Kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo hayaan mong mahalin kita.
Medyo Mapagmahal
we're not kids anymore.
No title available

Product Placement
art blog(derogatory)
No title available
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

Kaledo Art

❣ Chile in a Photography ❣
will byers stan first human second

blake kathryn

Kiana Khansmith
taylor price
No title available
Misplaced Lens Cap
noise dept.
trying on a metaphor

Love Begins
Sweet Seals For You, Always
styofa doing anything

seen from United States

seen from Germany

seen from United States
seen from Spain
seen from United States

seen from Canada
seen from United Kingdom
seen from Brazil

seen from Russia
seen from United States
seen from Brazil
seen from United States

seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Germany

seen from Netherlands

seen from United States
seen from United States
Kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo hayaan mong mahalin kita.
Medyo Mapagmahal
Hinahanap pero hindi nakita.
Saan ko natagpuan? Kapiling ng iba.
Sana dumating 'yung araw na hindi na ikaw ang hanap.
Medyo Random
2:25AM | N&R
Sa totoo lang hindi ko na alam kung bakit iniisip pa rin kita;
Kung bakit namimiss kita.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong makapiling ka, makasama ka, yakapin ka.
Gusto kita.
Hindi ko man masabi ng harapan pero hindi ako magsasawang iparamdam;
Iparamdam sa'yo na ikaw lang; na ikaw pa rin.
Ikaw 'yung bumubuo agad sa araw kong magsisimula pa lang.
Ikaw 'yung tinig na gusto kong marinig na kahit paulit-ulit hindi ako maririndi.
Ikaw 'yung apoy na nagpapainit sa damdaming namanhid na sa lamig.
Ikaw ang pag-ibig.
Ikaw magmula noon.
Ikaw hanggang ngayon.
Ikaw ang tinatangi ko.
Sana ganon din ako para sa'yo.
hiatus
Okay ka lang?
Sasaktan ka nila, pero ayos lang, ganon naman talaga.
Sasairin ka nila, pero ayos lang, kinakaya pa.
Iiwan ka nila, pero ayos lang, may darating namang iba.
At sa pagtatapos ng araw, may tanong na maiiwan sa iyong isipan,
"Ayos lang ba talaga?"
Kinaya ko ba? Oo. Kakayanin ko pa ba? Siguro.
Medyo Pagod
Ulit-ulitin mo sa sarili mo na lahat ng naganap ay pagsubok lamang at hindi hudyat ng pagkatalo o pagkabigo.
Medyo Random
Baka sa paghangad mo ng “iba pa” ay makalimutan mo ‘yung mga bagay na nandito na.
Medyo Windang
Gawa, Hinga, Pagkatapos Pahinga.
Dumating nanaman ang panahong naiipit ka
Sa kung ano nga ba ang dapat pairalin; tiyaga o pahinga?
Sa kung ano nga ba ang dapat sa utak ay ulit-ulitin; “suko na” o “kapit pa”?
Dumating na naman ang panahong 'tila ang pagpili ng isa sa pagitan ng dalawa ay maaaring magkulang o sumobra.
Malinggit-linggit na kinakain ng sistema ang iyong isipan;
Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan.
Naghahanap ng sagot sa mga tao, mga bagay na nakikita, at sa kapaligiran
Isa...dalawa...buntong-hininga, naghahanap ng makakapitan.
Namulat ka sa mga katagang,
"Less walwal, more aral",
"Acads is life",
"Laude bago lande",
At sa mga tanong na,
"Isang gabi o isang taon?",
"Bagsak katawan o bagsak grades?",
Pero mas marami pa ata ang katumbas ng "minsan" sa mga pagkakataong inisip mong magpahinga o magpakasaya.
Sa pag-iisip kung paano makaaahon sa dagok na hinaharap,
Napaguhit ka ng mga hinuha patungkol sa kinabukasan,
Senyales na dulot ng mga nakalulungkot na kaganapan;
Na tila para sa iyo ay huli na at hindi na maaagapan:
Markang katumbas ng wala sa pagsusulit,
