Ano Ba Mga Natutunan Ko Sa 2014?
Konting oras na lang New Year na. Pabonggahan na naman ng fireworks at kung anu-ano pang paputok ang mga kapitbahay, kulang na lang magpagawa ng pabrika. Magtatapos na naman ang isang taon na puno ng kasiyahan, ka-yolo-han, katuwaan, katangahan, kalokohan at kung anu-ano pa. At dahil marami akong experiences at opportunities this year, maraming bagay rin akong natutunan na mas nagpahubog pa sa kung ano ako ngayon.
1. May mga bagay na sa una ka lang desididong gawin – Nakakatawang isipin na sa una masiglang masigla ako na magagawa ko lahat at desidido akong malagyan ng check mark lahat ng mga nakasulat sa listahan ko ng mga bagay na gusto kong gawin, ‘yun bang tinalo ko pa predictions ng PAG-ASA sa mga weather forecast. Pero, habang lumilipas ang mga oras at dumadaan ang mga araw, unti-unting hindi ko namamalayan na napapasawalang bahala ko na ‘yung mga bagay na sinabi ko sa sarili kong tutuparin ko kaya sa pagtatapos ng taon sa 10 kong isinulat, 2 lang ang natupad. “Bagong taon, bagong pag-asa, bagong simula, bagong buhay” ‘yan ang linyang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko kapag alam kong hindi ako naging successful. Hopefully, sa 2015 hindi lang ako sa una maging desidido.
2. May mga bagay na nagtatagal pa – For example, matagal ko ng gustong maging fit. Freshman pa lang ako gusto ko na ‘yan at ngayong fourth year na ako…gusto ko pa rin. Tagal ‘no? CHOS. Okay, seryoso na. Kung bitter ka at akala mo na wala ng bagay ang nagtatagal, pwes meron pa! Nasa atin na lang talaga siguro kung gaano tayo kadedikado na pangalagaan at seryosohin ‘yung bagay na gusto nating magtagal.
3. Talo ng tiwala ang kaba – Isang araw napag-tripan choir master namin na magpatayo ng estudyante na kakantahin ‘yung mataas na. Sa gulat ko na ako ang tinawag at nakatitig halos lahat ng tao sa akin kinabahan ako. Kinabahan ako dahil (1) S2 hanggang A1 ang voice range ko at alam ko na hindi ko kaya ‘yung pinipindot niya sa keyboard at (2) alam kong mapapahiya ako. Pero sabi niya magtiwala raw ako sa sarili ko. Bilang masunurin na mag-aaral (charot!) nagtiwala ako sa sarili ko at sa awa ng Diyos nakanta ko naman siya ng maayos.
4. Maraming mawawala kapag sobra dumepende sa iba – Ito na siguro ang isa sa mga pinaka kabog na natutunan ko ngayong taon. Marami akong nasayang na oras at pagkakataong napalampas ngayong 2014 dahil sa pagiging dependent sa iba. ‘Yung tipong okay na lahat at naiayos ko na kaso biglang hindi sila pwede kaya sa huli dehado ako. Hindi naman ako dating ganito eh pero hindi ko alam kung bakit ngayong taon naging dependent ako ng sobra sa iba. Sa totoo lang, ayos lang namang dumepende sa iba paminsan-minsan pero sa mga oras na sa tingin ko na kaya mong mag-isa mas mabuting ‘wag na lang dedepende sa iba para walang nadedehado.
5. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo – Pero pwede mo namang subukan! Kaso minsan kahit gaano mo paghirapan hindi mo pa rin talaga makukuha. Siguro dahil hindi talaga nakatadhanang makuha mo o baka naman may MAS pa sa gusto mo na deserve mo. Basta always do your best para at least kahit hindi ka naging successful masasabi mo na nagawa mo na ang lahat at wala ng regrets na sana ginawa ko 'yon, ginawa ko 'yan.
