Sulat
Magaling magsulat ang jowa ko. Feeling ko nga minsan mas magaling siya magsulat kesa sa akin.
May mga salita siyang ginagamit na kailangan ko pang buksan ang dictionary app ko para malaman ang meaning.
Magaling magsulat ang jowa ko. Nagme-maintain siya ng dalawang blog: sports and literary. Yung sports blog niya, iba ang pagkakasulat. Parang beteranong sports writer talaga siya. Minsan lang ako humanga sa mga manunulat na kasing edad ko at kakilala ko, pero hangang hanga ako sa sports writing skills ng jowa ko.
Pero mahirap kausap ang jowa ko. Ayaw niyang nagtatanong ako sa mga problema. Ayaw niyang naguguluhan ako kahit sobrang gulo naman talaga.
Kung anong kinagaling niyang magsulat, siyang kinapanget niyang kausap.
Pag nagagalit siya, bigla siyang tatahimik at maglalaro sa iPad. Hindi niya ako kakausapin ng isang buong linggo (minsan tatlo).
Ang lakas ng topak.
Akala ko dati topakin na ako, mukhang nakahanap ako ng katapat ko.
Kung anong kinadaldal ko, siyang kinatahimik niya sa bawat away namin. Hindi ko siya makausap, parang bato sa tigas.
Sana kung gaano siya kagaling magsulat, kung gaano siya ka-eksperto sa paghabi ng mga salita at letra upang makabuo ng pangungusap, ganoon din siya kaeksperto sa pagpapagaan ng loob ko.
Kasi ang bigat.











