Let Go.
Mahirap gawin pero worth it pag nagawa mo, eto din minsan yung sinasabi nilang “Leap of Faith” alam nyo yon? Yun yung gagawin mo yung isang bagay pero hindi ka sigurado sa kung ano yung kalalabasan, o kung ano mangyayari pagkatapos. Minsan kasi ang hirap i-let go ng isang bagay lalo na kapag sobrang mahalaga sayo eh. Yung tipong feeling mo pag nawala sayo yung bagay na yon, kalahati ng bumubuo sayo wala na?
Lahat tayo may bagay na pinapahalagahan, yun yung mga bagay na madalas may sentimental value sa atin. Pero paano kung kailangan na natin ibigay sa iba, or kailangan na natin pakawalan? Ang bagay madali lang ipamigay kasi madali lang palitan. Paano kung yung tao na mismo ang ile-let go mo? Kaya mo ba? Magagawa mo ba?
Hindi naman kasi yung tao yung ile-let go mo eh, ang ile-let go mo ay yung nararamdaman mo sa taong yon. Siya, matagal nang bumitaw pero ikaw nakakapit pa. Ikaw umaasang may pag asa pa, pero siya matagal nang nawalan ng pagasa. Let go, hindi mo lang alam nahihirapan din siya sa ginagawa mo. Everything happens for a reason nga diba? Malay mo pag pinakawalan mo yung feelings mo sa kanya parehas kayong maging masaya. Oo malulungkot ka sa una pero darating at darating din ang time, magsasawa ka kakaiyak dahil sa kanya at mas pipiliin mong maging masaya. Kaya kung ako sayo, let go of him/her. Oo mahirap pero kailangan kayanin, oo matagal pero kailangan lagpasan.














