* BUHAY KO*
Nang ikaw ay dumating, Tila ako’y nahumaling. Nagkakilanlan, naging magkaibigan, nagkagustuhan, at nagkasumpaan.
Naguumapaw ang saya sa tuwing ikaw ay kasama. Hindi kayang tumbasan at hindi kayang palitan.
Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima na puno ng pagmamahal at ligaya. Ngunit, Biglang nagbago nung ako ay nagkolehiyo at ikaw ay nagtatrabaho. Ako’y nangangamba sa tuwing ika’y napapalapit sa iba. Na tila bang mas masaya ka sa kanila kaysa kasama kita.
Ako’y napaisip, baka ika’y magbago ang isip. Na ang dating sumpaan ay mapunta sa kawalan.
Ngunit sa kabilang banda ako’y panatag, dahil alam kong tayo ay matatag. Walang sinoman, ang titibag sa ating pagmamahalan.
Ikinagagalak kong makita ang iyong mukha na ubod ng saya, sa tuwing ikaw ay aking sinosorpresa.
Handa akong ibigay ang lahat sa akin. Huwag mo lang ako lisanin.
Binigyan mo ng kulay ang aking buhay. at ako ay umaasa na sana ito ay pang habang buhay.
Hindi ko kaya ang mawala ka, dahil umpisa pa lang ikaw ay ipinaglalaban ko na.
Hindi madali ang pinagdadaanan, pero alam kong ito’y malalapagpasan.
Hangga’t alam kong ako’y mahal mo pa rin, ikaw ay patuloy kong mamahalin. At kahit ako’y iyong lisanin, ako ay nandirito pa rin.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako ay patuloy na lumalaban. Mahal ko, Ang BUHAY KO.













