Note: This post is too long. But I hope someone, somewhere. Ilang gabi na akong di makatulog. For the past 2 weeks, I'm having a hard time sleeping 7hours straight. I just wanted to let this out. I just want to say what really happened why you and I ended like this. I didn't expected this ending. I know nobody has. But it all started when we left Cebu. First, nagdecide tayong magpunta ng Cebu para i-end na yung Long Distance Relationship natin for a year. Ayaw mo mag-work dito sa Manila at sabi ko rin na mas okay sa Cebu kasi less traffic, less baha at marami rin namang trabaho dun in line sa previous work experience ko. Maraming struggles din yung pinagdaanan natin sa Cebu. I have struggled with work and so did you. Pero sobrang fulfilled nung naramadaman ko kasi finally sabi ko, at last, before I turned 30, I am independent and not under my parents roof. I am with the love of my life and we're together after a year of sacrificing with LDR. Then adulting problems came. Hindi healthy mag-work dun sa huling company na pinasukan ko sa Cebu dahil naninigaw yung supervisor ko and I started to doubt my capabilities na malayong malayo compared sa confidence ko nung pumunta palang ako ng Leyte. Nahihirapan ka na din sa work araw araw kang umiiyak. Nahihirapan din tayo sa schedule kasi pang-umaga ka, ako pang-gabi. Pero sobrang naaappreciate ko yung pag-adjust mo sa time ng break mo para sabay tayong makakain tuwing lunch or first break. This time, napapag-usapan na natin yung ibang options. Pero wala sa choice ang umuwi. Sabi ko sige marami pa namang ibang work dyan, naisip na namin mag-apply siyang teacher or instructor sa mga universities dun sa Cebu na malapit sa amin. Since may mga offer naman sa kanya dati sa Leyte na maging instructor. At least hindi kasing toxic ng Call Center. Ako plano kong mag-apply ulit sa iba tapos mag-side business din. Maraming plano. Wala sa plano ko ang umuwi and I really want to fight na hindi umuwi kahit anong mangyari. Then yung opportunity na mag-work sa gov't in Leyte came. Hindi ka na nag-hesitate. I supported you but I asked if I can stay in Cebu. Naisip ko nang mahirap para sa akin makakuha ng trabaho sa Leyte dahil sa work experiences ko at sa edad ko. I'm already 30 baka wala nang tumanggap na private offices sakin dun. May utang pa ako at ubos na savings ko saka pinambayad ko rin sa utang ko sa SSS. Hindi na sasapat kung makakuha ako ng work na below 19K ang basic. Your cousin Pao tried to convince us to stay, hindi ko makalimutan yung sinabi niya na parang wala din yung ginawa kong pag-adjust for you para magkasama tayo sa Cebu at napaka-impulsive ng desisyon namin na umuwi. Umiiyak ka kasi nada-down ka na talaga at gusto mo nang umuwi kasi namimiss mo na rin parents mo. Sa Leyte nga naman kasi, wala tayong babayarang bahay. Walang bills, makakapag-ipon tayo. Ayoko talagang umuwi, pero di ko rin naman maaatim na makita ka na nahihirapan dahil sa desisyon nating mag-stay. So sabi ko, sige. Ita-try natin sa Leyte. Paubos na yung last pay natin nun kaya sobrang tipid na tayo. Sa totoo lang, hesitant akong umuwi. February nagsimula na kaming mag-empake. Malungkot ako nung iniwanan namin yung apartment namin sa Cebu. Akala ko kasi dun na tayo magse-settle at magiging okay na tayo dun. Pero sabi ko magiging okay din naman siguro sa Leyte. Pagdating sa Leyte, ginawan natin ng paraan na makapasok tayong dalawa sa Senior High application. Di ako umabot kasi kulang kulang docs ko, nakakahiya nga kay Mama mo dahil inasikaso niya pagpapa-notary sa requirements ko. Dumating sina Mama and kapatid ko sa Cebu nung araw ng deadline ng pasahan ng requirements for Senior