lumilipad-lipad lang sa paligid, isang palaisipan sa akin ang katawang kinapapabilangan natin, na naghuhulmang buto't balat lamang ito kapag may nakakakita sa atin. Pero kapag tayo'y mag isa, malaya tayo sa sarili nating espasyo. Totoo nga ba tayong buhay kahit mag isa lamang?
Unang bersyon sa pagpatay ng ilaw, 'wag ka sanang matakot sa gabi lang sila nakakalayang lubos magtatanghal ang multo't magtatanggal ng saplot matapos mapagod sa mundong pasikot-sikot daig pang buhay, araw-araw tinutubos sa pagpatay ng ilaw, wala kang dapat ikatakot sa mga anino't engkantong nanghahablot ng mga kaluluwang naghihikahos na parang multong humihingi ng saplot sa kahit sinong makakita, kahit anong iabot makalimos lamang ng atensyong kapos sa pagpatay ng ilaw, niyapos muli ng takot magbigay sa iba, masaid, at maubos bakit ang palabas na ito'y 'di matapos-tapos sa pagpatay ng ilaw, hindi ka ba natatakot na isa ka lang ring multong may magarang saplot?
you have a name, dear
Ā Ā Ā child Ā Ā Ā while they are still asleep
those who are watching
our hide-and-seek Ā Ā Ā Ā donāt
Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā remove Ā Ā what i will write on your limb
who you areĀ Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā will wake up those who are watching will start seekingĀ and if with luck
Ā Ā there will be youĀ Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā in a cave of ruins
Ā Ā or your little
Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā limb
Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā they will recognize
Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā you Ā have a name
my child
______________________________________________________
Ukol sa akda Ito ay isang salin mula sa isang tula ukol sa nangyayari ngayon sa Palestine. Ilang pamilya at buhay na ang nasira ng ginagawang pagbomba ng Israel. Bukod sa pook na mababalikan, wala na rin silang pamilyang uuwian. Walang pinaglagpas ang karahasang bitbit ng ganid na ito, maski mga batang wala pang muwang ay 'di nakatakas sa nagpapatuloy na pagpatay sa mga Palestinian. At tulad ng kahit anong pagsulat, ang tula rin ay isang armas laban sa kamangmangan sa paligid. Hindi na lamang pagromantisa sa buhay ang nakapaloob sa mga salitang gamit, paglaban mismo sa buhay ang nagagawa ng pagsulat.
Orihinal na akda may pangalan ka, anak anak habang tulog pa sila silang mga nanonood sa ating tagu-taguan huwag burahin isusulat ko sa iyong binti kung sino ka magigising sila ang mga nanonood maghahanap baka sakali sa isang yungib ng guho matagpuan nila ikaw o ang munti mong binti makikilala nila ikaw may pangalan ka anak
Unang bersyon you have a name, dear Ā Ā Ā Ā Ā Ā child Ā Ā Ā Ā while they are still asleep Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā they who are watching our hide-and-seek Ā Ā Ā Ā donāt Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā remove Ā Ā i will write on your limb who you areĀ Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā soon eyes will open they who are watchingĀ Ā Ā will start seekingĀ Ā Ā by chance Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā in a cave of ruins Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā there will be you Ā Ā or your little Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā limb Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā they will recognize Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā Ā you Ā have a name my child
hikbi ng gabi
______________________________________________________
Ukol sa akda Bilang mag-aaral ng teatro at nagdadalubhasa sa dulang pambata, malapit ang puso ko sa mga kwentong pambata. Taliwas sa kalimitang iniisip, may dagdag na hamon ang pagsulat at pakikisalamuha sa mga bata. May kusang pagkalinga at gabay na dapat makatulong sa kanilang pag-unawa sa mundong kikilalanin pa. Pero andun rin ang kulit ng isip, ang pagiging malikhain sa pinakapayak na paraan. Ang pagtingin sa mga bagay mula sa ibang lente at anggulo, ang pagkakaroon ng kakayahan na makita ang lampas pa sa makamundong pag-intindi sa paligid. Bilang bata rin na madalas maiwan mag-isa sa bahay, maraming pagkakataon na pamilyar na kaaway ko ang dilim. Laging kasama ngunit lagi ring nangaasar. Madalas ko na lang iniisip noon na mawawala ang mundo kapag akoý pumikit. At tatambad muli sa akin ang dilim.
