1st National Congress for Youth and Laboratory Cooperatives
Page 217 of 365 (852015) Super aga namin nagising, apat kasi kaming maliligo e hahaha. Nauna si eba tas ako, himala nga kasi ang bilis namin natapos makaligo ni eba haha. Sunod si felsan tas si gaile. 😂 kumain na din kami ng almusal tas sumakay na lang kami ng kuliglig para dirediretso ang byahe. Hindi naman kami masyado nag antay sa lrt at mabilis lang ang byahe kaso hindi namin nakasama sila juvhie sa bus, sa 2nd bus sila kami sa pang last na. Katabi ko si eba haha. Puro asaran lang kami e, tas ang lamig pa. Nakatulog ako pero saglit lang. Medyo hindi rin ganun katagal ang byahe. Pag dating namin pinapasok na kami agad dun sa parang auditorium ng kapitolyo. Nahiwalay pa kami sa mga 4th yr, naunusan kami ng upuan haha. Bago nag simula may tumugtog na banda at ang galing talaga nila 😂 "Ala Eh Band" ung name ng band nila so 100% batangenio sila 😂 After nun may mga speaker na nagsalita, yung iba medyo nakakaantok talaga at napapapikit na lang ako. Tas busog din talaga sa pagkain, may pang almusal, tanghalian at meryenda, at libre lang. May kasama pang shirt. Mga hapon dumating din si Gov. Vilma Santos-Recto, ambassador pala siya ng cooperatives at ni-ppromote niya. All in all naging maganda naman ang seminar. May certificate din na binigay. Nagpicture lang kami pero hnd kami nakapag papicture sa mismong kapitolyo kasi nagmamadali sila sa paghanap ng bus, sadlayp. Konti tuloy ng pics namin 😢 Sa bus dun na kami sa bus kung saan si sir para naman sumaya si eba, tsaka sinabi na rin ni sir na dun na lang kami, tabi ko na si fels nung pauwi tas si chelay si gaile ang katabi, si eba at juvhie nagtabi tas pumwesto pa talaga malapit kay sir hahaha paraparaan ✌✌ Medyo matagal ung naging byahe pauwi may traffic na kasi, tas nag stop ever din ng 10mins siguro tas umalis na din. Sabay sabay kami nila eba, chelsy at fels kasimag oovernight pa sila samin haha. Grabe lang pag dating sa bahay pahingang bongga agad kasi super pagod at antok talaga. After kumain pahinga lang ng konti tas natulog na sila. Kami ni chelsy hnd pa agad natulog 😂😂😂 Masaya naman ang araw na ito kaso hindi talaga kami nakapasyal e. Di bale may next time pa














