Kwento
Kanina nung papunta kami sa sementeryo para makipaglibing, madami kaming nadaanan na mga pulubi, tapos nung nandoon na, may mga batang hindi ko alam kung may mga bahay ba ang lumapit tapos kumuha ng madaming pagkain na dapat sana e para sa mga nakipaglibing... Tapos yung boyfriend ko e lalapit lapit sakin tapos tatanungin ako kung okay lang ba 'ko (pinsan niya kasi yung namatay, kaya malayo ako ng konti, di 'ko iniistorbo). Sagot ko lagi "OKAY LANG". Kasi naiisip ko, ang hindi okay e yung namatay... yung mga nadaanan namin na walang bahay... yung mga batang yun na nagugutom... Napapatulala nalang ako habang nagtthank you ng sobra kay Lord kasi ako buhay, madami pang pwedeng magawa, nag-aaral, kumakain araw-araw, may bahay na natitirahan... May mga problema man madalas o lagi, at least dba. Kamusta naman yung ibang nabanggit ko? Hayyy. Kaya dapat maging mabait ako sa sarili ko. Kahit na laging di ko mapigilan isip ko, lalo na emosyon ko, na di ko macontrol... E dapat gawin 'ko lahat para maalagaan ko at mapahalagahan ko yung buhay ko.













