Ito ay dulot ng katuwaan namin ng aking mga minamahal na mga kaibigan sa tricycle kanina habang papauwi.
Isang malaking ka-echosan at kaartehan ko.
Isang kahihiyan sa aking pangalan ngunit dahil ako'y sanay na doon ay okay lang. Para namang malalapitan mo ko ng personal at masasabihan ng "hoy nakakahiya ka talaga" eh hindi naman tayo close.
P.S: madrama nga kasi toh!
P.P.S: maarte toh kaya kung hindi mo kaya ang aking kaartehan, CLOSE TAB NA YAN!
Ang mga lalaki, madalas nato-torpe. Natural lang naman 'yon sa kanila kasi nakakahiya nga naman mag-confess ka ng feelings sa babae. Nakaka-bakla diba? Pero iba na ang ka-torpehan ng mga lalaki sa panahon ngayon. Hindi na sila nanliligaw ng personal, okay na daw yung magka-chat at magka-text. Hindi na rin sila nagpapadala ng mga chocolates, roses at love letters (di tulad ng mga lalaki noon), okay na daw yung magka-chat at magka-text sila. Minsan nanliligaw na, hindi pa pinapansin sa personal yung babae. Okay na daw yung magka-chat at magka-text. Seryoso? Asan ang pagmamahal dun? Nasa keypad? Nasa keyboard? Nasa screen?
Ang mga babae kasi, gusto nila palagi silang tine-text ng manliligaw nila. Bakit? Kasi, bukod sa nalalaman nila yung mga ginagawa nung manliligaw nila (na mahal daw sila) eh pakiramdam nila, pinagkakatiwalaan sila nung manliligaw nila.
Ang mga babae, gusto nila pag online yung lalaki, china-chat sila. Bakit? Kasi sa dinami-dami ng friends niyang online, siya yung kinakausap at china-chat. Oh diba? Parang sobrang special mo. Feeling mo ang haba-haba ng hair mo.
Pero ang mga babae, ayaw nilang puro ganon lang. Puro sa text, puro sa chat. Kasi parang hindi naman nage-effort yung lalaki sa panliligaw sa kanya. Eh ano ba naman kasi yung mag-type sa screen ng cellphone mong touch screen? Ano ba naman yung mag-type sa keypad mong pudpod? Ano ba naman yung mag-type sa keyboard mong tumutunog-tunog? Napaka-simple diba? Kahit batang autistic, kayang gawin yung ginagawa mo
Ang mga babae kasi, gusto nila yung panliligaw sa kanila, old-fashioned. Yung tipong, binibigyan sila ng roses tuwing may okasyon o kapag trip ng lalaki. Ang romantic kasi ng dating sa mga babae kapag bigla silang binigyan ng lalaki ng rose o kahit anong bulaklak (dahil alam naman nating mahal ang rose XD).
Ang mga babae, gusto nila yung binibigyan sila ng chocolate o kahit anong pagkaing matamis. Likas kasi sa kanila yung pagiging matakaw (XD). Parang hindi sila mabubuhay (lalo na yung mga hyper) ng walang sugar sa katawan nila. Hoy! Masarap kayang kumain!
Ang mga babae, gusto nila mabigyan din ng love letter. Yung mga hindi masabi ng lalaki sa personal eh masabi dun sa letter. Hindi yung sasabihin sa text na "mahal kita kasi..." something na ganon. Mas ma-effort kasi yung sasabihin mo via letter kasi handwritten yon. Sobrang romantic ng dating. Hindi ka old-fashioned, hindi ka baduy, hindi ka korni, hindi ka bading, matapang ka.
Ang mga babae, gusto nila maranasan yung maharana. Kung iisipin, parang ang baduy diba? Sobrang makaluma na kumbaga. Nakakahiya din sa part ng lalaki, kasi kakanta ka (lalo na kapag hindi masyadong kagandahan ang boses XD), maririnig ka ng maraming tao (siyempre hindi lang naman siya yung makakarinig non). Pero kung mahal mo talaga yung kakantahan mong babae, bakit ka mahihiya? Malay mo sagutin ka bigla? Diba? ;)
Ang mga babae, gusto nilang maranasan yung naranasan ng mga nanay nila o ng mga lola nila nung nililigawan pa sila ng mga asawa nila. Nung mga panahong hindi pa uso ang text. Hindi pa uso ang facebook. Nung mga panahon na uso pa ang latang may sinulid. Uso pa ang mga liham na nakasulat sa mabangong papel. Nung mga panahong simple pa ang lahat at ang mga lalaki ay nato-torpe pero hindi dinadaan sa text at chat ang panliligaw.