Eto yung last step na dapat naming magawa/malampasan para maging member ng LSFDC (La Salle Filipiniana Dance Company). Pinaka di ko malilimutan sa tatlong araw na to yung mga games na dito ko lang nalaro like Human Barrel jusko ang bigat ni Mac, yung Star Gate grabe stresseme, yung stressball na nilublob sa toyo, patis, suka at kung ano ano pa basta ang baho ng balde tapos ipapasa pasa gamit ang bibig (nightmare to ng mga LC), tapos yung amazing race syempre. Lahat ng games seniors vs probees w cheer pa yon hahahaha ang pangit ng samin, aping api kami ng seniors. Tapos yung gutom na gutom na kami dahil sa kalalaro maghapon, bababuyin pa kami sa pagkain. Lahat kami halos ang daming sinandok na pagkain (kanin, tuyo at masabaw na monggo) tapos sinabihan kami bigla na magkakamay daw at susubuan yung katabi. Halos maiyak talaga ko dito, kawawa din yung mga katabi ng lalaki kasi need ubusin yung nasa plato ng magsusubo sayo. Tradisyon na to kada Midyear ng FDC kaya di ka FDC pag wala kang masalimuot na karanasan sa monggo. Tapos every morning dance dance lahat sa wake up call in the tune of Energy Gap ni James Reid hahahahahaha. Tas anjan din yung pinagdala kami ng mga pang pageant so lahat kami prepared, syempre ang twist ay mag ccrossdress. With so little time need namin magpakalalake at gawing babae ang mga lalaki namin right after namin gumawa ng graham na ijujudge ng mga seniors kasabay ng pag judge sa rampa namin.
Ang Finale at syang punto ng Midyear ay ang Induction. Huling gabi yon at past Lights Off na ng galit na galit na pumasok sa room naming probees yung mga alumni kasama mga seniors tapos sinigawan kami, pinagalitan at pinalabas. Wala kaming idea at wala naring bra yung iba pero sumunod kami malamang. Pinag blindfold kami at naglakad nang nakapila habang sumusunod sakanila. May pumalakpak sa harap ko sabay sabing sundan ko daw sya, ganun din nangyari sa mga batchmates ko. So sunod ako tas huminto na sya sa pagpalakpak and tinanong ako kung sino daw sya, syempre diko alam dahil naka blindfold ako kaya nagalit sya at sinigawan ako, tapos may lumapit na namang isa na pumapalakpak at pinapasunod ako, lalakad na sana ko kaso nagsalita yung nauna, bakit daw ako tumatalikod sakanya. Dalawa na silang nagagalit at pinapasunod ako, nakakatakot na nakakabaliw. Iba ibang tao (seniors & alumni) yung nalapit sakin at nag pagawa ng kung ano ano habang nakablindfold ako. Merong pinag jumping jack ako, pinatakbo on place, pinasigaw ng di magagandang salita against sa batchmates ko, pinakanta yung mga tugtog ng folk dance na alam ko, sinabihan ng paulit ulit na di ko deserve maging member at mag quit nalang ako, at kung ano ano pang pag sisindak at pang aapi. Naririnig ko sa paligid na nag iiyakan na yung ibang batchmates ko, yung iba nagsisigawan at pinag aaway nila. Sobrang overwhelmed na ako at parang sasabog na yung puso ko dahil ilang oras na kaming ganon at madaling araw na. Sa wakas tumigil na sila at pinagkapit kapit kami nang nakabilog. Paghihiwalay hiwalayin daw kami at ang matanggal sa bilog ay papauwiin na, evict na ganun. Kabado na kami lahat at may nag iiyakan na tapos ayun na nga hinihila na kami ng mga lalaki paalis sa bilog. Ang sakit na sa kamay at tatlong beses nila ginawa yon. Sabi nila may mga natanggal daw at pauuwiin na. Sa huling pagkakataon, nagulat ako nang sa halip na hilain ako sa bewang, binuhusan ako ng tubig at may yumakap ng mahigpit sakin, narinig ko na rin yung malakas na palakpakan at mga "Congratulations" at "Welcome" nila. Pag tanggal ko ng blindfold ko, niyakap ako ng senior buddy ko. Tumingin ako sa paligid, ang daming wala sa kabatch ko, lahat kaming probees na natira nag iiyakan at nanginginig na sa lamig. Shet we did it! Member na kami!! After mag moment at emote dun, panapunta na kami sa mga kabatch namin na nahirapan huminga at pinull out, tatlo ata sila or apat. Kinabukasan, first day namin bilang ganap na member ng La Salle Filipiniana Dance Company. Nag breakfast, nag bigayan ng mga funny awards naming new mem na exceptional sa mga bagay gabay buong midyear, binigyan din kami ng tshirts, nag picturan at nag uwian na.
Walang batch na sumunod samin dahil sa K-12. Naalala ko yung panghihinayang naming B24 dahil walang probees, di namin ma-exercise pagiging senior namin. At nung nag karon na ng first year ulet, naging maluwag na sakanila. Hindi na masyadong inuutusan, hindi na masyadong tinatarayan at minamalditahan, halos close na sila sa seniors kahit probees palang sila at hindi na malala yung induction nila at strictly hanggang 12am lang, lahat ng yon ay dahil kay Dad (CAO Coordinator) sobrang dali ng buhay talaga nila nakakaloka.