Kapag nainlove ka sa bad boy...
1. Nagiging marupok ka. Isang ngiti lang nya, patatawarin mo na.
2. Nagiging plastik ka. Nanggigigil ka na sa galit pero di mo sya maaway kase alam mong anytime kayang kaya ka nyang iwan.
3. Nagiging psycho ka na. Ngayon masayang masaya ka, maya maya lang ngumangawa ka na. REPEAT.
4. Nagiging ARTIST ka. Wala kang kaalam-alam, magaling ka palang gumawa ng kanta, ng tula, pati pagdo-drawing at pag-arte. Walangya mo yan.
5. Nagiging bulag, pipi at bingi ka. Wala kang ibang nakikita kundi sya lang, di ka makapagsalita pag anjan na, at higit sa lahat, walang pinakikinggan, kahit sarili mo.
6. Di mo namamalayan, lumalabas na rin yung pagiging bad girl mo. *wink!*
7. Nagiging MASOKISTA ka. Duguan ka na, sige ka pa rin. MASARAP EH.
8. Di mo namamalayan, nagsusulat ka na pala ng UNSENT LETTERS. Marami kaseng bagay na di mo pwedeng sabihin sa kanya ng basta basta. Di mo sya pwedeng sabihan ng "I love you", kase pag ganun, asahan mo na ang reply nya na "Who u?" sa mga susunod na texts mo sa kanya. Kasi nga commitment-phobic ang mga gaya nya. Mga takot ma-inlove. Kala mo ikamamatay nila. Sheez.