CITIZEN JAKE, 2018
CITIZEN JAKE Hindi ito yung best film ever, pero sapat na para pahangain ka. Yung tipong naglalakad ka sa Ayala MRT station tapos mapapabuntung hininga ka na lang kasi t@ng!n@ ang husay talaga. Hindi horror, pero sumusubok ng tapang. Sobrang tapang ng linyahan kayang lumaban ng suntukan. Hindi comedy, pero matatawa ka sa katangahan ng buhay e. Mapapaisip ka kung nasa thin line ba tayo ng comedy o tragedy. All hail din para sa classic na depiction ng misogyny. Congratulations Tito Sen! Hindi heavy drama, pero malulungkot ka na lang kasi t@ng!n@ marerealize mo na game of finding out the truth talaga lahat ng mga buhay natin. Hindi ka maluluha, pero makakaranas ka ulit makaramdam. Hindi malalim, pero may taglay na lalim. Kahit nasaang level pa yung intellectual wave length mo solb ka dito. Tipong malilimutan mo sariling existential crisis mo e. Ako nga nalimutan ko ID ko sa work pati susi ng pedestal ko today e Maski mahal mo yung Pinas o hindi, magigising ka. Magkakaroon ng bagong sense of fulfillment yung pagkanta mo ng Lupang Hinirang. Panoorin niyo na bago ipa-pull out pa (malay mo i-ban pa yan). Pag napanood niyo na, piratahin natin. Ipalabas natin sa lahat ng mga bus na byaheng norte. Trip lang. Penge ako kopya pag may nag-leak na. Kasi ipapapanood ko to kapag may anak na ako. Para first words niya hindi Dada, pero Neber Porget Pansinin natin yung CITIZEN JAKE kasi di talaga siya kapansin pansin. Isabay ba naman (o isingit) sa Avengers, Deadpool, etc. Isipin mo halos dalawang dekada nagpahinga si Mike De Leon tapos ngayon na lang ulit siya gumawa ng pelikula. Damn our luck. Panoorin mo please. Tungkol 'to sa'yo e. Hanapin mo 'yung Citizen Jake within you. Char. De, basta maganda siya. Solid. Pero may mga pelikulang maganda talaga na hindi nabibigyan ng pantay na pagkakataon sa mga sinehan. Kailangan magkaron ng public clamor para sa mas madaming slots. Panoorin mo hindi dahil sa reviews. Pero dahil gusto mo lang mabilib, magisip, may magawa. Hindi din 'to tungkol sa looks ni Atom o ni Max Collins *kiligs* Pero husay ni Atom, bilang actor, pero bilang tao... char. Pagkatapos kong manood naalala ko na ang tanging kasalanan lang sa mundo ay pagnanakaw. Pag nagsinungaling ka, ninanakawan mo sila ng karapatan na malaman yung katotohanan. Pag pumatay ka, ninakaw mo yung karapatan na mabuhay. Pag nakiapid ka, ninanakaw mo yung saya sa loob ng isang pamilya. etc Hindi ito pelikula tungkol sa ibat ibang kulay sa pulitika. At hindi ito cancer post tungkol sa usaping Anti-Marcos o Pro-Marcos. Paminsan minsan sarap maging PRO-Country. Support local! Nood ka uh











