My happiest crush.
Nakakatuwa lang talaga.
Sobrang kota ko ngayong araw, alam mo ba yun? Sa tinagal-tagal kong di nagka-crush sa taong abot-tanaw lang, ngayon na lang ulit ako kinilig ng ganito. Ngayon na lang ulit nakakangiti kahit sobrang badtrip. Kumabag kahit bwisit na bwisit ka, pag nakita mo parang okay ka na ulit. Makakangiti ka na ulit. :) Iyong tipo ba na parang ganado ka pumasok lagi. Nakakaantok man gawa ng sobrang agang klase, imbes na tamarin ka na pumasok ng maaga eh mapipilitan kang bumangon para makarating sa oras kung saan alam mong magtutuma ung sa inyong dalawa.
Kaya gusto ko magsorry sa mga kaibigan kong lagi kong pinapalo at kinukulit at kinukwentuhan ko ng nonstop. Sabi nga nung isa para akong smitten high school girl. Aba'y masisisi niyo ba ako. Na-starstruck talaga ako dun eh. Matangkad, maputi, gwapo, nakasalamin kaso mas bata ata sa'kin. BBF siya. Pero di bale na, isang taon lang naman. Ang tagal kong di nagka-crush sa normal na tao. Hindi yung tipong puro miyembro ng banda, di yung mga volleyball at basketball player.
Men, this is so real! As in totoo, as in isang malaking achievement sa part ko. Guys, salamat sa pagpapaasa niyo at pagko-connect ng mga bagay para masabing ako ung dahilan ng lahat. De, biro lang. Hahaha.
Pero masaya ako kahit papaano, masasabi kong normal pa pala ako. At kuntento na ako sa tingin-tingin lang. Mahalaga, masaya ako. Kaya nga happy crush eh. Attached man sya o unattached, committed man or single, okay lang. Wala naman yun eh. (Pero mas okay kung single hahaha)
Crush lang. Paghanga. Di na lalagpaas. Well, sinong makakapagsabi? Siguro tadhana na lang? O baka oras. Pero ayun, sinasama ko siya sa prayers ko. Kasi sabi ng ate ko, pag gusto mo ang isang tao, ipagdasal mo lang. :)
Ang layo na ng narating ko. Ah, basta sobrang kota ako ngayon dahil lagpas sampung beses ata siyang dumaan-daan sa room. Hay. Smitten nga talaga ako.










