Natutuyong damdamin.
Siya'y niloko Ngunit kailanman Di naisip na baguhin Ang tibok ng kaniyang puso Mabigat man Masakit man Sa sarili niya'y palaging idinadaing At sa pagharap sa marami Patuloy itong nakatago Damdamin na natutuyo At hindi matukoy Kung saan patungo Siya'y nagkulang sa'yo, oo At nang handang bumawi Ikaw nama'y biglang naglaho Ang matamis mong ngiti Na dati'y sakanya mo lang napagtanto Ngayo'y sa iba na nakaturo Ang puso’t isip mong lito At hindi na alam kung paano Sumagot sa tanong Bakit nagkaganito tayo Walang ibang dalangin Kundi nawa'y maalis na Ang lungkot na aking taglay Sa araw-araw ng aking paglalakbay Maging sa silaw ng araw Pangalan mo pa rin ang natatanaw At lalong higit na aking panalangin Magawa ka ng limutin, At aking tanggapin Na ikaw ay hindi kaloob sa akin.
- shynasaktan














