June 10, 2018 - August 11, 2018 Yan ang tinagal namin sa lugar na ito. Hindi akalain na maaattach ka pala sa ordinary everyday routine na nangyari sa dalawang buwan.
National Irrigation Administration (NIA)’s Gate Entrance. Haha lucky na nakarenta kami dito haha. Trabahador lang kasi ng NIA mga nakatira dyan. Pero dahil sa kaibigan ng tito ng kasama ko yung tagapamahala (wat) nakapagrenta kami sa presyong ₱ 4, 000 para sa 2 months (lumagpas pa nga kami ng one week e haha) Abandoned Hospital at School sa parang village na ito haha. Parang kakatakot sa unang titigan. Nung last weekend na pagstay ko nga e plano ko libutin yung school e kaso bigla may tumahol na aso kaya takbo agad hahahhaha pero sayang syempre Mahaba din lakarin mula sa entrance ng gate hanggang sa tinitirhan namin (third pic, first row). 5 minutes kung mabagal ang lakaran. Kakapagod din kasi paakyat sya kapag lalabas na kami ng gate. Kaya hingal na hingal kapag papasok na. Tapos the best kapag nagbubuhat kami ng inorder namin na mineral water. Sa labas pa ng gate nakakabili hahaha.
Church. Mukhang abandoned church din pero nakapagsimba na ako once dyan. Pinilit ako ng mga kasama ko na magsimba nung narinig yung kampana. BTW ako lang nagsimba kahit pinilit ako. Yung isa Adventist at yung isa Atheist jk. At maganda naman sa loob. Iilan lang nagsisimba din at minsan lang ata magmass sa isang buwan. May Basketball court sa loob at may malaking puno na tinatambayan ko magisa para makasagap ng connection. Mahina Globe sa area na to e huehue
Si Blackie. Haha pinangalan ni Ralph dahil black.......... Yan yung pag papasok kami o kaya umuwi, basta makita kami, susundan kami. Tapos pagtinawag mo naman, magmamayabang at bibilisan takbo. Mamimiss kita Blackie. Kung may Wi-Fi hotspot, Meron din siguro Data Hotspot- HAHAHAHA. Sa dalawang buwan, hindi ko kaya na walang internet talaga. Kaya lagi ako nagpapaload nung 50 pesos promo dahil may nilalaro ako sa phone. Bumibisita naman ako sa Tumblr pero hindi ako nagpopost haha pwede na maging ninja! Sorry sa pagiging inactive UwU. Neighborhood. Mababait naman. May nakikicopy pa sa amin ng mga movies, si Kuya Julius. Tapos meron din nagpahiram sa amin ng sampayan tapos may nagyayaya din sa amin na makipaginuman. Ang the best sa neighborhood na to, kapag umaga may nagpapatugtog ng gitara.













