I just finished cycling from Pinagmisahan St. (White Cross) until Budgetlane-Golden Sunbeam. And here's what I learned:
--
1. Kaya ko palang mag-isa -- Haha! Lagi ko kasing kadikit ang partner ko when buying outside. Either commute or pahatid ng motor kapalit ng gas at pagkain :D So ngayon, nilakasan ko na lang ang loob na mag-bike nang mag-isa. I feel that, "Para saan ba't bumili ako ng bike? Diba nga para makatipid sa pamasahe?" Kaya habang wala ang partner ko at tulog ang junakis ko, I bike on my own. Hindi ako naka-shoes kasi wala akong medyas XD pero naka-helmet ako. Naks!
2. Hindi mawawala ang mga On-the-Spot Admirers sa daan. Para bang kakaiba sa kanila ang babaeng nagba-bike.. BMX pa lang ang gamit ko nyan, paano pa kung Mountain Bike na? Eh di gandang-ganda na kayo sakin? Haha! So kung meron sa inyo na mga babati na guys, wag na lang kayo magalit. Ngitian nyo na lang. Hanggang tingin lang naman ang maggawa nila. :DExcept sa mga super cat-called na talaga ha? It's a No-no!
3. May mga drivers talagang hari ng daan :( Wala ng tingin-tingin sa side-mirror. Sa tulad ko na nagsisimula pa lang lumabas-labas, syempre extra-caution ako pero ang pangit naman na tuwing may nakakakabang lusutan eh hihinto na lang ako at maglalakad. Imbes na tuloy-tuloy ang slow driving ko, dumadagdag yung takot ko na masugatan ako or makabangga ako kasi nga sila, basta ginusto nilang pumasok or mag-cut ng way mo, gagawin nila.
4. Sobrang crowded na talaga pala sa Antipolo. Bandang Licos Park ko nadama kasi diba parang Monumento yun na iikot ka pa.. nilakad ko na lang siya mula Gems Resort hanggang Budgetlane haha! Kasi parang iba't-ibang uri ng sasakyan ang makikita mo. Mapa-malalaking truck, P2P bus, mabibilis na motor, tricycle na mabagal, patok na jeep, kotseng impatient,... nakakatorete XD I'm afraid to go along kahit sa gilid lang ako kasi baka mamaya blind spot na ako sa kanila, tamaan ako bigla. Parang gusto ko tuloy maglagay ng side mirror sa bike at CCTV sa likod. Hahaha!
5. More than anything sa paglalakbay ko, there are still long-awaited motorists who have long patience sa mga beginner cyclist like me. Hindi nila ako basta ino-overtake-kan, nagbubusina sila to let me know na may sasakyan sa likod, So, alam nyo yun, kung lahat tayo eh pasensyoso sa kalsada, marunong tayong mag-sorry na lang sa pagkakamali kung anuman, disiplinado kasi hindi naman lahat ng kasabay mo ay Pro... siguro mas maiiwasan natin ang init ng ulo, demandahan sa presinto at malaking abala along the road..
--
Dagdag ko lang din sa kwento ko na yung jowa ko, nag-alala kasi nag long-bike ako, baka daw himatayin ako sa pagod kaya hinanap ako. Hinintay ako sa Vita Plus Product Center for 15mins tapos sa Ninoy Park na ako natagpuan. <3
--
And if any of you have seen me previously wearing a black shirt, black leggings with a blue helmet... Yes, that's me. Say "hi!" to me next time =)