6. Iba’t ibang tao, iba’t ibang interpretasyon at pagtingin – Sabi nga nila “a picture is worth a thousand words” kasi iba-iba tayo ng interpretation at perspective sa mga bagay na nakikita natin. Minsan ‘yung okay lang para sa’yo, masama na pala ang dating sa iba na naaapektuhan na rin ‘yung pagtingin nila sa’yo tapos magugulat ka na bigla na lang magbabago pakikitungo niya ganung alam mo na wala ka namang ginagwang masama. Choice mo na lang kung magbabago ka para mabalik ‘yung dati mong image sa kanya o manatiling ganon pero lilinawin mo lahat.
7. Kasabay ng pagbabago ng panahon ang pagbabago ng mga tao – Bilang kabilang sa mga kabataan sa henerasyon ngayon, isa siguro ‘to sa mga common na napatunayan namin. Marami ang nagsasabi na ibang iba na nga talaga kami sa mga naunang henerasyon at totoo ‘yun. Hirap na rin kaming magpaliwanag kung bakit dahil wala masyadong makaiintindi kaya mas pinipili naming manahimik at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa amin.
8. Minsan mas magandang manahimik kesa magpaliwanag – Sa mga panahong down ako tapos may magtatanong kung bakit, hindi ko alam ang isasagot ko dahil nahihirapan din akong magsabi kung bakit nga ba kasi ako mismo hindi ko namin alam. Ang weird lang isipin dahil hindi naman ako ‘yung tipo ng tao na madrama sa harap ng mga tao pero ‘pag ako na lang mag-isa tsaka lalabas ang drama side. Tapos ‘pag gusto ko namang mag-share kasi hindi ko na kaya maghahanap ako ng kakwentuhan kaso nga lang hindi ko rin alam kung kanino. Ang gulo diba? Sa huli, mapagdedesisyonan ko na lang na manahimik at magwalang-kibo para makapagnilay at intindihin ang sarili ko.
9. Sa sobrang pag-iwas mo napapalapit ka na – May mga bagay ako na iniiwasan this year pero ‘yun nga, napalapit na rin ako. Ang gulo kung ia-analyze mo kasi ako rin hindi ko alam kung pa’no nangyari ‘yun. Kakahanap ko ng way para makaiwas ‘yung mga “way” pala na ginagawa ko ay daan patungo sa bagay na iniiwasan ko. Naguguluhan ka ba? Ako rin eh. Pero believe it or not, natutunan ko ‘yan ngayong taon.
10. Iba ang mood ng karamihan pagsapit ng 12mn hanggang 3am – Napatunayan ‘yan ng twitter! ‘Pag walang pasok o break sa school, isa ako sa mga wagas magpuyat. Twitter dito, twitter doon. Basa ng tweets, favorite, retweet. Kung isa ka rin sa mga nagpupuyat masasabi mo na mas lumalabas ‘yung totoong side ng isang tao kapag 12mn na. Senti tweets na kasi ang karamihang lumalabas sa mga ganung oras. Hindi mo naman masisisi dahil tahimik halos ang kapaligiran at walang istorbo, tulog din mga tao kaya walang magja-judge sa’yo kung ano man ang i-tweet mo o sabihin mo (account mo rin naman ‘yun). Sa panahon ngayon, isa na siguro ang twitter sa mga best friend ng karamihan dahil doon, freedom kung freedom. Walang pakialamanan.
11. Kapag nag-assume ka, be open sa possibility na masaktan ka – Kaya nga assumption ang tawag kasi walang kasiguraduhan, walang final answer. Maaring 'yung assumption mo tama o mali. Basta keep in mind na sa bawat assumption 50:50 ang chance na matutuwa ka dahil tama at malulungkot ka dahil mali.
12. 'Wag agad-agad aasa – Hindi lang "UNLITXT10" ang valid for one day. Pwede ring 'yung mga katagang "I am always here for you", "Di kita iiwan", "You can always count on me", "I love you", "Ikaw lang talaga" etc. ang valid for one day. Pabago-bago ang takbo ng utak ng tayo kaya 'wag agad agad aasa kung alam mong hindi ka pa handang masaktan.
And to sum everything up, masasabi ko na ang 2014 ay isa sa mga taong hindi ko makalilimutan at tumatak sa aking puso’t isipan. Naging mabilis ang takbo ng taong ito pero ito na yata ang pinaka-yolo kong taon so far. Ikaw, anong mga natutunan mo sa 2014? Have a Happy New Year!!









