A rare find view. #Mangrove #Bakawan (at Alibijaban, Quezon, Philippines) https://www.instagram.com/p/BwfSynMHO3I/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=16pu7riofbuah
seen from Malaysia
seen from China
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Russia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Netherlands
seen from China
seen from China

seen from United Kingdom

seen from Switzerland
seen from Poland

seen from Spain
seen from Spain

seen from France
seen from Germany

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Spain
A rare find view. #Mangrove #Bakawan (at Alibijaban, Quezon, Philippines) https://www.instagram.com/p/BwfSynMHO3I/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=16pu7riofbuah
The presence of a mangrove forest is said to be a sign of thriving and in good shape eco system #bakawan #whenincalaguas #withthefambam #summer2018 #memyselfandi #cometocamnorte (at Calaguas Island)
Make yourself a priority once in a while. It's not selfsih. It's necessary! 🍃 #GoodMorning #Bakawan
huling 5 araw ng ethos bathos pathos/ common space x swarm bibliotheque
March 10 Local Studies x Pag-iral (Survival)
Kung sa Dystopic Future Memory, nakapagprograma sa loob ng tatlong araw na binubuo ng apat na segment: survival, sustainability, ecology at resistance. Sinubukan sa common space x swarm bibliotheque na palawigin at palalimin pa ang mga naunang apat na bahagi sa pamamagitan ng pagprograma sa loob ng 5 araw. Ang unang segment tungkol sa survival ay katumbas ngunit hindi naman eksakto tungkol sa pag-iral. Sinubukang makipag-ugnayan sa mga kaibigang mananaliksik na nakasama sa kumperensya tungkol sa aghamtao. Binubuo ng tatlong paksa ang naging tampok sa pag-iral ang commons ay lahat ng may kinalaman sa mga studies center sa akademya, komunidad at iba pa. Sina cindy, Adrian at alex ay bahagi ng isang study group sa ilalim ng isang klase sa aghamtao na nakabase sa st. Louis university. May kinalaman sa iba’t ibang paksa tungkol sa Bahong, ang tinaguriang flower capital ng Pilipinas. Ang isa pang kasama sa umpukan ay si Kmar, isang iskolar mula sa zamboanga at institute of Islamic studies ng UP DIliman. Panghuli, ang sinubukan kong ibahagi ay tungkol sa Marindukanon Info Shop bilang bahagi ng rehiyong MIMAROPA na kaugnay ngunit bukod pa sa CALABARZON. Ang naging takbo ng usapan ay kung ano ang mga ginagawang pag-aaral o inisyatiba sa Cordillera, Southern Tagalog at Mindanao. Nagtalakay si Cindy tungkol sa media landscape sa Baguio kaugnay ng tugtugan sa radyo sa Bahong. Binahagi naman ni Kmar ang pinagmulan ng mga tao sa Mindanao. Gayundin, pinaliwanag ni Adrian at Alex ang kanya-kanyang interes sa Bahong, bagamat hindi taga-roon, ay sinubukan nilang makipamuhay at makibahagi sa lokal na kaalaman at pagpapakalat nito. Ang kasunod na palitan ay tungkol naman sa Asian Integration at ano ang usapin ng pagkawala o pananatili ng mga lokal na kaalaman sa bingit ng mga pagbabago sa ekonomiya, sosyo-kultural at panseguridad. Nagpahayag ng pag-aalala ang mga kalahok sa programa ngunit natapos ang palitan sa pagbibigay ng mga inisyatiba para sa susunod na mga gagawing pag-aaral tungkol sa mga lokal na pag-aaral sa Cordillera, Mindanao at maging sa Timog Katagalugan
March 11 Likas-Kaya x Autonomous Spaces
Kinabukasan, ang naging salin sa sustainability ay likas-kaya, imbis na ang mga lokal na pag-aaral, ang intensyon sana ay makasalamuha ang mga kaibigang nagpapatakbo ng mga autonomous spaces at Info Shop. Kagaya ng Greenhouse Info Shop at Kinaiyahan Unahon na naging Organic Minds x Maharlika Integral Emergence. Magsisilbi sanang dry run at test broadcast ng gagawin sa huling araw ng ARA discussion at virtual meet-up sa indonesia, Singapore, Taiwan at Japan. Ngunit nagka-aberya ang kuneksyon sa Bikol at Davao. Kaya sinubukan makahanap ng ibang kaibigan, buti na lamang available si Bong Sidlakdiwa mula sa Bacolod, Negros Occidental.
March 12 OIKOS: spaces in transition