Propesor na tila sa literal na hinulog ng langit,
Mga asignaturang "pa-major" ayon sa karamihan,
At mga kaibigang 'di sinasadyang napalayo dahil katulad mo, sila ri'y humaharap sa hamon ng kinabukasan.
Pero, kaibigan, kahit na panandalian pilitin mong limutin muna ang lahat;
Isang araw, isang oras, o kahit labintatlong minuto,
Sarili mo muna ang isipin mo.
Magtiwala ka, hindi ka agad babagsak dahil dito.
Para sa'n pang mga matataas na marka kung ang kalusugan mo'y naiaalay na?
Katawan mo'y mas bagsak pa sa halamang nalalanta;
Pagod nang mag-isip at gumalaw pa;
Na tila isang tulak na lang ng nakababahalang gawain ay literal na bibigay ka na.
Magbigay ka ng sapat na pagod at ilaan ang natitirang lakas sa ibang bagay;
Mga bagay na napasasaya ka, na bumubuhay sa isipan mong pagod na.
Magpakasaya ka dahil ito'y naaayon lamang sa lahat ng pagod, hirap, at pawis na nailaan mo na.
Gawa...hinga...pahinga.
At pagkatapos mong mag-ipon ng lakas,
Bumalik ka.
Balikan mo ang mga naiwan na gawain nang may sapat na inspirasyon at lakas
Nang sa gayon ay mas makabuluhang likha ang iyong maibubunga.
Gawa, hinga, tapos pahinga.
Sa tamang panahon at pagkakataon,
Kapag isinama sa sistema ng pag-aaral ay magdudulot ng maganda.
At sa huli, masasabi mo sa sarili mo,
"Hindi lang ako basta nag-aral para makapagtapos. Masaya ako."
Sa huling pagkakataon, sige, umasa ka sa "pwede pa". Pero kapag nasaktan ka ulit tangina, brad, itigil mo na.
- Medyo Tanga
022817
Ibalik nating ang mga panahon kung kailan ang pagtula, paggawa ng akda, pagtanghal, at pagkanta ay hindi pa nawawala sa aking sistema.
- Medyo Random
Gunamgunam ng Alas Tres ng Hapon
Sa ngayon hahayaan muna kitang masaktan, hayaan muna natin ang mga sarili nating masaktan. Para matuto tayo. At kung humantong na tayo sa sandaling ayos na ang lahat, tsaka tayo magmahalang muli. Kung kaya pa natin. Kung gusto pa natin. Kung mahal pa natin ang isa’t isa;
- M. R. // 3:30PM
Kapag Iniwan Ka Na Niya
Kapag iniwan ka na niya ‘wag mo na siyang habulin pa. Hindi maiibsan ang sakit ng mga salitang nabitiwan niya kapag lumingon siyang muli sa ‘yo. Hindi iinit muli ang nanlamig na damdaming sa puso niya'y bumabalot. Kailangan mong tanggapin na wala na, na tapos na, na kailanma'y hindi na muling maibabalik pa.
Kapag iniwan ka na niya at hinabol mo siya’t naabutan mo pa ‘wag kang magmakaawa. Bagkus ay magpasalamat ka dahil sa wakas ngayon hindi ka na nakatali sa maling lubid. Magpasalamat ka dahil malaya ka na. Magpasalamat ka dahil may pagkakataon ng muli upang matagpuan mo ang taong karapat-dapat na ibigan ka.
Masakit maiwan ngunit mas masakit ang mamuhay habambuhay sa mapanlinlang na pag-ibig. Darating ang panahon at maiibsan din ang sakit, maghihilom ang sugat, at matutuyo ang luha. Darating ang panahon na magiging maayos ka rin. Darating ang panahon na ang walang hanggan na napunta sa wala ay muling magsisimula…pero sa pagkakataong ito iba na ang iyong kapiling.
Kapag iniwan ka na niya ngunit mahal mo pa rin siya, kamuhian mo siya. Kahit labag sa kalooban mo kamuhian mo siya. Palitan mo ng galit ang natitirang pag-ibig kahit na saglit. At sa mga oras na iyon unti-unting mag-iiba ang iyong nararamdaman para sa kanya.
Huminga ka. Malalim. Ipikit ang iyong mga mata At mag-isip.
Puso mo pa ba ang umiibig o ang utak mo na lamang? Mahal mo pa ba talaga o iniisip mo lang na mahal mo pa dahil nasanay ka? Mahal mo siya, Eh ikaw, mahal ka ba?
