Hindi ko po sinabi directly na gusto ko sya. Di ko alam kung magegets nya hahaha At saka nagsabi rin po dati kasi yung guy sakin na gusto nya ako. Kaya di ko na alam gagawin ko 😫 Mahihiya lang ako sa kanya kung sakaling makita ko sya kasi nasa iisang workplace lang kami. P.S. ako po yung anon na nagtanong kung aamin na po ba ako. 😅 Thank you po sa sagot nyo. Nagkalakas po ako ng loob.
Nag sabi naman siya dati eh. Maganda if magsasabi ka ng totoo kasi pipigilan mo ikaw lang rin mahihirapan. Parang utot lang yan eh. Isipin mo nauutot ka tapos pinipigilan mo masakit sa tiyan yan at masama kapag di na kinaya kakabagin ka hahaha Kakabahan ka naman sa pagibig, kakabahan sa mga bagay bagay, maguguluhan ka lang, di ka patatahimikin nito kapag di ka umamin. Pero nasa sa tao pa rin naman. May iba na kaya lumayo na lang, lalayo para makamove on, kasi alam naman na wala talaga pagasa. But pag may pag asa ka tuloy lang wag panghihinaan ng loob, pag ayaw niya sayo o may iba na tanggapin, pag tinaggap at gusto ka maging bukas puso at isip pa rin, baka kasi naawa lang o trip ka lang o gagamitin ka lang, mahirap na gawa dapat di ka masasaktan at magagamit dito. Payong kapatid lang okii?










