Choose the Better Things, Choose Don Bosco Makati. Ang Departamento ng SHS sa Don Bosco Technical Institute of Makati ay isa sa mga nagniningning na mga paaralan dito sa Lungsod ng Makati. May mga alok na programa ito na tinatawag strands na kung saan mayroong, STEM, ABM, HUMSS, at Arts and Designs Track na kung saan ito ang mga pagpipilian nila upang makatulong sa kanilang kukunin na kurso sa pagtungtong sa kolehiyo. Ang STEM o Science,Technology, Engineering and Mathematics Strand ay ang pipiliin kung gusto mo mas mapalawak ang kaisipan sa asignaturang Science at Mathematics na kung saan madami kang matututunan dito at malaki ang tulong nito pagdating ng kolehiyo. Ang ABM o Accountancy, Business and Management Strand na kung saan kung ikaw ay isang hilig sa mga negosyo, ay ito ang piliin mo upang mas mapalawak ang iyong kaisipan kung paano magkaroon ng magandang negosyo sa buhay. Ang HUMSS o Humanities and Social Sciences Strand ay naka disenyo para sa mga patungkol sa batas, pamamahayag, liberal arts, at iba pang mga kurso na nauugnay sa agham sa lipunan sa kolehiyo, dito mas mapapalawak ang kaisipan mo sa nangyayari sa ating bansa at maging bukas isip sa bansang ito. Ang Arts and Design Track naman ay isa sa mga strand na kung saan dito ang mga nais ipahayag ang mga kanilang sarili sa malikhaing paraan, ito ang para sayo kung gusto mo mapalawak ang kaisipan mo sa mga instrumento, sining, at iba pa. Hindi lamang ito ang nasa Departamento ng SHS dahil meron pa itong “specialized subject” sa bawat strand tulad na lamang ng STEM na kung saan pipili sa mga ito tulad ng robotics, automotive, at iba pa, ngunit sa ibang strand ay meron din na iba sa iba’t ibang strand. Sinisigurado ko na sa kahit anong strand ang piliin ng estudyante ay malaki ang maitutulong lalo’t na dito sa paaralan na ito ang Departamento ng Senior High School. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa aking buhay. Sa pagpasok ko palang sa paaralan na ito ay may iba’t ibang barayti ng oportunidad na makakatulong sa inyong sarili sa pamamagitan ng mga talento na hindi mo alam na mayroon ka palang ganon, at sa ating kapwa mamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan at iba pa. Isa sa mga Isang karanasan ay ang pagpasok sa audition sa sariling banda namin upang maipakita ang aming pinagpraktisan na mga kanta sa mga manonood. Ang mga oportunidad na ito ay libre at sa dinami-dami ng oportunidad na ito ay marami kang matututunan at alaala na dadahilhin mo habang buhay. Sa departamentong ito, may iba’t ibang mga moral at etikal na kahalagahan na dadalhin at gagamitin sa pang habang buhay. Isa sa mga linyang hindi ko malilimutan sa paaralang ito ay ang “Do your duties extraordinarily well”, ang natutuhan ko dito ay sa bawat gawain na ipinapagawa ay magisip ng di naaayon sa karaniwan, mas gawing malikha ang bawat gawain sa iba’t ibang asignatura upang mapahusay ang ating malikhaing kaisipan. “Forming Good Christians and Upright Citizens.” - Don Bosco