January 17, 2013
Unforgettable day. Bakit? Kasi, bukod sa birthday ko eh nasunog pa yung bahay namin. Almost 20 houses ang nilapa ng apoy, una yung bahay namin na natupok kasi sa likod namin nagsimula yung apoy. Wala kaming nasalba. Walang gamit na nakuha maliban sa aming mga sarili lang.
Pero, thankful ako kasi kahit wala kaming nasalbang gamit... kumpleto kami. Walang naiwan sa bumubulusok na apoy. Hindi ko na alam gagawin ko kung may naiwan akong kapatid sa bahay o kung may masasaktan man sa'min.
Sabi nga nila, birthday na birthday ko pa naman tapos nangyari yun. pero naniniwala ako na may kinuha man sa'min ang Diyos eh doble ang balik nun sa'min.
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng tumulong, sa mga gustong tumulong at nagdasal para sa'min. Malaking bagay yun para sa akin at sa pamilya ko.
Alam ko may plano ka Lord, hihintayin ko ang supresa mo!
Smile lang at tatag ng loob.
Nga pala, blessed birthday pa din kahit papano.










