July 07 ---- (The best gifts in life aren't 'things'.)
Siguro kahapon 'yung isa sa Best Birthday na dumaan sa buhay. Sobrang saya ko lang talaga, 'yung tipong 'di ko na alam kung may mapaglalagyan pa ba lahat ng sayang nararamdaman ko. Hanggang ngayon e ramdam na ramdam ko pa rin 'yun.
Gusto ko magpasalamat lalo na sa mga nakasama ko kahapon.
Kris. Salamat sa kasi nakalibre ako ng Wintermelon Milk Tea dahil sa Birthday card eme na binigay mo.
Star. Salamat sa letter Bits. The best ka!
Jay. Yow! Haha. Salamat Yatot sa regalo. Naks.
Paulyn. Salamat sa pagpunta Paulyn.
Chelay. Beh. Salamat sa rin sa pagpunta at pagpapagamit ng phone. Mehehe~
Mildred. Pot. Salamat kasi ang layo pa ng pinanggalingan mo para lang makapunta. Salamat. Kakatuwa lang. :'D
Jose. Big Man. Yun oh. Salamat sa pagpapasaya sa amin kahapon. Sa mga panggagaya mo sa mga housemates. Haha.
Rain. Ninong. Luh. Grabe ka. Akala ko may pasok ka tapos nagulat ako nandun ka. Bad. Haha. Maraming salamat Ninong.
Mako/Kim. Salamat Chocolates. Ang sarap eh. :) Sayang 'di ko na kayo naabutan. Salamat ulit.
Dave. Salamat sa 3 Cloud 9 Dave. Salamat sa pagpunta ah. :)
Salamat sa inyong mga nakasama ko sa Moonleaf kahapon. Sobra kong saya. Sobra sobra. Puchaaa. First time ko maranasan 'yun. First time na may gumawa sa akin ng ganun. First time ko ulit makaranas na may cake kasi bata pa ako nung huli akong may ganun. Taena niyo. Naiiyak na ako dito. :( Buti napigilan ko sarili ko kagabi. Hindi niyo lang alam kung gaano ako kasaya kagabi, para na akong sasabog sa sobrang saya. Kayo kasi eh, 'di ko naman alam na gagawin niyo 'yun. SALAMAT TALAGA. Ang swerte ko talaga't meron akong mga kaibigang tulad niyo.
Sa mga kaibigan ko na kahit na 'di ko nakasama.
Blue. Salamat sa pagpost ng ka-vain-an ko. Haha.
Kaye. Baves. Thanks ah. Todo effort. Salamat kasi mas nakilala pa kita. Kulit mo eh. JOWWWWWWWWWWWWWWK! :*
Danes. Kambal. Salamat. Sorry kung minsan e 'di ako nakakapagparamdam. Labyu Kambal.
Arianne. Hoy Aryana. Salamat ah. :) Labyu na. :*
Jullie. Salamat Ice Cream. :* Effort.
Byen. Bebe. Salamat ah. Sana magkita na ulit tayo. YAKAP!
EJ. Hoy Kupal na absent nung bday ko. Haha. Salamat EJ. Salamat. Marami ka ng utang sa akin. Haha.
Kurt. Parekoy. Salamat kasi kahit na 'di ka palapost ng ganun e gumawa ka para sa akin. Salamat. :D
Gusto ko rin pasalamat lahat ng mga bumati sa akin twitter. Facebook. Text. Tawag. At sa kung ano pang pwedeng pagbating ginawa niyo. Sobra kong na-appreciate lahat ng 'yun.
Sa mga kaklase ko na hindi ako pinauwi hangga't 'di ko sila nalilibre. Nagpapasalamat din ako kasi kahit papano e ginawa nila akong BOSS dahil nga sa nilibre ko sila. Taena lang. Ubos pera ko. Huhu.
Salamat sa kaklase ko na espren ko na espesyal ang naging regalo sa akin. Tunay ngang hindi materyal na bagay ang pinakamagandang regalong matatanggap mo sa buhay mo. Salamat kasi personal akong nabati ni Majane, kahit natameme at natahimik ko nung kaharap ko na siya, kahit na 'di na ako nakapagsalita at puro ngiti na lang. Kung alam niyo lang feeling nung mga oras na 'yun. First ko siya makausap ng kami lang. First time 'yun. :"> 'Yun 'yung mga oras na sinabi ko sa sarili ko na sana tumigil na lang ang oras, sana laging ganito kausap ko siya. :"""""> Sobra akong kinilig nung mga oras na 'yun. Puchaaa. Kung 'di lang ako inatake ng katorpehan ko eh. Pero 'yun, sobra kong saya dahil dun. Buong buo ang araw ko dahil kay Majane. :"D
SALAMAT. SALAMAT. SALAMAT.
Sobra akong thankful sa lahat ng nangyari sa birthday ko. Wala na ako masabi kundi SALAMAT TALAGA.
Kung alam niyo lang kung gaano ako nagpapasalamat sa mga taong nakapaligid sa akin, sa mga kaibigan ko at sa mga taong nagmamahal sa akin. Dahil sa kanila nananatili akong malakas. Mahal na mahal ko mga kaibigan ko. :D

















