Sana nagse-sex na lang yung pera sa wallet ko para dumadami sila.
Namiss ko bigla yung mga kaibigan ko. Hindi tulad ng dati na pagkatapos ng Summer break, kayo-kayo parin yung magka-kaklase/schoolmates. Iba na kasi ngayon. Dapat nga yung ganitong mga panahon tanungan na ng sections. Samantalang, ngayon “Saan ka na magc-college?”, “Anung course mo?” etc. Kaya nga lahat sana ng lakad namin gusto kong sumama, kaso yung pera ko yung ayaw makisama. [Sana nagkaka-pera tayo sa kaka-tumblr, facebook at twitter natin kaso hindi.] Kasi sa mga susunod pang-buwan at taon mahirap na mag plano ng “Get together” niyong magka-kaibigan. Kung meron man malamang sa malamang kadalasan hindi kompleto. Tapos dagdag mo pa diyan yung mga bago mong mame-meet na mga kaibigan. Back to zero na naman. Bagong impresyon at panghuhusga na naman. At siyempre continuation na naman ng Introduce yourself. Yung iba siguro excited kasi College na sila, pero ako? Hindi pa ata ako ready. Ganito talaga siguro pag magc-college, mas lamang yung takot mong iwanan yung mga nakasanayan mong kasama at gawin, kesa sa excitement mo sa mga bago mong mame-meet na mga tao at sa mga bagong adventures na parating.








