ABANGAN: 99% Homogeneous - blog na inspirado ng paksang 100% Filipino. Isang akada na tatalakay sa globalisasyon at sa ating pagkakakilanlan bilang isang Filipino.
seen from United Kingdom
seen from China
seen from China
seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from China
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from United States
seen from Mexico
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United States
ABANGAN: 99% Homogeneous - blog na inspirado ng paksang 100% Filipino. Isang akada na tatalakay sa globalisasyon at sa ating pagkakakilanlan bilang isang Filipino.
ABANGAN: What’s Like Playing Those Brutal Dominoes - blog na inspirado ng Rappler documentary na ‘Tatlong Araw’ mula kay Patricia Evangelista.
Filipinos Love A Good Entertainer - Inspired by “Once Upon A Tune” by Gary Granada
Nakakita ka na ba ng taong bulag na nanonood ng isang pagkahaba-habang teleserye?
Marahil marami sa inyo ang magsabi ng hindi pa, at ito ay kaintindi-intindi. Noong maliit pa ako, madalas akong laman ng mga emergency rooms, masasabi kong ako ay taong-ospital dahil sa aking asthma na sinabayan ng pneumonia.
Isang araw, sa waiting room ng mga pasyente may nakita akong manong na nakasuot ng shades na taimtim na nanonood ng tv. Nang siya'y tumayo doon ko lamang natanto na siya ay may kapansanan dahil sa white cane na dala-dala niya.
Hanggang ngayon, napapatanong pa rin ako kung hanggang saan kaya ang naiintindihan ni manong sa takbo ng teleserye. Nakikilala ba niya ang protagonista, nararamdaman ba niya ang presensya ng antagonista, o kaya naman ay may ideya ba siya sa intensyon ng bawat karakter?
Subaybayan mo ang takbo ng aking blog, at ipapamalas ko nang lubos ang aking pananaw sa likod ng himig at liriko ng kantang 'Once Upon A Tune', bukod diyan ay papatunayan ko rin kung bakit napakahilig ng mga Pilipino sa mga magagaling na tagapaglibang.
Ang awiting ‘Once Upon a Tune’ ni Gary Granada ay nagpapatungkol sa maduming politika sa Pilipinas.
Sa aking 16 na taon ng pamumuhay, sa paksang kontemporaryong issue ko pa lamang narinig ang pangalang Gary Granada. Kaya't patuloy akong napatatanong kung sino siya? At ano ang nag-"push" sa kanya na ilabas sa publiko ang kantang napakamakatotohanan noon hanggang sa ngayon?
Si Gary Granada, isang kilalang kompositor at mang-aawit ng ating bayan, masasabi nating siya ay naging isa sa mga haligi ng Original Pinoy Music (OPM). Ang kanyang mga awitin ay naging tanyag noong 1980s, marami sa kanyang mga awit ay tungkol sa kwentong-buhay ng isang ordinaryong mamamayan at pulitika sa bansa.
Kakaiba ang estilo ng mga kanta ni Gary, ang genre ng mga ito ay tinatawag na folk rock. Ang mga awitin sa ilalim ng genre ay hindi masyadong tanyag kug ikukumpara sa mga love songs. Bagkus, ang folk rock na awitin ay nagtataglay ng makabuluhang mensahe ukol sa malungkot na katotohanan na may kinalaman sa ating bayan.
Kung kaya't ganoon na lamang kalaki ang naiambag ng kantang 'Once Upon A Tune' sa usapin ng graft, korupsyon, politikal na dinastiya, under the table political negotiations, at ang pagkapako ng mga politiko sa kanilang mga pangako matapos silang maihalal ng mga mamamayan.
