Don Bosco para sa Lahat
Hindi lang puro pag-aaral ang aatupagin pag ika’y nasa SHS Department ng Don Bosco, punong puno ng mga okasyon at pagdiriwang ang mararanasan mo dahil isa sa mga layunin ni Don Bosco sa mga estudyante niya ay magkaisa. Para sa karamihan, ang paaralan ni Don Bosco ay isang playground kung saan puwede kang maglaro, magsaya, makipagusap at marami pang iba. Paniguradong magiging komportable ka sa SHS Department ng Don Bosco dahil sobrang mababait at matulungin ng mga guro, puwede kang makipag kwentuhan, makipagbiruan, makipaglaro at marami pang iba pero kapag oras ng pag-aaral, asahan mo ng marami kang matutunan pag dating sa mga guro ng Don Bosco. Pati narin yung mga staff tulad ng canteen, janitors at iba pa ay sobrang bait at palakaibigan kaya’t madadalian kang makisama dito. Puwede mong gawin lahat ng gusto mo kaya nga sabi ni Don Bosco, “Run, jump, shout, but do not sin”, iwasan mo lang ang paggawa ng hindi maganda. Marami ding isinagawang mga aktibidad ang SHS ng Don Bosco tulad ng “Lakan at Lakambini” na ipinagdiriwang tuwing Buwan ng Wika, mga online tournament para sa mga mahihilig maglaro ng video games, mga clubs na puwedeng mong sahilan at marami pang iba. Isa ito ang dahilan kung bakit ginaganahan ang mga estudyante pumasok sa Don Bosco dahil hindi puro aral kundi ang pagbibigay din ng oras sa sarili.