Tampok ang transdisiplinaring pag-aaral sa kapaligiran at kabuhayan sa gilid ng metro manila kagaya ng Laguna, Rizal at Kabite. Nagset-up sina Andres Bukod ng interaktibong mapa ng mga laylayan ng tatlong sentrong urban ng Maynila. Gayundin ang ginagawa ni Astrid sa online na midya, nakapaskil ang mga preliminaryong impormasyon sa mga nasabing proyektong pananaliksik. Ang ikatlong programa ng Radyo Itim, katumbas ng ekolohiya ay tungkol sa ugnayan ng mga pwersa ng kapaligiran at kabuhayan ng mga pook na nasa hangganan ng Metro Manila kagaya ng laguna, Rizal at Kabite. Medyo, naiiba ito sa sitwasyon ng Marinduque bilang sentro ng rehiyong MIMAROPA, mas pareho ang pag-aaral sa industriyal na mga lalawiagan ng CALABARZON. Imbis na tubig ang nagsisilbing paggitan ay mga subdibisyon, barangay, konkretong kalsada at mga highway o expressway ang nag-uugnay at nagduduhsong sa laylayan ng metro Manila. Nagsimula si Andres Bukid sa pagpapakilala ng mga proyekto at maging ang mga kasamang mananaliksik. Kagaya ng karaniwang ayos o segment ng Radyo Itim, hinati sa ilang gement ang palitan at mga tugtog sa paggitan nito. Nagsimula sa istorya ni Andres Bukid ang kasunod na bahagi pagkatapos ng mga preliminaries. Inaalala niya ang kanyang pagkabata sa Rizal, ang pagtakbo sa malalawak na parang sa San Mateo at panghuhli ng palaka pagkatapos umulan. Gayundin binahagi rin ni Erik ang ilang isyu sa pagkuha ng permiso ay pagkabigo sa pagkuha nito. Sumunod, ang mga anektoda sa Kabite, tungkol sa pagkuha ng subdibisyon sinasabing 15 mins. lang ang layo sa Maynila. Pero hindi pala totoo.
March 13 DANUM x SIKAP
Pinakamalayo sa mga segment ng radyo Itim ang programa tungkol sa Pilipinolohiya at Araling Pilipinas dahil wala itong kinalaman sa mga usapang pag-iral ekolohiya o sustenabilidad. Bakit nasama o paano nagkaroon ng ugnayan ito sa Radyo Itim? Kagaya ng mga programa noong unang dalawang araw, tungkol sa mga lokal na pag-aaral (Pag-iral) at mga info shop (likas-Kaya), ang ikalawa sa huling programa ay pinagitaw ang mga transbersal na linya sa paggitan ng mga pribado at pampublikong institusyon ng pananaliksik at produksyon ng kaalaman. Ang tunguhin, kung gayon ay makagawa ng salalayan ng pag-imbento ng modelong walang blueprint. Sa isang banda, ang Dalubhasan ng mga Umuusbong na mag-aaral sa Araling Pilipinas (DANUM) ng Pamantasang De La Salle, dahil walang nakadalo mula sa organisasyong ito maliban sa akin, isinama ko na lang din si Nicole ang student intern ng Planting Rice mula sa Kolehiyo ng St. Benilde. Sa kanilang banda ang Sandigan para sa ikauunlad ng Kamalayang Maka-araling Pilipino (SiKAP) ng Unibersiad ng Pilipinas. Sa madaling sabi, ang interkasyon sa paggitan ng pribado (DANUM) at pampubliko (SiKAP) ang makakapaglatag ng modelo para sa bagong commons o multi-platform na outcomes. Sa simula ng prorgama, nagpakilala lang ang mga organisasyon, ano ang ginagawa at mga aktibdiad ng palagiang ginagawa. Sa bahagi ng DANUM, may dalawang pangunahing ginagawang aktibidad: ang peer to peer exchange o offline na palitan at info shop internship. Ang ginagawang regular na aktibidad ng SiKAP ay ang kanilang Salamyaan o pang-estduyanteng kumperensya tuwing Marso. Nagbabagi rin si Nicole ng ginagawa nila sa St. Benilde at gayundin ang mga myembro ng SiKAP sa mga potensyal na trabaho at paksa sa tehsis.
March 14 ARA skype meeting
Pinakamagaan ang huling progama ng RadyoItim, bagamat walang nakalahok mula sa Autonomous Rhizomes Asia. Nag-abiso ang kabigan natin sa Indonesia, Singapore at Japan ng interes, gayundin may taga Australia. Ang layunin sana ay maipagpatuloy at maisakatuparan ang mahabahabang usapin na tungkol sa journal ng ARA. Noong ikalawang programa tungkol sa Likas-kaya, sinibukan ang voice x chat na teknolohiya para maka-ugnayan ang mga kaibigan sa ibang lugar abot ng internet. Napakiusapan si dj shadow na padaluyin ang palitan. Dumalo rin sina Julius at asher ng mutual aid not charity para maplantsa rin ang mga detalye sa egress ng mga gamit. Gayundin online rin nakasama sina cha at lander ng Maharlika Integral Emergence mula sa Davao. Naging bahagi rin ang huling programa si DJ wasak dela rocha ng Philippine Anarchist forum at gayundin ang mga kaibigan mula sa Filipino Cultural Creatives sina Lanie at Luis. Mukhang ito ang hitsura ng convivial aesthetics at social sculpture. Nagsimula ang programa maliban sa pagpakilala at kamustahan ang naging take-off point ay ang nakarang autonomous spaces x info shop gathering wala pang anim na buwan nakakalipas. Nauwi ang usapan sa open space technology x appreciative inquiry. Pinalawak at pinalalim rin ni asher at dj shadow ang mga anarkista at anti authoritarian ng mga pamamaran o taktika sa pananliksik, galawan o pagkilos. Nagbigay rin ng mga reserbasyon ng pagbibigay at paglalagay ng label si dj wazak. Kinamusta rin ang MIE kung may mga update sa mga nabuong kolektibo sa nasabing pagtitipon-tipon noong nobyembre. Nagdadag rin ang MANC ng update sa sapangpalay. Nakibahagi rin ang FCC sa isapin ng open space at proseso, limitasyon nito.