High. Dinala ko sila Mama ng Leyte para kako makahabol ako ng pasahan ng requirements saka makabisita na rin sila sa Dulag. Nauna ka na sa Leyte ng isang araw para asikasuhin application mo sa SHS. 9PM kami nakarating nila Mama ng Dulag, di ako umabot sa pasahan ng requirements for Senior High. Pinasyal na lang natin sila Mama sa Leyte before ulit tayo bumalik ng Cebu. Pagkauwi nila Mama, ilang araw umuwi na tayo ng Leyte. Nagtanong tayo sa SALAG, may job posting na available para sa akin kaso wala akong eligibility sa Civil Service dahil ikaw lang ang nakapasa kaya di ako qualified. Sinubukan din namin sa BDO, pero sa Samar ang opening nila ng Teller, pumunta tayo ng Metrobank kasi may ninang yung pinsan mo na may posisyon na dun, freeze hiring daw. March na. 2 months na tayong walang work at naibayad ko na sa utang ko at ibang bills yung last pay ko sabi ko di pwede na di ako magkaroon ng work. Tumingin tayo ng opening sa Bo's Coffee. May opening na Cashier/Barista. Kaso hanggang 25years old lang. Before umuwi ng Leyte, nakapag-loan ulit ako sa SSS para pandagdag sa joblessness ko sana sa Cebu. May natira pang 10K dun kaya naisip ko mag-business na lang kako ako, LAST RESORT NA 'TO. Sabi ko pag di pa rin umubra 'to, di ko na alam. Pero for some reasons hindi pa rin pwede na mag-negosyo ako sa inyo. Naubusan na ako ng paraan para di na umalis ng Leyte. Ayoko talagang bumalik ng Manila. Ayoko na ng LDR. Gusto ko ulit bumalik ng Cebu para sana mas malapit sayo sa Leyte kaso alam kong mahihirapan ako sa dala kong pera. Di magkakasya. Sabi ko uuwi na lang ako ng Manila para hindi na ako magbayad ng renta, may kasama pa ako. Ayoko talagang umuwi kasi alam kong marami akong problemang dadatnan pagdating ko sa bahay namin. Pero parang di naman nakikisama yung panahon at pagkakataon na wala talaga akong choice kundi umuwi. Bumalik rin pala tayo ng Cebu nung time na 'to para asikasuhin yung last pay mo saka para na rin kunin yung final documents natin sa company natin for clearance. Kaya nagalaw yung tinabi kong pera. Sobrang stressed na ako ng time na 'to kung paano ko babayaran yung utang ko at ibang bills ko. Pero sabi ko, tiwala lang. May plano ang Diyos. April 1, umuwi ako ng Manila kahit na labag sa loob kong umuwi. Ang dilim ng bahay, ang daming tao na problema at hindi tumutulong kay Mama. Pero alam mo yung nakita kong reaction nila nung umuwi ako? Relief. Di na makapagdesisyon si Mama ng maayos simula nung umalis ako. Pero parang nagtatanong ako, bakit kailangan ko pang umuwi para ayusin yung problema dito? Yung Nanay ko walang katulong sa pagdedesisyon pero bakit ganun? Bakit kailangang hintayin pa ako? Ilang usapan pa, umalis na rin yung pamilya ng Tito ko pero bandang July na. Ginawan nila ng paraan na makahanap ng sarili nilang place na tutuluyan. Medyo gumaang yung dinadalang sakit ng ulo ng Nanay ko. Pera na lang ang problema. Nag-apply ako ng work 1 week pagkarating ko ng Manila, naghanap ako ng pang-umaga kasi gusto ko na ring maging normal yung tulog ko pati na rin mas maayos schedule natin. Hindi ako nakapasa sa unang inapplyan ko, sabi ni Mama itry ko ang real estate. Nakapasok ako pero di pa nakakapirma ng contract. Marami pang dapat gastusin dahil kailangan ng lisensya sa pagbebenta ng condo. 