How I passed the Board Examination for Psychometrician Blepp2019 (and some Tips)
I decided to take the board exam before my target year started. For example; if your target year is 2021, you should have made up your mind this year 2020 or at least 6months before your target year.
This could have Part 1 & Part 2 and so on if applicable, because I am going to attached my actual videos and pictures during my review for the board exam.
WARNING TAGALOG VERSION AHEAD!
Tip #1 Dapat desidido ka. Walang kahit anong hindrance ang pupwedeng makapag pahinto sa pag abot mo ng mga pangarap mo. Alam mo dapat yung goal na aabutin mo kasi kung hindi yan maliwanag, di ka fully motivated para maabot yan.
Tip #2 Dapat committed ka, once you declared that you are committed ACT COMMITTED, parang pag ibig lang yan pag may jowa ka dapat sya lang.
Tip #3 Be ready, ready ka dapat kasi ako September 2018 palang sinabi ko na sa bff (Bestfriend pareho kasi kami ng course pero not same ng school) na mag tatake ako ng board at kung gusto nya mag join. February palang ng 2019 nag enroll na kami sa RGO isang Review Center.
Tip #4 Mag try mag review, ang ibig kong sabihin kailangan mo hanapin kung saan ka komportable mag review. What I mean is, anong klaseng setting ka komportable? Ako kasi komportable ako sa mataong lugar. Gusto ko yung ambiance ng madaming tao at mukha silang mga professionals kasi mas naiinspired ako mag aral. Example? sa Starbs, o kaya sa mga study hub iba iba kasi trip ng mga tao may iba na gusto talaga malaki space, maingay, cozy, malamig, tahimik, may masarap na kape etc. So ikaw? San ka ba mas komportable? Pag nahanap mo na yun PROMISE SOBRANG LAKING TULONG non sa pag rereview mo :D
Photo was taken at Stream Concept Study Hub near UST check out their FB: https://www.facebook.com/streamconcept.studyhub/ ~ here you can have unli coffee, unli snacks, cozy ambiance, offers pillows & blanket, plugs per table, very cheap for board examinee and very recommendable wifi service. Check nyo nadin IG Story ko nakahighlight dun yung review ko sa Starbs or scroll down kayo dito sa Tumblr ko nandito yung mga time na nangangarap ako na makapasa haha IG: majcifra
Tip #5 Dapat palagi kang may bagong input dapat sa isang araw may mga bagong theory kang matututunan, kung natapos mo na yung buong libro ulitin mo uli sabi nga nila “Repetition is the key for long term memory”. Maaring nabasa mo nga pero naintindihan mo ba? Nakabisado mo ba? SOBRANG MAHALAGA PO NA DAPAT NAINTINDIHAN MO TALAGA YUNG BINASA MO :) Bali baligtarin man, hindi ka maliligaw! Hataw!
Tip #6 Gumawa ng Calendar para matrace kung anong rereviewhin mo kinabukasan. Para hindi magulo :) Tapos hanggat maari susundin nyo din sya, pero uulitin ko ha, KAILANGAN NAIINTINDIHAN ANG MGA NABABASA.
Tip #7 Alamin kung anong oras sobrang active ang brain nyo try nyo mag review ng iba’t ibang oras para malaman kung anong oras ba ang active brain mo. Bale ganto kasi yan, para mabalance mo one at a time ka lang kumbaga, kung may other errands ka na pwede namang i-isang tabi muna para maka review ka itabi mo muna, pero kung wala naman mag double effort ka sa pag aaral pero I suggest magsacrifice ka muna okay lang tumaba may in between yung pagtapos ng exam tsaka oath-taking so makakapag diet ka pa kung sakali. Basta importante makuha mo yung goal mo! Pawer!
Tip #8 Magpahinga. Magpahinga kung napapagod ka na, di tayo robot papi o kaya computer na input > process > output agad. Mahaba haba yung process part natin kaya wag mo masyado abusuhin, mag social media ka kung talagang gusto ng utak mo mag social media kasi kung pipilitin mong huwag gawin pero iniisip mo padin nako! walang papasok sa brain mo nyan, maging masaya ka dapat habang nag rereview. Always take a break, but of course be accountable.
Tip #9 Do not compare your process, wag na wag mo icocompare sarili mo sa buddy mo, classmate mo, friends, review seat-mate, o kahit kanino. Kasi mag kaiba kayo, TAYO. I remember nung nag rereview pa ko kapag na pepressure ako di ako napasok sa review center, WHY? kasi di ko ma process lahat don iniisip ko kasi andami ko pang di alam, kaya nag dedecide ako na mag aral mag isa. Nung nag rereview ako di importante sakin kung ano score ko sa mga drills, pre-board o kaya diagnostic exam ang importante sakin non yung bago kong natututunan. Kung napapansin mo nang kinukumpara mo na sarili mo sa iba o nag dadoubt ka na sa sarili mo take a break uli. Yang sarili mo lang at si God ang kasama mo sa mismong examination kaya magtiwala ka sa kaya mo.
Tip #10 PRAY the most powerfull sa lahat ng nabanggit na tips. Sabi nga sa Mark 11:24 “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin”. See how powerful his word is? Pero lagi mong tatandaan na Faith without ACTION is DEAD orayt? Magdasal ka pero mag review ka, at makakaya mo yan! Kapatid kaya mo yan onting push pa, makukuha mo din ang pin na pinaka aasam asam!
Hindi ko ma upload yung mga video ko dito pero I will upload nalang sa IG ko. Uyyy Goodluck ha wag matakot, kasi shempre hindi ka aabot sa part na to kung di ka natatakot. Kayang kaya mo yan! Grab your license na declare you are RPm year 20__. Yiiiieee! Stay hydrated!
Love,
Maj