a very merry pinoy christmas
______________________________________________________
Ukol sa akda Itong piyesa ay isang lathalain na ginupit mula sa isang pahayagan. Tumatalakay sa tinutukoy na "A very merry Pinoy Christmas," sinubukan kong bumuo ng tula sa pamamagitan ng pagbura ng mga orihinal na salita. Bilang itong lathalain ay nakasulat sa Ingles, ninais kong bumuo ng tula sa Filipino gamit ang lenteng nagtutuon naman ng pansin sa kung ano ang paskong nararanansan ng ibang Pinoy sa kasalukuyang political climate ng bansa.
a very merry pinoy christmas ala olit ilaw samin laging parol ay Candila ang togtog ay sigawan regalo na ang kahit ano sana ngayong--
maski ang butiki naaabot ang kanilang langit
tuwing gabi, naglalakbay ako sa kalawakan ng kawalang
liwanag, hinuhulma ang mga konstelasyon
sa kung paano ko naisin sa aking paglaki
lilipad ako, kay gaan ng daigdig
ng walang ibang iniisip
pero titiktik ang butiki at babagsak
muli ang bigat
hindi ito ang kisameng kinalakhan
gumuho na ang semento, kahoy nagiging abo
ang lahat ng nagbabaga ang puso
sa mga biyak na bato na lang maglalaro, maghihintay
hanggang sa matahimik muli ang mga bituin. ______________________________________________________
Ukol sa akda Bilang child rights advocate, parte ng pag-aaral at pagsusulat ko ang pagtalakay sa mga isyung nakakaapekto sa mga kabataan. Isa rito ang pagbomba sa mga lumad schools na tumulak para sa mga kabataan at mag-aaral na lumad upang lumikas sa kanayunan para sa kanilang kaligtasan. Mananatiling kahihiyan sa estado at pamayanan mismo ang kakulangan sa pagpunan sa sapat na pangangailangan ng bawat bata: maayos na tirahan, payapang pamumuhay, malinis na pagkain, at sapat na edukasyon. Obligado ang lahat ng matatanda na hayaan ang mga batang lumaki sa isang espasyong malaya silang mamuhay lang nang matiwasay. May karapatan sila at dapat itong respetuhin at proteksyunan. Mula ito sa isang freewriting exercise na nag-ugat sa ideya ng kisame. Maituturing ko ang sarili ko na marami laging iniisip kung kaya't madalas akong nakatitig sa kisame, na naihahalintulad ko rin sa pagtingala sa langit. Tulad ng mga bituin, nais nating lahat na maabot ang mga pangarap natin. At ganto rin ang mga lumad school children natin.
Mga unang bersyon tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalan nakatitig sa kumkindat kindat na ilaw. kelangan nang palitan ang bombilya ng dilaw na araw habang nagpapaikot ikot ang alikabok at agiw na malayang lumutang sa dilim akong malayang tumingala wala namang makakaaninag, maghihintay hanggang sa may marating ang boses kong paos lalamunin ng sansinukob sana kasama na ako
tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalang liwanag ang mga konstelasyon ay huhulma sa kung paanong hugis o sukat ko naisin madalas walang tinig ngunit dito ako ang nasusunod lulutang, oh kay gaan ng daigdig ko maski siyensiya'y 'di aalma sa paglipad at bago pa maabot ang mga tala titiktik ang butiki at babagsak ang puwersa hindi ito ang kisameng kinalakhan gumuho na ang lahat semento, kahoy, magiging abo ang lahat ng nagbabaga ang puso sabiý libre ang mangarap bakit higit pa sa akin ang pataw?
tuwing gabi akong naglalakbay sa kalawakan ng kawalang liwanag, huhulma ang mga konstelasyon sa kung paano ko naisin sa paglaki lulutang, oh kay gaan ng daigdig ng walang ibang iniisip pero titiktik ang butiki at babagsakĀ muli ang puwersa hindi ito ang kisameng kinalakhan gumuho na ang semento, kahoy nagiging aboĀ ang lahat ng nagbabaga ang puso sabi'y libre ang mangarap, bakit higit pa sa'ming lahi ang pataw?
masyado pang maaga
tulog pa ang diyos. naisilid ko nang maigi ang mga gamit na babaunin mo. dahan dahan, aalis tayo rito. maiiwan ang halimuyak sa ating pagdaan. dahan dahan. lalabas tayo sa mga kalsadang hindi mo na masisilayan. d a h a n d a h a n. tangan ko ang bimpo mong takip ang basa sa kaliwa kong suso. dahan. tahan. lalayo tayo sa mga puting pader at puting mga nakauniporme. butas ang mga puso. hindi na nila tayo masisingil.
dahan dahan. hindi pa rin makatahan. at ihihimlay kita. andito lang ang nanay.
ilang turok ang bakas, sementadong duyanā ninakawan ng bukas.