5K ang kailangan. Ubos na yung dala kong pera. Araw araw, iniiyak ko yung mga hirap ko sa bahay sayo. Ilang araw kino-comfort mo ako pero sobrang nakaka-stress yung sinasabi ko parang naririndi ka na rin. Sabi mo tama na ang negative thinking. That time, nagtampo ako sa kanya. Parang di ko siya pwedeng asahan na pagsabihan ng mga problema ko. Of all people na magre-reject sa akin, siya pa. Siya lang yung inaasahan kong makakaintindi at makikinig sa akin. Pero siguro nga, narindi na siya sa lahat ng stress ko sa buhay. Simula nun, panay reklamo pa rin sa work ang sinasabi ko. Pinagtitiyagaan na lang din siguro niya ako. Pero may mga araw na parang ayoko na ring magsalita ng problema sa kanya kasi nasistress din siya. 3rd week of April, pumunta ka dito sa Manila para i-celebrate yung pagpasa mo sa Civil Service Exam. 1 week ka rito. Namasyal tayo, parang di na rin ako sanay na ipasyal ka sa Manila kasi ang hassle pero masaya ako na nakasama kita. Nakakatabi kita sa kama ko, nayayakap kita na nasa bahay namin. Naramdaman ko na may karamay ako kahit mahirap buhay ko dito. Nahihiya ako kasi naubos na savings ko, naubos yung last pay mo at baon na pumunta dito. Kinailangan ko ulit mangutang para mabigyan kita kahit paano pauwi kasi mag-aasikaso ka pa ng requirements sa RTC. Sabi ko okay na rin yun para na rin may pang-allowance ako at pandagdag asikaso sa mga kailangan ko pang requirements dito pero at the back of my mind, nangutang din ako kasi gusto ko na sumama sayo pauwi ng Leyte. Hinatid kita sa sakayan ng bus pauwi ng Leyte. Gustung-gusto ko na sumama pauwi. Pabili na kami ng ticket pero sabi mo na rin. Di na praktikal. Di ko makalimutan yung mukha mo nung nasa bus ka, tumawag ka nung umabdar na yun bus tapos umiyak ka nung malayo na. Naiyak din ako kasi umuwi ka na. Umuwi kang mag-isa. Dumaan yung May, ang lungkot, stressful din. Nagkasakit ako for a week. Pero pumapasok pa rin ako kahit wala pang contract, nagte-training pa ko nun sa SMDC. Araw araw simula nung umuwi ako, iyak na ako ng iyak sayo sa hirap ng mga pinagdadaanan ko dito dahil sa stress, sa problema ko sa bahay, sa mga utang, sa kagustuhan kong umuwi ulit ng Leyte. Away din tayo ng away kasi parehas na tayong malungkot, dagdagan pa na stress tayong parehas kasi ang tagal tumawag ng trabaho na hinihintay mo tapos lagi ka rin napupuyat kakahintay sa akin, ako naman walang maayos na schedule. Sa loob ng isang buwan, 4-6 days lang ang off ko, hindi pa magkakasunod. Lagi pang past 11pm ang uwi ko from duty. Sabi ko wag mo na akong hintayin kasi ikaw naman ang magkakasakit. Ayaw mo, gusto mo akong hintayin pag-uwi. Sabi ko June, magkikita kami. Anniv namin yun kaya gusto kong magkita kami. Para makahinga naman din ako kahit paano sa mga problema dito. Nangutang ulit ako para makapunta ng Leyte ubos na yung inutang ko kasi ibinayad ko ulit yun sa ibang utang. Nakahinga ako nung dumating ng Leyte. Sumaya kahit dalawang araw lang. Ikaw bilang mahilig din sa mga surprises. Sinorpresa ako ng dinner date. Kunyari pa na mamamasyal daw kami kasi fiesta daw sa Tacloban ganito ganyan. Tapos bigla nagpunta na kami sa resto ng college classmate mo. Hindi ako nakatunog agad kasi akala ko pupunta nga tayo sa perya at mga rides sa Tacloban. Pero ayun, sabi mo may dadaanan lang tayo. Ang sweet at memorable nung gabing yun. Yung mga paborito nating kanta tinugtog din ng mga friends ng college buddy mo. Ang sarap din nung steak nila. Di ko naubos kasi kumain na tayo ng marami nung tanghali. Sobrang saya. Kahit paano nakalimutan ko mga problema ko sa Manila. July, last month ng contract ko, wala pa rin akong benta. Nakaipon na ako ng maliit na halaga sa allowance ko para kako may dala ako kahit paano pauwi ng Leyte. Di ko na rin masyadong sineryoso ang real estate kasi sabi ko uuwi rin naman ako ng Leyte. Medyo pressured pa rin ako, nasabi ko sayo na kapag nag-succeed ako dito, 1-3years pa bago ako makaipon dahil hindi naman agad lumalabas ang commission, pero half hearted kung itutuloy ko pa ba real estate. Gusto kong umuwi kasi inimbitahan