Narito ang link sa iba pa niyang mga awitin na itinanghal ng live gaya ng 'Once Upon A Tune': https://music.youtube.com/playlist?list=OLAK5uy_meRauoWnBttwQpHuRRZkEgGQtFYOIQVM8
POLITICIANS ARE ENTERTAINERS, ENTERTAINERS ARE POLITICIANS
1- KORAPSYON
Sampung mga daliri, panay malilikot Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot Madudungis na ngipin ng pulitiko Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Nursery rhymes, mga musikang pambata, napaka-inosente ng ritmo sa likod ng mga makasalang liriko nito. Graft? Korapsyon? Noon pa yan, panahon pa lang ng pakikipaghimagsikan ng mga ninuno natin laban sa mga banyagang mananakop, nariyan na ang korapsyon. Paano natin ito mapapatigil? Tumitigil nga ba ito? O baka naman naktatak na iyan sa dugo ng mga politiko? Tulad ng inilahad ni Lisandro Claudio, isang manunulat sa Rappler, naniniwala rin ako na may kinalaman ang patuloy na sistema ng corruption sa Pilipinas dahil sa ingrained patronage system na laganap sa bansa. Kung sinong mga apelyido ang namamayapgag noon, sila pa rin ang nasa posisyon hanggang ngayon. Sila-sila pa rin ang mga may kapangyarihan, may sapat na impluwensya, at may mga koneksyon.
Patungkol riyan ang unang talata sa kanta, at habang pinanonood ko ang live performance audio nito, hindi ko maiwasang mapatawa na lang din. At dahil doon nalala ko nanaman ang isang scene sa palabas na Bag Man, kung saan nagtanong ang propesor sa kanyang mg estudyante kung sino nga ba ang unang papasukin ni San Pedro sa langit.
Marahil tama ang punto ng propesor roon, kung saan sinabi niyang nangyayari talaga ang bribery at umabot na sa langit ang sistema ng korapsiyon. At bilang mga Pilipino tanggap na natin iyon, pangkaraniwang isyu na ang mga ito, paulit-ulit, paikot-ikot, suhol, padulas, under the table.
Kung ako nga ang tatanungin ramdam kong SOP na ito, magtatagisan lang sila sa palakihan ng pera na 'nawawala' kuno. Tulad nitong mainit na isyu sa DOH:
Isa lang yan sa mga dramang paulit-ulit na inilalabas sa telebisyon, ng mga bulag na mamamayang Pilipino.
2 - KAWALAN PRESS FREEDOM
Bakit naman bulag? Aba'y bakit hindi
Isa sa mga laganap na isyu sa bansa ang kawalan ng Press Freedom. Ang media lamang ang kumokonekta at nagbibigay alam sa mamamayan kung ano-ano na ang hakbang ng gobyerno para sa bansa at kinabukasan. Kung sakaling kontrolado ng gobyerno, o ng kung sino mang may kapangyarihan ang mga inilalabas na balita, kawawa naman ang mga Pilipino. Mga inosenteng manggagawa na ginagampanan ang obligasyon nilang magbayad ng buwis sa tamang oras. Bigay sila nang bigay ng parte ng kanilang kita, sa maling bagay lang mailalaan. Sa ngayon, hindi na nakagugulat pang mabalitaan ang pagkakakulong ng isang manunulat o journalist, nang dahil sa mga isyung iilang taon na ang nakakaraan. Tulad lamang ng cyber libel case na isinampa kay Rappler CEO, MAria Ressa ukol sa isang walong taong gulang na balita ng Rappler na nagsasabing ang negosyanteng si Wilfredo Keng ay mayroong ugnayan sa ilegal na droga at human trafficking. Ang nasabing artikulo ay isinulat ng dating mamamahayag ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr, sa kasamaang palad siya rin ay napatunayang nagkasala kasama si Ressa.
Mula sa aking pananaw, ito na ang nagsilbing "model" o kaya babala ng gobyerno sa mga mamamahayag na mahilig maki-alam o mahilig magbigay ng pagtuligsa at kritisismo sa kanilang mga programa, halimbawa riyan ay ang nagaganap na Extra Judicial Killing sa programang Drug Wars ng ating Pangulo.
