Merry Christmas Part VIII
Athena
Hi Atheng! Ah shit. PT days. Antagal na pala nating magkakilala. Sana magka-love life ka na para hindi na mga college ang nanliligaw sayo. Hahahah! Pakihanda na yung kwartong tutulugan ko sa hotel niyo. What. Wala talaga akong kwenta pagdating sa ganto. Gusto lang kitang batiin ng merry Christmas! Toshing. Weh. K. Yun lang! Crush mo ako noon eh, pati ngayon diba. Umamin ka. What. Hahah! Merry Christmas ulit! Hinding hindi kita makakalimutan kasi nakakayanan mo ang pagsubok ng buhay kahit naka-wheelchair ka. Saludo!
Elaiza
Hi koreana! Naks, kilig pepe ka na agad no? Hindi ko alam kung ilang years na tayong magkakilala o years o months ba yun. Basta kakasimula ko palang sa tumblr, kilala na kita eh. Happy birthday. Joke. Merry Christmas! Alam ko naman na lagi mo 'ko iniistalk sa facebook kasi andami kong pictures dun pero sana matanggap mo na hanggang magkaibigan lang tayo. Sorry. Hahaha! What! Ayun. Merry Christmas! Kung isusulat ko ang buhay ko sa internet, nasa bandang mga una ka hanggang sa katapusan. Naks.
Rhei
Kuya Croax! Nakakatuwa kasi ginagawhan mo ako ng animated shit! Wala lang, ang aastig pa nung mga chibi mo. Hinding hindi ko rin makakalimutan yung pinabukas mo yung download ng Chasing Pavements ko. Anlaking boost nun sa self-esteem ko. Sobrang salamat kasi naging parte ka ng taon na 'to. Ayun.
Brequillo
Oy Brequillo! Antagal na rin pala nating magkakilala! Alam kong lagi kang pinagkakamalang poser pero nagtataka lang ako. Ampanget mo tapos pagkakamalan ka. Tsk. De, ito na. Mabait pala ako ngayon kasi pasko. Simula palang ng PT, isa ka sa pinakanakakausap ko dun. Salamat kasi nandyan ka. Kung wala ka siguro, matagal na akong na-OP sa grupo. Ayon. Merry Christmas!
Boleng
Hi, Boleng! Ang cute mo sa TC kagabi! Hahaha! Salamat kasi napapangiti mo ako sa mga GIF mo. Sana hindi ka tumigil sa paggawa kasi ang cute cute. Ang sarap pisilin ng cheeks mo. Pero sexy ka parin. Wag kang maniniwala sa sinasabi nila ha. Hahaha! Yun. Merry Christmas! Alam kong ang ikli lang nito pero from the heart naman. Oha! Ansabe. Hahaha!
Kuya Jastin
Merry Christmas po, Kuya! Salamat kasi andami ko ng kanta sa laptop ko! Hahaha! Andami mo pong natulong sakin sa larangan ng music kasi na-a-update ako sa mga bagong releases kapag nagpopost ka. Tapos pati sa magagandang movies. Ayun, salamat po kasi handa kang sobrang mapagbigay ka sa kapwa. Sa kapwa sa internet. Hahaha! Yun lang, Kuya. Merry Christmas ulit!