Ang sagot, hindi na. Kaya sa mga oras na ito ‘wag mo nang ipilit pa. Maaaring mahal mo pa siya pero siya tapos na. Masaya na siya sa piling ng iba.
Hindi ka na niya mahal. Ang apoy ng dati ninyong pag-ibig ay namatay na. Ang musikang nagsisilbing tagusan ng pag-ibig ninyong dalawa noon ngayo'y ingay na lamang. Ang dating “Mahal kita” ngayo'y naging “Paalam na.”
Ang dating “Hindi kita iiwan” ngayo'y “Kailangan ko nang lumisan.” Ang dating umagang puno ng pagmamahalan ngayo'y ordinaryong araw na lamang. Ang dating “kayo” ay naging “siya at ikaw” Ang dating walang hanggan ay nagkaroon na ng hangganan.
Kapag natapos ang talata at mahal mo pa rin siya, Manalig ka sa Kanya. Dahil kung kaya kang sukuan ng taong lumisan, Siya'y hinding hindi ka bibitawan.
Dyamante
Isa na siguro sa mga pinakamasasakit na bagay sa mundo ay ‘yung alam mong handa ka na pero bumigay na siya. 'Yung kaya mo nang ibigay lahat kaso nainip na siya. 'Yung kaya mo nang magmahal ulit…ng buo; kaya lang nung oras na dapat sasabihin mo na siya na ang itinitibok ng puso mo nakahanap na siya ng iba. Huli na pala ang lahat. Wala ng pag-asa. Kaya nanamnamin mo lahat ng sakit. Iisipin mo lahat ng mga oras na nasayang. Iiyakan mo siya at 'yung mga oras na dapat sana masaya kayong dalawa. Tangina. Tanga ka.
Hindi iniiyakan ang taong sumusuko. Alalahanin mong siya ang natalo at hindi ikaw dahil siya ang sumuko.
Tumahaan ka at magpasalamat kasi siya na mismo ang umalis at ngayon pa lang nalaman mo na kung hanggang saan niya kayang maghintay sa'yo. Tumahan ka kasi siya ang nagsayang ng oras at hindi ikaw. Sinayang niya ang pagod niya kasusuyo at kahihintay. Para kang dyamante na malapit na sanang mahukay mula sa kailailaliman ng lupa pero dala ng pagod ay natigilang makuha. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi para sa kanya ang dyamante. Hindi ka para sa kanya. Kaya maging masaya ka dahil hindi ka napunta sa kamay ng maling tao.
Alalahanin mo, ang dyamante kapag pinaglaanan ng oras hanapin ay matatagpuan. Maghintay ka at mag-abang. Hayaan mong matagpuan ka ng taong ituturing kang kayamanan kapag nakita ka; hindi ipaaagaw at hindi ipamimigay. At sa mga oras na 'yon marahil sasaya ka na;
Sa Crush Kong Singer
Sa kalagitnaan ng pakikipaglaban upang makalimot sa nakaraan, natagpuan kita.
Tadhana nga naman at nalaman kong nagpahimakas ka na rin sa huli mong sinisinta
Kaya noong gabing nakasalamuha at narinig kita
Ninais kong tuluyan nang umalpas sa rehas ng dating pag-ibig na ibinasura.
Nabighani ako nang marinig ko ang unang bahagi ng kanta
Na tila musikang bumuhay sa puso kong nahihimbing at nahihimlay.
Nagkakulay bigla ang sansinukob sa pagkakaalala ko
At nagningning ang buong paligid dahil sa tinig na nagmula sa mga labi mo.
Dumaan ang mga araw at gabi at tila bago pa rin sa aking gunita ang lahat.
Nahiwagahan na ako ng tuluyan at nabalot ng silakbo ang aking isipan
Sa kagustuhang muling makasama o kahit makita ka man lang sa kalayuan.
Kaya’t patuloy ang pagsumamo ko sa kapalaran na sana’y pagtagpuin tayong muli at doon na tuluyang magkakilanlan.
Magkalayo man tayong dalawa at kahit alam kong hindi ka abot-kamay,
Sa isipan ko naman ika’y naninirahan.
Baduy mang isipin o paniwalaan,
Ikaw ang tanging liwanag na nakita ko sa gitna ng kawalan at kadiliman.
Ikaw ang muling nagbigay kahulugan sa mga salitang “pag-asa” at “masaya.”
Ikaw ang tono na bumuhay sa dating tula na naging musika.