3 - POLITICAL DYNASTY
My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis Are all political appointees
Hindi na bago iyan sa mundo nang politika lalo na sa ating bansa, mag-asawa, magkapatid, mag-ama, magkapamilya, o kahit kapuso man yan. Madaling-madali malaman kung kaninong balwarte ng isang lalawigan, itanong mo lang kung ano ang apelyido ni governor.
Ingrained patronage system, ito ang nakikita kong dahilan kung bakit sila't-silang magkakapamilya ang nakakukuha ng posisyon sa opisina. Ramdam ko na marami sa mga mamboboto ang takot pumili ng ibang ngalan sa balota. Maya-maya sila-sila rin ang mga nagsasabi ng linyang, "Asan na ang pagbabago?"
Kung iisipin natin yung rason kung bakit walang "pagbabagong" nagaganap, hindi lang ang gobyerno ang may kakulangan doon. Tayo rin bilang mga botante ay may malaking kasalanan, at ito ang hindi pagpili ng mabuting pinuno para sa ating bayan. Wala pa riyan, ang suliranin ukol sa mga kabataang ayaw magparticipa sa botohan. Isa iyan sa mga rason kung bakit ko natawag na bulag ang mamamayan, hindi natin tinitingnan ang ating mga sarili. Pero ang lakas ng loob natin manuro kung sino ang ugat ng kasalanan.
4 - PANGAKONG NAPAKO
Kapag ang taongbayan Ay may problema Dalawang tenga, dalawang mata Laging nakasara
Consistency, malaking-malaki ang kakulangan ng mga politikong nahahalal sa ganitong aspeto. Ang madalas na nangyayari kasi ay magaganda ang mga plataporma na ipinakikita at ipapangako nila sa taong bayan noong eleksyon. Pero nang sila naman ay nakaupo na muli, di na naramdaman ng taong bayan ang presensya nila.
Ang mas nakadidismaya pa, ang mga politiko na sinasabing hindi nagagampanan ang mga resposibilidad nila ay ipinapa-'resign' lamang. Bakit hindi sila binibigyan ng mas malaking parusa, tulad na lamang ng pagkakakulong? Upang sa paraang iyon ay mabigyan nila ng ideya ang iba pang mga opisyal (o nangangarap na maging opisyal) ng ideya sa trabahong ipinapasok nila.
Sapagkat, sa kasalukuyan naiisip ko na kaya maraming artista o atletang tumatakbo sa mas mataas na posisyon, dahil kaakibat ng posisyon ang kapangayrihan. Kapangyarihan na pwedeng gamitin para sa kanilang sariling pakinabang, kaya ganon na lang kabilis para sa kanila ang magpikit mata at magtengang kawali. Sabi ko nga, politicians are good entertainers, and the entertainers are also politicians nowadays.
KONGKLUSYON:
Sa kabuuan, tayong lahat sa lipunan ay may ginagampanan na responsibilidad. Tayo ang boboto sa mga politkong nakikitaan natin ng potensyal na magpaunlad sa bayan. At ang mga nahalal naman ang magsisilbi sa atin sa abot ng kapangyarihan at impluwensya nila.
Hindi sapat na maging bulag na manonood lang tayong mga Pilipino, lalo na sa kapwa kong kabataan. Sapagkat kung magiging ganoon lang din tayo, uulit at uulit lang ang nakaraaan, at maaaring di na dumating ang pagbabago na hinahangad natin.
Kaya’t sa parating na halalan, tayo ay sumali at magpartisipa. Dahil ito na ang pagkakataon natin upang ibigay ang pwesto, kapangyarihan, at impluwensya sa taong gagamitin ito ng maayos para sa ikabubuti ng bayan.
TO RELEASE: Filipinos Love A Good Entertainer - a blog based on the song “Once Upon A Tune” by Gary Granada
“Fusion Self” #selfidentity #contemporaryissue #liquididentity #contemporaryphotography #fusionself #us