din ako ng pinsan mong magde-debut, gustung gusto kong pumunta. Plinano ko na nga na uuwi ako diyan ng Friday ng gabi para Sabado, di ko na papasukan yung duty namin nun pero uuwi rin ako agad ng Sunday kasi may pasok ako. Hindi ka punayag kasi sabi mo wala rin tayong time together nun, may pasok ka ng Sabado. Kahit gusto ko, sige na lang kako. Wag na lang. For 3months, araw araw nagtatalo tayo na umuwi na ako. Ilang beses din nung buwan na 'to na nakipag-cool off ako kasi sabi ko pagod na ako. Hindi ko maramdaman yung suporta mo sa akin sa trabaho pati na rin yung mga pagsasabi ko ng problema at reklamo napapagod ka nang pakinggan kasi sabi mo masyado akong negative. Kahit ako napansin ko rin na sobrang stressed ko. Sa work, sa bahay, sa pera, sa ating dalawa, sa future ko. Pero nagiging okay naman tayo kasi sinusuyo mo ako kada nag-aaway tayo. Nagtatampo ka kasi wala na talaga akong time sa'yo. Sabi ko konting tiis na lang uuwi na ako, nag-end contract ko ng July 31 na wala akong benta, pero na-extend ako ng 15 days para magkaroon pa ng chance makabenta, sabi ko, di ko na susubukan talaga. Uuwi na ako ng Leyte. July 31 to August 4, di na kita makausap ng maayos. Halos ayaw mo na akong kausapin. Hindi mo na sinasagot mga tawag ko. Medyo nag-iba ka na rin sa text, akala ko nung una naiintindihan mo na kung bakit kailangan ko mag-stay dito sa Manila. Sinabi mo pa sa akin na 1 contract at a time di ba? Sabi ko rin sa'yo na makipag-friends ka para di ka mainip kakahintay sa akin. Walang malisya. Pero nung hindi ka na talaga sumasagot sa tawag ko nagdududa na ako bakit biglang wala ka nang gana makipag-usap. August 5, nakipagbreak ka na. Pagod ka na sabi mo. Sabi mo panindigan na natin yung hiwalayan natin katulad nung lagi kong sinasabi sa'yo. Sabi ko bakit ganun? Bakit bigla kang nagbago? Plano pa nating magtayo na ng business sa tapat ng bahay ng lola mo. Okay na lahat. Hihintayin mo na lang na bumalik ako after ng extension ko. May iba ka na ba kako? Sabi mo, wala. Sabi mo pa, mahal mo ako pero di mo na ako gusto. Masyado nang maraming masakit na salita yung nakuha mo sa akin na di mo makalimutan. Sabi ko, bakit ganun? Ilang araw na lang baby, bakit di mo pa ako nahintay? August 7, nalaman ko na may kalandian ka. Tinanong kita ulit, sino siya? Sabi mo di ko siya kilala. Wala na tayo at di mo na dapat malaman. Pinakamasakit pa nun, sabi mo, "She's here when I needed you." Ang sakit, bakit ganun? Gusto ko lang naman magkaroon tayo ng magandang future. Bakit ganun? Umuwi ako dito para maghanap ng work. Ayokong umuwi kasi ayoko naman talagang magkahiwalay tayo, pero bakit ganun? Bakit di mo ako mahintay baby? August 8 ng madaling araw, nag-book ako ng flight papunta ng Leyte para makausap ka ng personal. Hindi ko matanggap na nakipag-break ka sakin sa text lang. kailangan kitang makausap. Umiiyak akong tinanong lahat ng bakit na nasa utak ko. Sinagot mo ako na, "Ayoko na ng LDR baby." Nagkausap tayo ng maayos. Sabi mo hindi pa kayo ng "someone else" mo. Kahit ako aminadong pagod na sa sitwasyon natin kaya okay na. Niloloko pa kita sa "date" mo. August 9 ng umaga umuwi ako. Nagyakap lang tayo, wala nang goodbye kiss. Nakauwi ako ng maayos sa bahay. Pinaalala sa akin ng kasamahan ko sa work na may event kami sa Vikings today. Nag-invite ako ng guest. May isang nag-confirm. Kinagabihan, nag-book siya. May benta na ako. Ibig sabihin, mae-extend ako sa trabaho. Natuwa ka for me. Pero at the same time, nainis kasi bakit ganun? Timing na timing namang nagkahiwalay tayo saka ako nakabenta. Sabi ko di ko alam. Malas daw ang laging nag-aaway. Ilang araw pa, may mga nakikita akong post na gusto mo nang