______________________________________________________
Ukol sa akda Ang haibun ay binubuo ng prosa at haiku. Sa piyesang ito, nais ko isawika ang lumbay ng isang ina sa kaniyang sanggol. Kung paanong hindi talaga kaagad na tumitigil ang katawan sa pagiging ina kapag nawalan ng anak, lalabas pa rin ang gatas kahit wala nang pasususohin. Parang kahit anong bangungot, nanaisin ng kahit sinong ina na maialis ang anak sa hirap na pinagdaraanan nito, malayo sa mga tumalikod, malayo sa mga hindi duminig ng panalangin. Bitbit ng piyesang ito ang ilang kinabukasang ninakaw sa mga batang lalaki pa lang.
Unang bersyon masyado pang maaga tulog pa ang diyos, pero ihahatid kita tulad ng ipinangako. kasunod ko ang martsa ng mga pamilyar na estrangherong hindi mo na makikilala. takip ng bimpo mo ang basa sa kaliwang dibdib. mapagtanda ang puso ādi makatahan, usal ang ngalanā sumalangit nawa.
bugtong bugtong
titigil na sa pag-ikot
itong biluging inuulit
mula nang pangala'y pumalit
lagi't lagi nang bitbit
______________________________________________________
Ukol sa akda Mahilig ako sa mga abubot, lalo na sa kamay at daliri--ang aking mga singsing. Parang mga anak na bawal maiwanan, lagi dapat suot bago umalis ng bahay. Malaki ang papel ng mga bakal na ito sa akin, maliliit na paalalang merong nananatiling pwede kong hawakan saan man ako mapunta. Munting paalalang may nadarama--totoo ako at may buhay. Kaya palaisipan pa rin kung sakali mang magbago ang isip ukol sa kasal. Ngunit sa irog na kasalukuyang tinatangi, hindi kelangan ng seremonya para mapaalalang ako'y totoo at may buhay--ramdam ang init dahil ako'y nagmamahal. Kapag ika'y kasama, ang paboritong kong pakiramdam ay ang mga daliri nating magkakayakap.
Mga unang bersyon titigil na sa pag-ikot itong biluging inuulit kung sa akin na ay kakapit maski pangalay ay iuukit iaalay pa nang nakaluhod sa'yo, o diyos ko dinggin mo lang ang panalanging bulong--oo. biluging paulit-ulit sa aki'y kumapit nang kay higpit iaalay nang nakaluhod o diyos ko dingging ang panalanging bulong biluging paulit-ulit hindi magsasawang ialay nang nakaluhod makuha lamang ang matamis mong "oo"
______________________________________________________
Ukol sa akda Ang hamon sa tulang tuluyan na ito ay ang paghanap ng pinakamainam na pagkakasunod sunod at pagkilatis sa koneksyon ng bawat linyang bigay. Ang piyesang ito ay binubuo ng labing siyam na pangungusap na ibinahagi ng bawat isa sa'ming labing siyam na mag-aaral sa klase. Lingid sa kaalaman namin na ang mga binigay na ideya ay bubuoin na isang tulang tuluyan. Naging pagsubok ang paulit-ulit na pag-aayos ng pagdugtong upang mas maging pulido ang daloy ng mga salita. Nakadagdag sa piyesang ito na isa akong biswal na manlilikha, malaking tulong sa akin na nalalaro ko ang pagkakaayos, kulay, at pwesto ng mga salita. Ito ang hindi ko inakalang makakakuha ng pinakamataas na marka sa lahat ng aking akda. Sa proseso ng tulang tuluyan ko lalong nahubog ang patuloy at walang tigil na paghahanap ng naaayong kombinasyon para sa mga gagamitin salita. Ang bawat putol, ulit, at ayos ng mga ito ay mayroon pa ring panibagong imaheng naibibigay kahit hindi sariling likha ang mga salita. Parang mga tao, ang pagsulat ng mga tula ay walang sawang proseso ng pagkilala ng mga salita.
what i love in you, dear imagination, is that you don't forgive
dalhin man sa kung anong lupain
sa isip
lumipad man kasama ng
mga eroplano sa himpapawid--
rumaragasang hangin
magpapalutang-lutang sa ere
tulad ng lobong nakawala
sa kapit
ng kamay
nung binitiwan mo ako.
