“Love”
May ibang tao na masyadong pinabababaw yung kahulugan ng salitang “Mahal/Love”.
Ang sabi mo mahal mo, pero bakit mo sinasaktan?
Mahal mo pero bakit mo pinapaasa?
Mahal mo pero tinetake granted mo?
Mahal mo pero nagagawa mong lokohin?
First of all, kung mahal mo hindi mo magagawang lokohin kahit na sabihin nating hindi mo sinasadya, hindi mo sinasadyang lumandi at magpalandi sa iba. Kagaguhan diba? Pwede ba namang hindi mo sinasadyang mag entertain ng iba habang may jowa ka? Yan ba yung sinasabi mong mahal? Hindi mo sinabing may iba ka na kasi ayaw mo siyang masaktan. Tanga ka ba sa tingin mo ba hindi siya masasaktan kasi nagsisisnungaling ka? Kasi may mahal ka ng iba? At in the first place hindi ka naman maghahanap ng iba kung mahal mo siya talaga diba?
Tapos siya naman tong tanga patuloy pa rin nagpapakabulag sa salitang “mahal kita” kahit wala naman na talagang pag asa kayong dalawa. Kung pwede nga lang kasi pag nagmamahal ka gamitan mo ng utak wag puro puso. Hays!
Mas okay ng masaktan sa katotohanan kaysa sumaya sa kasinungalingan.












