The Wrong Mentality part 2
Karamihan daw sa ating mga Pilipino ay relihiyoso, may takot sa diyos, kasi nga Katoliko. Pero ginagawa nating parang ATM ang Diyos dahil sa mentality natin. Tinatakbuhan lang natin kapag may kailangan. Marami ang natatakot sumama sa mga prayer meetings o small groups kasi nga ayaw natin i-give up ang nakasanayan nating buhay o 'di kaya dahil nga makasalanan ka at nahihiya ka sa Kaniya. Please reflect as I present to you, the wrong mentality, part two...
Skip to the last part if you're not a fan of reading :P
Santa Claus Mentality - Ikaw ba 'yung may mentality na katulad ng kanta na "He's making a list and checking it twice, gonna find out who's naughty or nice"? Hindi ganon si God. Hindi porke't makasalanan ka ay hindi ka na pwedeng humingi sa kaniya. Hindi rin porke't sobrang bait mo rin ay lahat nalang ng hinihingi mo ay mabibigay agad. Ang hinihingi lang ni God sa'yo ay lapitan mo siya, ama mo siya at makipag relasyon ka sa kaniya by praying faithfully. Isapuso mo lang ang panalangin mo and make sure your intentions are good.
Slave or Servant Mentality - Nung bata ka ba ay madalas mong pini-perfect ang mga quiz mo para may ice cream ka? Nililinis mo ba ang bahay kapag gusto mo ng extra na baon? Anak ka ng Diyos, hindi ka niya alipin. Ano ang mararamdaman mo kapag may-ari ka ng Jollibee pero ang anak mo ay naglilinis ng bahay para lang makakain ng Chicken joy? 'Diba unecessary na ito?
Perfect Son Mentality - Dumating ba sa punto ng buhay mo na sinabi mong "Bakit mo siya binigyan Lord eh ako ang humingi? Mas mabait pa ako sa kaniya ah!! Mas pumupunta ako sa simbahan, habang siya ay hindi! Bakit wala pa akong natatanggap?" Madalas kasi binibilang natin ang mabubuting gawain natin...pero ang hindi mo naiintindihan ay kung bakit mo 'to ginawa. Kung ginawa mo ito for the intention na may hihingin ka lang, mali na agad. You don't have to impress God, anak ka niya at lahat ng sa Kaniya ay sa'yo rin. Just be humble and patient.
Everything that I wrote will be confusing if you're not a Christian. If you say you are, basahin mo ulet ang story ng THE PRODIGAL SON...(Luke 15:11-31). Kahit anong sama mo man, o clueless sa mga bagay tungkol sa Diyos, pumunta ka lang sa Kaniya at tatakbo siya sa'yo upang yakapin ka at ipagdiwang ang iyong pagbabalik. At kahit sa tingin mo ay binabalewala ka ng Ama mo sa langit, isipin mo lang na kung ano mang pagaari meron siya, pag mamay-ari mo rin yun. Higit sa lahat, magiging anak ka lang ni God kung tanggap mo rin ang kaniyang anak na si Jesus. Erase the old mentality, and start a real relationship with God. Amen? :)


















