Ikwento ko kaya yung tungkol sa first love kong fail?
May magbabasa kaya? Haha. :3
seen from United States
seen from United States
seen from Yemen
seen from Brazil
seen from Russia

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from China

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Latvia

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from Latvia
Ikwento ko kaya yung tungkol sa first love kong fail?
May magbabasa kaya? Haha. :3
Serious mode for review.
Siguro mejo mai-inactive ako ng konti dito sa tumblr and any social networking site for the next months. Malapit na rin kase ang review proper and serious mode muna akooowwwws. Hehe. Pero di naman totally inactive, magq-queue naman ako ng mga posts or kapag may oras magppost pa din madalas, hindi nga lang nung katulad ng dati. Anyway, expected ko na rin na may mga magu-unfollow, pero oks lang, wala naman yan sa dami ng followers e. Mas importante pa din sakin e hindi yung mga followers, kundi yung mga readers na nagtitiyaga basahin yung mga posts ko na kung minsan e wala ng sense. Haha. Tsaka sa mga naging kaibigan ko na din dito. :> Ohwell. Basta ayun. Just sharing.
Anyway, may mga hindi pa pala ako nakkwento netong mga past few days tsaka mga napopost na pictures. Baka bukas nalang after duty ko ikwento. :>
Goodevening!
17 hours.
Just got home from duty 3-11 shift sa DR. Haay. Tired. >_< Been up for almost 17 hours already. Tiring week, as always. Dapat yung review classes namin Thursday and Saturday this week, kaso since hindi available yung lecturer, na-move ng Saturday and Sunday. Kaya tuloy kahapon at kanina, ayun, may review kami. Ayos lang naman sana may review ng Sunday e, halos sanay na din kasi ako lately na wala ng weekends, ang kaso lang may duty kami. >_< Kaya ayun, review classes from 8-5 pm tas nagduty kami sa DR from 5 until 11pm tonight. Gusto na din sana namin magdouble shift para dire-diretso kaso sayang, ayaw nung CI namin. Hehe. Bukas naman, 11pm-7am na ang shift namin pati na rin sa Tuesday, nakakaexcite lang. :)) Almost 2 years din naming hinintay na magkaroon ulit ng night duty. :D
Anyway, so much for my day. Goodevening pala! :)
Nakakainggit lang yung mga nag-sembreak tapos puro movie marathon ang nagawa. :/ Pfft. Waaa. Sana ako din nakakapag-movie marathon ngayong sembreak. Haaay. Pero ni isang movie nga, wala pa akong napapanood ngayong almost 2-week vacation, e pano naman kasi, halos araw-araw pa din sa school para tapusin yung thesis at pagpapa-hardbound nun. Sabayan pa ng clearance. :/ Kaya halos gabi na rin ako nakakauwi palagi, useless din, hindi ko din naman ma-feel ang sembreak. Haay.
Ohwell. Babawi talaga ako sa sembreak sa December, mag-iipon ipon na ako ng movies sa hard drive, at mag-iipon ipon na din pambili ng DVDs na K-Drama, matagal tagal na din kasi akong hindi nagmmarathon ng kdramas. Hoho. :"> Buti nalang bumili yung kapatid ko ng isang DVD na korean drama, kaya at least, may isa akong napanood/mapapanood ngayong 3days before start ng second sem. :)
DVDs to buy/gusto panoodin:
Nice Guy! (Waaa! Been waiting for this to finish! Halos weekly ko din inaabangan ang live streaming niyan.:D)
Scent of a Woman (Tagal na neto, kaso wala pa akong copy)
Queen In-Hyun's Man
Faith
Innocent Man
Reply 1997
To The Beautiful You
:)
S-A-B-A-W.
EPIC FAIL. Yung feeling na disoriented ka sa mga pinaggagagawa mo at after ng mga nangyari, eh matatawa ka na lang sa sarili mo..
Papunta ako ng net shop kahapon kasi may iddownload at ie-edit na powerpoint, so ayun, di ko na sinulat yung mga agenda kasi konti lang naman. Edit-edit tas send dun sa classmate kong mag-rereport tas tapos na. Pagdating ko sa net shop, ayos na, nakadownload na ako, nalipat ko na sa desktop yung files, tapos na-edit ko na din. Ayun, since tapos ko na, nag-youtube nako. After 30minutes at tapos na oras ko, umuwi na ko. Only to realize pagkauwi ko na hindi ko pala nasend dun sa classmate ko. T_T