sabihin sa parents mo na you are seeing someone else. I can't help it but feel hurt. Parang ang insensitive lang ng post mo na kaka-break lang natin, you are there, letting everybody know that you are already seeing somebody else. Sabi ko, hindi ko kayang makipag-friends sayo. Wag mo na kako akong guluhin. Nag-deactivate ako. Pero di ko pa rin maiwasang mag-stalk sa ibang social media. May mga times na nagtetext ka pa rin. Binati mo pa ako nung August 15 na Happy 15th dahil monthsary natin yun. Sabi ko, ordinaryong araw na lang yan ngayon. Di ka na nagreply pagkatapos. Kinabukasan, nag-chat ako sayo, sabi ko namimiss kita, sabi ko bakit ba tayo nagkaganito? Gusto kong magkabalikan tayo ulit. Pero sabi mo, tama na. Ayaw mo na. Tinigilan na kita. Kahit ang sakit sakit na. Until August 22, Tuesday. Sabi ko sa kapatid ko, magbu-book ako ng flight papunta ng Leyte sa birthday mo ng August 26-28. Sabi niya, NO! Tapos sabay padala ng screenshot ng "someone else" mo na may caption na, "Drowning from the lines "you're so not worth it", "go fuck yourself" and more, you were there, holding my hand, giving me the love that I deserve." That was a very horrible horrible day of my life. It was so devastating I messages you right away and asked you why? I posted it on IG and made it My Day pic, then one of your cousin's say, she didn't see this coming. Pero sana di naman daw mawala ang respeto. I was so infuriated, sa ginawa mong pagpo-post na yan, did you even respected my feelings?! I've been sacrificing my whole life away from you with hopes that I will be coming home soon but you quit. You gave up and replaced me with someone near you. Then upon seeing this they expect me to give respect? How? Why? What the hell? Why this has to happen? I never expected that we would end up like this. I never expected you will replace me with someone near and easy to reach after all that we've been through. After all the sacrifices we have to endure. You gave up baby. You replaced me with someone that is easy. But I can't blame you with all the hardships that you wnet through with me. I was hoping you would understand. That you will see where I am coming from. But you looked for someone else. Where you can be happy. I was hoping for an unconditional love but I failed to have it. I guess I was so wrong to come home. I was so wrong to be in this position. I should have known. August 24, I was so hurt I stalked her, the one you are now dating, I saw some posts that really broke my heart. August 12, image post, "Saying I love you is really not enough to say I love you, Babe." With caption "puso ko diyo ko" I know I was hurting myself more. Di ko alam kung saan ako mas masasaktan, kung sa sinabi mo sa kanya na patuloy mong sinasabi sa akin na mahal mo ako o sa fact na sinasabi mo sa lahat ng tao na walang kayo? You won't tell someone you love them if you don't want them. I let you go. This time. For real. I am letting you go. I am still hurt na feeling ko, sobrang naagrabyado ako. Pero alam kong may mga pagkakamali din ako, pero baby, di ko naman yata deserve na masaktan ng ganito? I did what I did because I want the best for us. I know kinain ako ng stress pero di mo ba talaga ako naintindihan man lang? Di ba ako kahintay hintay at naghanap ka na agad ng iba? I feel so horrible. I don't know what to do with my life. But I keep on moving but nowhere to go. I keep on moving but I don't know where to go. I got nobody but you, myself and my family. My life revolved in you for 2 years and a month. But I hope, wish and pray, that someday, everything will make perfect sense. Someday, everything will get better. Someday.










