Sabi ng nanay ko, dapat daw tayong mga babae maging firm and proper. Yung tipong hihikab ka lang, dapat tatakpan mo ang bibig mo o kaya kapag nakaupo ka, dapat nakasara palagi yung hita kasi kapag nakabukaka daw, parang nagpapahiwatig ka sa lalaki ng, "Oh giliw, halika't pagmasdan ang bulaklak ng aking hardin." Bawal na bawal din tayong magsalita ng malakas o tumawa ng malakas, parang nagtatawag daw tayo ng kasarapan sa buhay. IYKWIM. Hindi din pwede yung takbong mabilis, actually, bawal tumakbo. Yung tipong kahit pasara na yung pinto ng mrt, hinay hinay ka lang na maglalakad at sasabihing, "Ay, sarado na" sabay sad face at takip ng bibig.
Well, sorry nay, dahil kung ganun ang description ng isang dalagang pilipina, adi dalagang foreigner ata ako. Kapag nahihikab o nababahing ako, sorry not sorry pero babahing at maghihikab ako sa harap mo. Mahirap mabitin sa dalawang yan. Malakas ako tumawa. Yung tipong akala mo, may kumukuskos sa lahat ng funny bones ko sa katawan. Parang mas nakakalandi yung hihihi kesa sa hahaha. Malakas akong kumain at ganun din sa pagdighay. Credit-debit. Balanse dapat. At higit sa lahat, hinding hindi mo ako mapapaupo na parang may iniipit na something sa gitna ng mga hita ko. Nagpapahiwatig na kung nagpapahiwatig, pero mas okay nang makaramdam ng preskong bulaklak kesa sa tago nga, nangungulubot naman sa init.
Oo alam ko, kailangan nating magpakadalagang pilipina dahil yun yung tatak natin. Pero nais ko ring malaman niyo na ang pagiging mahinhin o mahinhin kuno ay hindi basehan para sabihing mabuti kang babae. Maraming mahinhin ang hindi nakakapagtapos sa pagaaral dahil maagang na juntis, at maraming babaeng kalog ang nakakagraduate, with honors pa. Saludo ako sa ating mga ninuno na kung makafilipiniana, akala mo araw araw may SONA si Pnoy. Kaysarap nilang pagmasdan sa kanilang baro't saya with matching pamaypay sa bibig. Pero sa panahon ngayon, lalo na sa kasagsagan ng global warming, alas nwebe pa lang ng umaga at nakabaro't saya ka, baka nagmukha ka nang piniping tilapia. Okay na ako dito sa spaghetti strapped blouse at pekpek shorts ko.
Sorry nay. Labyu!