Bumalik uli ako sa net shop, sinend ko na. Syempre, di naman pwedeng 5 minutes lang ako dun, kaya ayun. 30 minutes ulet. Waste of time. waste of money. >_<
After 30minutes, time na ako. Siyempre umuwi na. Nakapagbihis na ako and everything, nakapambahay na at lahat lahat-----pagtingin ko sa mesa ko, naiwan ko pala yung flashdrive sa net shop. FTW. >___<
Srsly.. Talk about forgetfulness and carelessness. -_-
Revision of Thesis.
Thesis mode. -_- I hope I'll finish this before lunch.#NoDistractionsPlease
Yesterday.
Tiring day. ‘Twas supposed to be summer vacation, hindi ko naman ma-feel.. >_< Pero excited na ako sa affiliation naming starting April 23! :D Though busy din dahil sa enrollment at sa pagtapos ng requirements, at least I’m looking forward to going in Manila plus meeting my high school friends there. :DD
Anyway, this has been my day today in bullets:
Yung feeling na, the moment you wake up and checks your phone for messages, eh crush mo yung unang bumati sayo ng 'Good Morning'. Hahahaha. Kilig lang e. A great way to start the day, indeed. :DD
8-9am. Edited articles. Pass to EIC.
9-11 Rest? Inaantok pa kasi ako. :/
12-Lunch
Went to LCC to buy charger.
Bought cellphone case + shades. :D
Went to CUT for hair treatment.
Went to Polyclinic for vaccines. :/
Umalis ako sa bahay ng 1pm. Pumunta ng CD-R King para sa charger ng phone ko. Ansaaaaaaya ko nga pala, naayos na uli phone ko, akala ko forever ng sira yun. Buti nalang hindi din nawala lahat ng contacts at pictures dun. :DD After ko bumili, paglabas ko sa CD-R King, may nakita ako (alam niyo yung feeling na may nakita kang kakilala mo, pero pinili mo nalang na iignore kase kung papansinin mo naman yun na nakita mo, alam mo naman na hindi din sila mamamansin/indifferent lang sila at masasaktan ka lang kaya inignore mo nalang?) kaya ayun. Buti nalang hindi ako napansin.
After nun, pumunta ako sa CUT para sa hair treatment, eh nakalimutan ko magpaload, magkikita pa naman kami ng kapatid ko. Zzzzz.
Naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang makalimutin ako lately. >_<
And I felt sorry kase napaghintay ko siya ng almost 2hours. >_< Kaya ayun, pagkakita namin, galit sakin. (Syempre.) Nag-sorry ako syempre, tas para makabawi, sabi ko sakanya ililibre ko nalang siya ng kahit anong gusto niya..Nung una ayaw pa niya, hindi ako pinapansin, pero pumayag din.
Siya: Ate gusto ko magnum.
Ako: (Mahal nun ah. Pero sige. Pambawi naman e.) Sige. Tara.
Siya: (After 5 minutes.) Ay ate, iba nalang. Bili mo nalang muna ako ng pagkain.:D
Ako: Okay.
After namin kumain, dumiretso muna kami sa Polyclinic para magpa injection. >_<
(In the end, binilhan ko siya nung gamit na gusto niya. :P At bati na din kami. :DD)
Shots I had yesterday:
MMR (1st dose) + Chickenpox. T_T
Scheduled:
For tomorrow: T3, T4 and TSH.
Next week: TT2.
Next month: MMR (2nd dose).
Ayaw ko talaga ng mga injections. :(((
Ang damii ko na namang drafts na dapat nung nakaraan ko pa napost. :/ Zzzzz. Ewan ba, parang tinatamad lang kasi ako mag-type, hehe. :D Kaya nasa notebook ko lang muna sila kadalasan sinusulat. Kahit nga yung 365Day Tumblr Challenge, sa notebook ko din nakalagay, kaso lang hindi ko pa na-u-update dito. Baka bukas nalang siguro or sa Wednesday. :D
Ang tamad-tamad ko talaga magpost. Kaya ako nasasabihan ng mga classmates ko, kasi kahit sa pag-upload nalang ng pictures eh ang tagal-tagal din. Haha.
Ohwell. Siguro one of these days talaga, ipopost ko na sila. :) Sigurado na yan. :D
*pero ngayon, tatambay muna ako sa dash. :D