Yung totoo, aliin-alin na dito nagawa mo? Ako kasi...
20 tips para dumamoves kay crush:
Ihulog mo lahat ng gamit niya. At kapag nainis na siya, sabihin mong “Lahat na kasi nahuhulog. Pwede ikaw rin, mahulog sa akin?”
Yayain mo siyang makipag arm wrestling. Arm wrestling lang ba talaga habol mo o sadyang makipag holding hands lang?
Mag simba ka kasama siya. Para kung Ama Namin na, instant holding hands na.
Kapag nanunuod kayo ng movie at magkatabi kayo, hawakan mo yung kamay niya at sabihin, “Ay sorry! Akala ko yung popcorn.”
Kapag tatawid kayo, chance mo ‘tong mahawakan ang kamay niya kahit sandali lang.
Pumunta kang mall kasama siya. Mag window shopping kayo at mag-tuturo ka. Kapag nainis na siya sabay nasabi niya na “Ang dami mo namang gusto!” sagutin mo ito ng “Bakit, selos ka?”
Tignan mo yung relo mo tapos tingin ka sa kanya. Sabihin mo, “Ako lang ba yun o tumitigil talaga ang oras pag kasama kita?”
Dumaan kayo sa simbahan tapos pumasok kayo sa loob. Kapag tinanong niya kung bakit, sabihin mo practice para sa kasal niyo.
Bigyan mo siya ng Century Tuna. Kapag tinanong niya kung bakit, sabihin mo, “Para ka kasing Omega 8. You’re good for my heart.”
Kapag wala kang regalo, ikiss mo sya bigla. Tapos sabihin mo, “Kung ayaw mo, ibalik mo na lang.”
Itext mo ang crush mo at sabihing, “Nastranded ako!” Tapos kapag tinanong niya kung saan, sabihin mo, “Sa puso mo.”
Tanungin mo kung gaano kalaki ang palad niya. Sabay ipatong mo din yung sayo para masukat ito. Oh diba, holding hands na naman.
Kapag kaklase mo siya, mag tanong tanong ka tungkol sa mga assignments. Hanggang sa mawala na usapan niyo ang assignments, ikaw na mag bigay ng mapag uusapan. Instant textmates na!
Manghiram ka ng ballpen sa kanya. Tapos kapag hindi niya ‘to hinanap, remembrance na yun pare.
Bigyan mo siya ng salamin sabay mag iwan ka ng maliit na note dun. “Dito mo makikita ang pinakamagandang babae sa mundo.“
Kapag may problema o malungkot siya, siguraduhin mong ikaw palagi ang nasa tabi niya sa mga oras na yun.
Hanggang sa maari, ihatid mo siya sa bahay niya dahil mararamdaman niya dito na ayaw mong may mangyaring masama sa kanya.
Kunwari may dumi sa balikat niya. Alisin mo ito at bagalan mo. Para kahit papaano, na-akbayan mo siya.
Matisod ka sa harapan niya sabay sabihin mong “See how I fall for you?”
Bilhan mo siya ng drink. At yung straw na hinigupan niya, dito ka rin uminom. INDIRECT KISS! WOHOOO!