Sa Ikauunlad Ng Bayan, Bisikleta Ang Kailangan
Naikwento lang sakin ng mga magulang ko ito nung nagbibinata pa ako. Ito daw ang mga salitang di umano’y binitiwan ni Ariel Ureta noong kasagsagan ng Proclamation 1081 o Martial Law. Isang sentence na lumabas bilang isang joke sa “Bagong Lipunan” na nilunsad ni Macoy at madam Imelda. Nagmistulang galing kay Jobert Sucaldito sa bilis ng pagkalat ng chismis na pinatawan daw ng kaukulang parusa si Ureta sa pang-uunggoy da Bagong Lipunan may 39 years nang nakakaraan. Mula nung narinig ko ang kwento na yun, binagabag na ako ng isip ko sa mga katanungan tungkol sa martial Law… Talaga bang pinag bike si Ariel Ureta sa Crame bilang kaparusahan sa panggagago sa campaign nila Macoy? Totoo bang pinatigil ni Marcos ang Voltes V sa pag ere? Magwawalis ka nga lang ba talaga ng barangay bilang parusa sa oras na mahuli ka sa oras ng CURFEW? Gaano ba talaga kadami ang sapatos ni Imeldific? Crush nga ba talaga si Muammar Gaddafi ang Iron Buterfly? Peke ba talaga ang mga relong binigay ni Marcos sa Rolex 12, na sa kalaunan ay isa sa mga dahilan din ng pagkalas ni Manong Johnny at FVR? Bukod pa din ang mga katanungang… Ano na ang nangyari sa milyung-milyon, o kung hindi man ay bilyung-bilyong kaban ng bayan na sinasabing nakulimbat ng pamilya ni Apo? Nabawi ba ng PCGG lahat ng ito? Ano na rin nga pala ang nangyari sa kaso ng mga tinorture, ni rape, sinalvage, at mga taong bigla na lang nawala sa ilalim ng pamamaala nila? Play nga lang ba talaga ang nangyaring ambush kay Enrile, dahilan para magdesisyong patupad na ang Martial law? Ano nga ba ang buong detalye ng motibo kung bakit ipinatupad ang Martial Law? Kung sa bagay, may naidulot din naman sigurong maganda ang Martial Law. Malamang, walang Love Bus ngayon. Walang Heart Center, Lung Center, Kidney center at kung anu-ano pang center ang andiyan ngayon. Naging disiplinado din naman ang mga tao nun. Malamang, kung nauso ang Embassy Super Club, Republiq at kung anu-ano pang magagarbong nightout noon, ay siguradong nilalangaw yun dahil sa curfew. Pero yun nga lang, sa kabila ng maskarang nunu ng ganda, mas madami pa din ang medyo obvious at masalimuot na katotohanan. Ang opresyon, ang pagabuso sa kapangyarihhan, ang pag violate sa human rights, ang pandaraya, ang korupsyon, ang nepotismo, at madami pa. Sa tingin ko, parang si Freddie Krueger na di magmaliw-maliw ang multo ng Martial Law na hanggang ngayon ay bakas pa din at bumabagabag sa gilid-gilid at sulok ng Pilipinas. Ang nakakagimbal na nangyari sa Maguindanao, ang mga eskandalong mas malala pa sa Dovie Beams scandal na ginawa ni Ate Glo at ng asawa nyang parang may Lupus din sa kakapalan ng mukha na si Mike, gaya ng ZTE, fertilizer, PCSO, etc.. Ang laganap na pandaraya sa eleksyon. Ang pagkawala at pamamaslang sa mga manunulat. Ang tuloy-tuloy na paghihirap ng mga mahiirap. Ang pagabuso sa kapangyarihan. Bukod sa figure of speech, ay mukha nga talagang sinusundan tayo ng presensiya ni Macoy sa katauhan ng isang senador, isang congresswoman at isang governor. 39 years na ang nakakaraan sapul nang ideklara ang Martial Law. 25 years sapul nang matigil ang mahaba-habang panunungkulan ni Macoy. Sa tagal ng panahon, may nabago na ba talaga sa estado ng Pilipinas? 39 years na din ang legendary na bisikleta ni Ureta. Hanggang ngayon, ay hindi pa ito nagagamit para ikauunlad ng bayan. Matagal-tagal na ding nakatengga ang bike na yan. Mas maganda siguro kung gagamitin na yan ng kasalukuyang adminstrasyon. Tutal, mas matipid ito kaysa sa Porcshe, at mas mainam na gamitin sa tuwid na daan.