Ikaw ang apoy na muling nagpainit sa puso kong nanlalamig.
At ikaw na rin sana ang maging himig ng pag-ibig.
Patawad dahil alam kong lubhang napakabilis ng bugso ng aking damdamin,
Na isang araw ay narinig ka lang at ako’y nabighani.
Pero sana’y huwag kang mag-alangan dahil wala naman akong balak na gawin.
Sapat na sa akin ang pasimpleng silip at ang tanging nais ko lang ay masilayan ka kahit saglit.
Hindi ko na pangangaraping mapunta pa sa kung saan ang simpleng paghanga
Kaya idaraan ko na lang sa tula ang mga batid kong ipaalam,
Salamat dahil sa’yo ay patuloy akong nakawala sa yapos ng aking nakaraan.
Salamat dahil nakahanap ako ng inspirasyon sa tulad mong minsan ring nasaktan.
-M.R.
Sa Pagitan ng “Paalam” at “Pahiram”
Natagpuan ko ang sarili kong muli,
Nag-iisip, nagtatanong, nagmumuni.
Tama nga bang manatili ka pa sa aking tabi?
Ganung ikaw na mismo ang may nais umalis at umiba ng gawi.
Sinagot ko ang sarili kong katanungan at “oo” ang aking sinambit.
Marahil hindi na nga tama na sa piling ko’y manatili ka pa,
Na sa piling ko’y manirahan ka,
Na ang “mahal kita” ay paulit-ulit na sambitin pa.
Marahil ito na ang oras na iyong hinihintay:
Ang oras na ang pahintulot kong ika’y kumalas na ay aking maibigay.
Paalam na lamang ang huli mong binanggit
Wala man lang pasalamat o kahit huling sambit ng mga salitang minsan nating pinagpalitang bigkasin.
Dalawang salita, siyam na letra,
Ganun nga bang kahirap para hindi mo na muling sabihin pa?
Nais ko lang naman na sa huling pagkakataon ay marinig ang mga salita
Habang ang mga mata mo ay sa aking mga mata ri’y tumatama.
Pero katulad nga ng sinabi ko, mahal.
Pinararaya na kita.
Pero hindi ibig sabihin ay binitiwan na kita.
Pinararaya kita dahil alam kong sa akin ay hindi ka na masaya.
Pinararaya kita dahil sabi mo na nahihirapan ka na.
Pinararaya kita dahil pakiramdam mong ang dating mainit na yapos sa pagitan nating dalawa ay nanlamig na.
Pinararaya kita dahil para sa’yo ang ating walang hanggan ay patapos na; na ang tatapos ay ikaw mismo pala.
Pinararaya kita dahil sabi mo hindi ka na masaya.
Pinararaya kita dahil sa lakas ng sigaw ng puso mo sa pangalan ng iba.
Pinararaya kita, mahal.
Pinararaya kita dahil mahal kita.
Pero uulitin ko sa huling pagkakataon.
Pinararaya kita, pero hindi ibig sabihin ay binitiwan kita.
Kung pahihintulutan mo ako sa aking hiling
Nais ko lamang na kahit ngayon na lamang ay marinig mo ang aking mga saloobin.
Mahal, sandali. Sandali lang.
Pahiram ng kaunting oras, pahiram ng isang saglit.
Kahit isang saglit, mahal, makinig ka.
Pakinggan mo ang boses ng taong inibig mo noon na hanggang ngayo’y iniibig ka.
Mahal, mahal kita.
Mahal pa rin kita.
Ikaw pa rin ang hinahanap ko sa tuwing gigising ako sa umaga
At ikaw rin ang huling dalangin ko kapag ako’y hihiga na sa aking kama kung saan hinehele kita gamit ang malaanghel na musika.
Ikaw ang tinta na humahalik sa aking papel sa tuwing ako’y gagawa ng tula dahil mahal, ikaw ang laman at ang inspirasyon ko sa bawat obra.
Ikaw ang hangin na sa aki’y bumubuhay.
Ikaw ang liwanag sa madilim kong tulay.
Ikaw ang init sa apoy ng pag-ibig na sa puso ko’y namuhay.
Ikaw na sana ang habambuhay.
Sa pagitan ng paalam at pahiram mahal nakatayo ako.
Litong-lito sa kung anong daan nga ba ang dapat na tahakin ko.
Sa paalam na tuluyan ng magtatapos ng walang hanggang ating ipinangako?
O sa pahiram, kahit na alam kong hindi na ako ang isinisigaw ng puso mo?