Bosconian Culture
Nung buwan ng marso 2020, Hindi ko inaakala na magkakapandemya at titigil ang face to face na mga klase sa Don Bosco Makati. Dahil naalala ko dati bago mag pandemya ay napakadaming magandang nangyari at madami itong nabigay sakin na mga aral simula nang bata pa ako tulad ng Run, jump, shout, but do not sin, choose the better things at marami pang iba na nakatulong ito sa akin na maging mas mabuting Kristiyano at hindi matukso. At dahil sa paaralan na ito ako ay mas naging mabuting tao, hindi lamang sa labas kundi sa loob na din dahil sa mga guro ko na ginagabayan ako at tinuturo sa akin kung ano ang tama at mali. At ang nakakaiba sa Don Bosco Makati ay hindi lamang relihiyon ang tinuturo, kundi mga techniko na nakakatulong sa mga gusto mo sa kinabukasan.
Ang Don bosco technical Institute of Makati ay hindi binabaan ang aking mga inaasahan pagdating sa espesyal na mga okasyon at mga diwang tulad nang ating opening of classes, gagawa sila ng paraan para maging entertaining at intriguing ang mga estudyante ng senior highschool department. Madami dami rin ang mga okasyon na itinatanglay ng Don bosco Makati Technical Institute of Makati Senior Highschool Department, tulad nung Agosto, unang buwan palang nang klase nagbalak na silang magtanglay nang okasyon at yun ay ang Wikasaytura na iginanap para sa buwan ng wika. Sunod dun ay ang Teacher’s Day, na aming ipinagdiwang upang parangalan ang pagsusumikap at dedikasyon na ibinigay sa amin ng aming mga tagapayo. Matapos nun ay ang pagpili namin ng club, itinanghal namin iyon sa kumu space na may nakakapanibagong karanasan dahil nagbigay ito nang “face-to-face” na pakiramdam saaming mga estyudante. Alam kong nakakasabik at nakakaenganyo ang mga okasyon at diwang dito sa DBTI Makati SHS Department kahit na lahat nang ito ay naganap sa pamamagitan nang online lamang. Ako’y naeengayong pumasok dahil sa dediaksyon na ibinibigay nang mga guro at estyudante para makamit ang pagka “face-to-face” nang ating paaralan at masasabi kong kakaiba ang “brotherhood” at “sisterhood” pagdating sa kultura ng mga Bosconians.

