Hindi ako si Superman
at lalong-lalong pwede
akong mamatay
dahil alam ko na rin naman
ang pakiramdam
ngunit ipapagaspas ko pa rin
ang mga kamay itataas
hanggang balikat
at maniniwalang
sapat na ako lang
ang iibig
tulad ng imahinasyon
(tayo)
itong pagpapatawad
(sa'tin)
ay kaya lamang
mangyari sa aking isip.
______________________________________________________
Ukol sa pagsasanay Isa ito sa mga freewriting exercises sa klase. Ang pinagmulang ideya ko rito ay ang pagturing sa imahinasyon bilang isang superpower. Malayo ang mararating mo kahit nasa isip lamang. Kayang maabot ang mga bituin, kayang maabot ang pinapangarap na bituin. Ngunit dahil nga malayo ang mararating, sa pag-aasam ng lawak ng malilipad, hindi na mamamalayan ang lalim ng pagbagsak. Tuso ang imahinasyon, patatakamin ng posibilidad at lalasunin rin ng posibilidad. Lahat ay pwedeng mangyari. Lahat ay pwedeng mangyari.
Pero tulad ng kahit anong superpower, may kaakibat itong responsibilidad. At tulad ng lupaing liliparin, lahat ay may hangganan.
Hindi nagpapatawad, at kailanma'y hindi mapagpatawad, ang imahinasyon. Magtatanda at magtatanda ang sinumang makikipaglaro sa kaniya.
hingang pahinga
Habang nakalutang ang magkakalayong daliriāt pinakikiramdaman lang ang paligid, lalamunin ng dibdib ang bigat ng paghingaāt marahang hahayaang lumawak sa loob hanggang sa umabot sa pag-ahon ng mga balikat at kapag umabot na sa lalamunanāay bibitiwan at saka iimpis ang lahat sa paglabas ng hininga.
Mananatiling tahimik ngunit sa kawalan ng tinig ay mas maririnig ang pagkalabog ng nadadabog na pulso, ng dugo sa puso. Ang tensyong namuo sa ilang linggong pagod ay gumagapang mula abdo paitaas, padaan sa akyat-babang buto-butoāt likuang braso parating sa pinakaduloāimbentong lobo.
Kusa nang sumasabay sa ritmo ng hinga ang aking mga kamay na parang beteranong mananayaw. Umaalpas ang minsang bigat na tila nangawit na espiritung nakapasan. Ang mabilis na pintig ay tuluyan na ring babagal, kakalma, at parang luluwag ang suot na kamiseta sa gaan ng pakiramdam.
Ilan pang hinga at mamamasa na ang talukap ng nakapikit pa ring mga mata at saka maiisipāantok.
______________________________________________________
Ukol sa pagsasanay Ito ang pinakaunang pagsasanay namin sa klase. Dito ko nakuha ang paglalaan ng oras sa pagtukoy kung anong tunay na nararamdaman: anong parte ng katawan ang nakadarama ng tensyon at paano ang nagiging daloy nito paloob at palabas. Mahirap ang nagsusulat na laging sa isip lang nanggagaling, mahalaga ang pasensyosong pagtukoy sa kung gaano kalalim at gaano katindi ang mga pandamang nagbubunga sa isang emosyon. Ito ang mga detalyeng tayo lamang ang makapagbibigay--taong buhay at nakakaramdam.
mapa ng emosyon
______________________________________________________
Ukol sa pagsasanay Ang mapa ng emosyon ay isa sa mga stratehiyang ginamit namin para mas mapalalim at mas mapalawak ang ugat na ideya sa pagsulat. Malaking tulong ito sa paghahanap ng ibang lente o mga bagay na magagamit na koneksyon sa pagbuo ng imagery ng tula. Mas mainam na hindi masyadong pinupulis ang sarili sa prosesong ito. Hayaang ang isip mismo ang magdikta kung saan patungo ang pinagugatang ideya at saka tayo makakatuklas ng sariwang pananaw.
rubrik- tulang may sukat at tugma
______________________________________________________
Ukol sa aktibiti Kasabay ng pagpapalalim sa kaalaman at teknikal na kasanayan sa pagsulat ng tula, pinagawa rin kami ng aming propesor ng rubrik sa pagmamarka ng mga akdang pinapasa. Sa prosesong ito mas naisali ang mga ideya at opinyon namin, lalo na sa pagtukoy kung anong mahalaga para sa amin kapag sinusuri partikular na uri ng tula. Dahil nga ang propesor rin namin ang magbibigay ng grado sa mga isinusumiteng tula, ibinahagi niya sa amin na at least sa ganitong paraan ay kami mismo ang bumuo ng pagbabatayan niya sa aming mga akda.