Lakan ni Paraluman
Mariposa saaking tiyan
Huning kay sarap pakinggan
Mukhang kay gandang pagmasdan
Panahon kayang ilaan
Aalagaan galing inuman
Paglulutuan pa ng hapunan
Kamay nais hawakan
Labing kinasasabikan
Habang naglalakad sa daan
Yakap sa kabilugan ng buwan
Napawi ang kalungkutan
Naging sandalan
Kahapong nagdaan, ayaw nang balikan
'Pagkat kasiyahang hatid, sa ‘yo lang naranasan
Kilig at hiyawan ‘di mapapantayan
Takbo ng oras sana'y bagalan
Tuwing kasama'y ayaw nang lumisan
Ako'y may isisiwalat, ito ba'y hahayaan?
Matagal 'tong pinaghandaan
Sa una'y nangamba't naguluhan
Pagsusumamong nadarama'y masuklian









